Proposal

4 0 0
                                    

𝐏𝐑𝐎𝐏𝐎𝐒𝐀𝐋
✍️:@𝓚𝓮𝓲𝓵𝓵𝓮𝓻.𝓐𝓶𝓻𝓼𝓽

disclaimer: This is a work of fiction. Names Places business events and either the products of author's imagination, or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead is purely coincidental.
Name Credit: Yulo Manunula't and Itchirō Klein Yoshirō

'Kay ganda ng panahon, hindi subrang init at hindi subrang lamig. Kasama ko si Yulo dito sa isang napaka-gandang isla, Isa ito sa mga pangarap kong mapuntahan kasama ang taong mahal ko. Iniwan ko na muna sa hotel room si Yulo at ako'y mag lilibot dito sa labas, tanging boxer short at puting sando lamang ang aking suot.

May mga mag jowang nag de-date, may mga single na tamang picture lang sa gilid., Nakakainip na din dahil wala na akong magawa, kung kaya't naisipan kung bumalik nalang.
Habang pabalik ako'y may mga batang nag bibigay sa'kin ng mga pulang rosas, nag tataka man ay tinanggap ko nalang din.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nalaglag na papel sa aking harapan.
"follow petals" ang naka lagay, tumingin naman ako sa daan at may mga petals nga, sinundan ko lamang ito hanggang sa nakarating ako sa harden, madami din ang nandito mga kapwang naka ngiti sa akin may mga bumabati din ng congrats, nag papasalamat nalang ako kahit 'di ko alam kung para saan.

"Akin ka nalang sana Itchi"
"Sayang Klein kay Yulo kana pala"
"Crush Kita Itchiro"

At kung ano anong sigaw pa, napapayuko na nalamang ako sa hiya. Ano ba kasing meron at dito ako pinapunta? para na akong tanga bitbit ang mga bulaklak tapos naka-tayo lamang dito.

"Now PLAYING: CLOSER YOU AND I
By:Gino Padilla"

Kasabay ng pagtutug ng isang awiting aking pinaka paborito ay siyang pag tili ng mga nandito. Hindi ko mawari kung ano ang tinitilian nila hanggang sa may nag salita.
"Its been 6 years since naging tayo, marami na din ang napagdaanan nating pasakit, hindi mawawala ang kunting away at tampuhan. Kahit na tuyoin ka, matampuhin at madaling mag selos, ikaw pa rin ang kusang pinipili ng puso ko Klein." Mga luha niya ay nag babadyang tumulo ngunit pinipigilan, naglakad Ito palapit sa harap ko. Ngayon ko lang din napansin na ang gwapo niya sa suot niyang black tuxedo.

"Klein, sabihin man nilang hindi tayo pwede dahil sa pareho ang ating kasarian, wala akong pakialam. Maging Tomboy, Bisexual, Bakla, o transgender ka pa ikaw pa rin ang mamahalin at pipiliin ko, sapat na ang anim na taon para kilalanin natin ang isa't isa. Will you marry me Itchirō Klein Yoshirō?" naka luhod ang isang paa habang naka tingin sa aking mga mata, may singsing na hawak sa kaniyang mga kamay, napapa-luhang tumango ako.
"Yes, Yulo"Luhaang sagot ko, dahil sa subrang tuwa. Ito na ang pangarap ko, natutupad na kasama ka mahal kung Yulo.

Kasabay ng kanyang pag-tayo at yakap sa akin ay siyang pag putok ng baril, hindi ko akalaing hanggang proposal lang tayo.
"Y-ulo" nahihirapan kung sambit, dahil sa balang tumama sa aking puso. "K-lei-n, b-abe, masaya akong kasama kita hanggang sa huli nating hininga"Naka ngiti man ay kita pa rin ang sakit na kaniyang nararamdaman, Kasabay ng pagbasak ng aming katawan ay siyang unti unting pag pikit ng aking mga mata, at pag bagal ng aking hininga, ramdam ko ding wala na siya dahil hindi ko na ramdam pag hinga niya.

"Walang magiging masaya hangga't buhay pa ako kuya At Mahal kung Klein, magsama sama tayong tatlo sa kabilang buhay"

Huling salita na aking narinig bago tuloyang tumigil sa pag tibok ang aking puso.

&.&: Socmed accounts.
_@yhno.amrst for add/accept
_@rvn.amrst for collab
_@killer for dedication.

Fb:Damon Sinn Azure

Oneshot(Completed)Where stories live. Discover now