𝐓𝐔𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐓𝐎 𝐃𝐄𝐌𝐎𝐍
✍️@𝓚𝓮𝓲𝓵𝓵𝓮𝓻.𝓐𝓶𝓻𝓼𝓽
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, Places, business, events and either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead is purely coincidental.Habang tumatagal, mas nagiging mahirap ng kontrolin ang aking kalahati.
Ganun pa rin, nasa gitna ng kagubatang ito parin ako nakatira paminsan minsan ay dumadalaw naman naman si Astrid.Ramdam ko ang unti unti na namang pagka gising ng demonyong ito.
“Dugo!” mahinang bulong ko, ibig sabihin may naligaw na namang tao dito sa gubat at kung sinuswerte ka nga naman may pang haponan na naman ako. Gustohin ko mang pigilan ang kalahati ko ay ‘di ko na kaya, kung kaya't hinayaan ko na lamang ito.
Narating namin ang labas ng maliit na tahanang ito, malapit sa isang ilog, tanging ingay ng umaagos na tubig ang maririnig hanggang sa may isang kaluskos ‘di kalayuan mula dito sa aking kinatatayuan, muli ko na namang naamoy ang dugo ibig sabihin malapit siya sa akin.“Bulaga”pang gugulat ko sa kaniya ng makitang naka tago ito sa isang puno. "AHHHHHHH HALIMAWWWWWWW MAMA TULONG MAY DEMONYO" sigaw pa nito ngunit walang makakarinig sa kaniya, walang ka tao tao itong lugar maliban sa akin.
At dahil naririndi ako sa ingay ng sigaw niya, agad ko na siyang tinalian sa bibig, maging ang kamay at paa nito bago ko siya binuhat.
Agad ko siyang pinaupo sa gitna nitong aking tahanan, hawak ang aking dagger na may bahid ng dugo napangiti ako ng makitang natatakot siya, ngunit wala akong pakialam. Agad kong hiniwa ang kaniyang t’yan paangat sa kaniyang ulo. Ang kaniyang dugo ay agad kong nilagay sa paborito kong lalagyan ng tubig habang ang lamang loob nito'y ihiniwalay ko't nilagay sa malaking kawali na may kumukulong tubig.
Ang puso nito'y ginawa kong prito at ang mga laman niya'y ginawa kong iba't ibang klase ng pagkain, gaya nalamang ng isang kalderita, Adobo, dinuguan at tinola. “lumabas kana Astrid, Alam kong nariyan ka” malamig na aking turan sa taong naka tago sa pintuan.“Tsk tsk tsk! Hindi ngang talaga napigilan ni Kenzo ang huwag tuloyang mag bago” iiling iling pang sabi nito bago nag patuloy sa paglalakad palapit dito sa hapag. “mukhang masarap ang handaan natin ahh, may inumin din ba yan? Masarap sa pulutan ang hinanda mo alan mo ba yun?” imbes na sagutin ay tiningnan ko lamang siya ng walang emosyon, at Kinuha ang Dalawang pitcher ng dugo. “dami mo atang naipon na dugo ngayon himala” madaldal kana Astrid. “Hmm. Pero mas marami ang sa'yo dahil adik ka sa dugo”Malamig ang pagkakabigkas bago ko siya nginitian ng nakaka-kilabot na ngiti.
Ito na ako, Ang bagong ako. Dahil simula sa araw na ito, patay na ang Kenzo na mabait at maamo na nakilala nila bagkus ay nabuhay na akong muli ngunit isang demonyo. Ang Demonyong uubos sa lahi ninyo*smirk*.
YOU ARE READING
Oneshot(Completed)
RandomTHIS IS JUST A COLLECTION OF MY ONESHOT STORIES, COMPLETED (wag nalang pansinin ang daming codenames ko hahaha) Language: Tagalog-English Date/year Started: 2021 End: