𝐓𝐀𝐒𝐓𝐄 𝐎𝐅 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃
🖋️:@𝓼𝓾𝓹𝓻𝓮𝓶𝓸🌵
Disclaimer: This story is a work of fiction. Any resemblance to actual persons living or dead is purely coincidental.Alas dose ng gabi tamang tama sa pag labas ng bilog na buwan. Pinagmasdan ko muna ito bago isinuot ang aking maskara na siyang mag tatakip sa aking mukha, dala ang maliit na patalim ay nilisan ko ang aking silid at tinahak ang daan papunta sa lugar kung saan matitikman ko ang bagay na kay tagal ko ng hindi na tikman.
Masukal na daan, matatayog na puno ang meron sa lugar na ito. Agad akong umakyat sa sanga nito't nag hihintay ng mabibiktima, hanggang sa may nakita akong hayop. Pwede na sa akin ang dugo nito.
"raWwwwrrRrrrrrr"malakas na ungol nito, nanlalaban pero hindi niya ako kakayanin. Agad kung sinaksak ang kahinaan nito, sa pag ayos ng kaniyang dugo ay ini-enjoy ko itong inumin subali't may panirang dumating."Astrid? Ano't iniinom mo yang dugo ng hayop?" Tanong nito mula sa aking likuran, hindi ko pa siya nililingon pero kilang kila na niya ako.
"Paki alam mo ba Hades, at bakit ka narito?" Puno ng dugo ang aking labi, hawak ang patalim na may dugo ay dinilaan ko ito bago ko hinarap si Hades. "I-ikaw? Ikaw ang sinasabi nilang pumapatay ng hayop o tao at iniinom ang dugo Astrid? Pero bakit? bakit ka ba uhaw na uhaw sa dugo?" Napangisi ako sa kaniyang katanungan, hindi ko akalaing nagtataka siya kung bakit ako uhaw na uhaw. "Simulan natin sa panahong matiwasay pa ang aking buhay Hades, may nakilala akong lalaki't minahal ko ng higit pa sa sarili ko, naging magkaibigan kami hanggang sa naging magka sintahan pero hindi ko lubos maisip na sa likod ng matatamis niyang ngiti, mga surpresa na ginagawa niloloko niya lang pala ako. Nagawa niya akong saktan at sinira ang aking tiwala, iniwan niya ako at sumama kay Thalita pero gusto ko maging patas ang lahat, sinaktan nila ako. kaya kapalit ng sakit na aking dinanas, pinatay ko si Aiden, Kinuha ang lahat ng dugo niya habang ang mga laman nito ay aking niluto at pinakain kay Thalita. Si Thalita ay ginawa kong bihag ayaw kung ilibing si Aiden kung kaya't niluto ko ang buong katawan nito matapos hiwain, sa una ay ayaw niya pang kainin ngunit patalim ko ay handang kuhaan siya ng dugo kung ang aking hinain na pagkain ay hindi niya kakainin, napipilitang kinain niya Ito habang ako ay iniinom ang dugo ng aking una't huling minahal, ang kaniyang dugo ay matamis parang juice lang at nakaka-adik hanggang sa hindi ko na maiwasan at gustong gusto ko na ang dugo"
Tila natigilan naman siya sa kwentong narinig hindi niya siguro lubos akalaing kaharap niya ngayon ang taong pumaslang sa kapatid niya."Ikaw ang pumatay kay Aiden? Astrid naman pinagkatiwalaan kita, nangako ka pang tutulongan mo akong hanapin ang pumatay sa kaniya tapos ikaw lang pala!!" Sigaw nito, halatang galit na siya basi sa ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Dapat kang makulong Astrid" agad itong tumakbo para makalabas sa gitna ng gubat na ito malayo sa aming bayan, pero hindi kita hahayaang masira ako ng dahil lang sa'yo Hades. Hinabol ko ito gamit ang pagtakbo sa sanga Ng mga puno para madali ko siyang maabotan.'I wanna taste your blood Hades. Hades, Hades, let me taste your sweet blood hades.' parang tangang sambit ko sa aking isipan habang naka tingin pa rin sa iba iba nitong aking tinatakbuhan. Agad akong tumalon mula sa sanga at bumagsak ng naka-tayo sa harap ni Hades na ngayon ay nanginginig na, seriously? Lalaki ba talaga 'to?.
"Hades, sayang ka. Pero kung ang hayaang patakasin ka ay siyang sisira sa kung anong meron ako ay hindi ko maaaring hayaan, hangga't buhay ako hindi ka makakalabas ng buhay sa gubat na ito" bulong ko sa kaniyang tainga habang hawak ko ang kwelyo ng kaniyang damit, ramdam ko ang pagtayo ng kaniyang maliliit na bahalibo ng dilaan ko ito. Nag e-enjoy pa akong paglaruan ang isang ito, pero malapit ng mag-umaga kung kaya't kailangan ko na din taposin 'to ng maka-balik na ako sa aking tahanan. Walang pag alinlangang pinutol ko ang leeg nito, agad ko ding nilagay sa isang malaking pulang lalagyan ang kaniyang dugo ng maubos na lahat ay inilagay ko muna siya sa liblib na lugar para hindi agad makita.
pag balik ko sa aking tahanan ay naligo agad ako't nag bihis ng damit, nag lagay na din ng kunting pabango, pagka pasok ko sa dinning room may nakita akong pagkain kaya kumain na ako't ginawang pamulak ang dugo ni Hades.
Hindi ako ganito dati pero isang tao ang nakapag pabago sa'kin, ngayon hindi ko na matigilan ang pag inom ng dugo hayop man o tao. I love the taste of blood nakaka-adik ang tamis nito, Kung pagkumparahin ko ang dugo ni Hades at Aiden mas masarap ang kay Hades hindi nakakasawa.
Sa dami kung nainom na dugo, my body keeps on shouting "more, more, more and more BLOOD" !&:&.
@supremo for A/A
@xyke for dedications.
@Knight for collaboration
YOU ARE READING
Oneshot(Completed)
RandomTHIS IS JUST A COLLECTION OF MY ONESHOT STORIES, COMPLETED (wag nalang pansinin ang daming codenames ko hahaha) Language: Tagalog-English Date/year Started: 2021 End: