Makaluma

1 1 0
                                    


Ang ating kwento ay tila maka-luma
Nagsimula tayo sa simpleng gantihan ng sulat kahit pa nauso na ang telepono.
nagkakilala sa hindi inaasahang panahon, pinag tagpo ng taon. Ito na ba ang taong dapat sa'kin? O isa sa taong sisirang muli sa aking tahimik na buhay. "Clarita ano't tila okupado ka nitong nakaraan, pati ngayon. Para kanino ba iyang liham na iyong ginagawa? wag mo sabihing may manliligaw ka?" Napangiti ako sa katanungan ni Ina, tama siya subrang naging okupado ako nitong nakaraan dahil sa pag gawa ng liham.
"Ah Ina meron nga ho, isa siya sa mga naging kasama ko sa camping noong sumama ako sa kanila pastor, Ina."malumanay kung sagot sa katanungan niya kanina, muli ko namang inalala kung paano kami nagka kilala.
Noong unay naka hiyaan pa kami, hindi ko lubos maisip na hahantong kami sa ganito.
"Aba'y mabuti naman at kasamahan pala sa simbahan iyan. Pero hindi ba uso sa kanya ang cellphone at sa maka lumang paraan kayo nag liligawan" Hindi ko gusto ang sa cellphone lamang mas maganda ang maranasan ko kung paano nililigawan ng lalaki noon ang isang binibini gaya nila lolo't lola.
"Ina mas maganda ang makalumang paraan, dahil ito naman talaga ang orihinal na paraan ng panliligaw ina"pahayag ko  dito at itinuloy na ang pag susulat.

Buwan ang lumipas na ganun ang aming situwasyon ni Juanito, may dadating na liham at sasagutin ko naman, paulit ulit pero masarap sa pakiramdam. Hanggang sa isang gabi ay may bigla na lamang tumugtug ng gitara sa labas at sinundan iyon ng mala anghel na tinig.
Nagising si mama at papa, inutusan nila akong tingnan kung sino ito dahil nang iistorbo daw ng tulog. "Ma si Juanito nang haharana" May halong kilig at kaba kung usal, at ibinalik sa ibaba ng bintana ang aking paningin. Ito ang unang beses na narinig ko ang kaniyang tinig na kumanta, subrang ganda at malamig sa pandinig hindi ko lubosang akalain na magaling pala siya sa musika. Pagkatapos niyang kumanta ay bumaba na ako't pinapasok sila, oo sila dahil kasama niya ang kaniyang kaibigan.
"Ano ka ba Juanito, nag abala ka pa. Ang layo pa naman ng byahe mula sa inyo." Nag aalalang sabi ko dito. "Clarita, gaano man kalayo ang byahe kung ang babaeng aking iniibig ang pupuntahan hindi na problema iyan." Matamis ang ngiting sabi nito habang naka upo sa sofa.
Ako naman ay pinag timpla sila ng kape at binigyan ng niluto kung cookies kanina.
"Oh ilang araw pala kayo dito Juanito"tanong ko sa kaniya habang hinahain sa harap niya ang tinimpla kung kape kasama ang cookies.
"Mga isang buwan, oh mas higit pa Clarita" natitigilan naman akong napa-tingin sa kaniya, pero sa nakikita ko ay seryoso nga siyang mananatili siya dito ng isang buwan o lagpas pa habang ang kaibigan nito ay sa tiyahin niya mananatili.

Ilang araw na ang lumipas ng mangharana si Juanito, matulongin siyang tao yun ang masasabi ko. Sa t'wing gigising kami nila mama ay naka handa na ang hapag kainan, may mga pagkain ng naka hain, maging ang aking tubig na ginagamit sa pag ligo ay hinahanda niya para na tuloy akong prinsesa sa ginagawa niya.
”Juanito,Papa, tanghali na tama na muna iyan ipagpatuloy niyo nalang 'yan mamaya" pagkuha ko ng atensyon niyo, malapit na mag alas dose ng tanghali at ito pa rin siya nag ta-trabaho sa palayan kasama ni papa. "Susunod nalang kami" sabay na sagot nila papa kaya bumalik nalang ako sa Kubo, nandito kami ngayon sa bukid dahil nag tatanim kami ng palay. "Ama, Juanito kumain na kayo naka handa na diyan ang ulam at kanin" Sabi ko habang naka tutok sa telepono ang aking mga mata habang si mama ay ayon sa labas kukuha daw siya ng prutas at pang meryenda.
Malapit ng mag dilim ng matapos ang pagtatanim, bandang alasais na kami nakauwi sa bahay.

Isang buwan ang lumipas ng ganun ang aming kalakaran, gigising ng handa na ang lahat. At sa huling araw ng pananatili ni Juanito sa aming pamamahay ay hinayaan kami ni Ina na pumunta sa malapit na restaurant para naman daw magkaroon kami ng oras sa isa't isa.
dapit hapon na ng maka balik kami sa bahay, nanatili pa siya ng isang oras at tumulong sa kanila ni Ina't ama, bago siya umalis ay binigyan niya ng tatlong libo ang aking mga magulang hindi ko alam kung para saan.

Ilang taon na ang lumipas simula ng manatili siya dito at bumalik kami sa dating nag bibigayan ng liham. Pa minsan minsan ay dumadalaw naman siya dito sa amin, at ngayon pareho na kaming nakapag tapos sa kolehiyo siya ay sa kursong doktor habang ako ay isang engineer.
Pareho din naming naka hiligan ang pagsulat ng iba't ibang  kwento kung kaya't pareho kaming nag ta-trabaho bilang manunulat pero hindi naman namin nakalimutan o pinabayaan ang aming trabaho bilang doctor at engineer.

February 14,20** araw ng mga puso at pang pitong  taon namin bilang magka sintahan.
Gumising akong wala ni isang text o tawag mula sa kaniya hanggang sa may nag doorbell, nag tataka man ay binuksan ko ito ngunit walal naman akong nakitang tao bagkus ay mga talulot ng pulang rosas ang aking nakikita. Sinundan ko ang mga ito hanggang sa makarating ako sa loob ng harden? oo harden dahil dito na tumigil ang mga talulot.
"pitong taon na tayo ngayong araw na ito Mahal kung Clarita, Kay dami na nating pinag daanan. Mga tampuhan na hindi maiiwasan, pero nasusulosyonan naman, Binabati kita mahal ko, masaya akong ikaw ang aking naging kasintahan masaya ako na sa paghihirap kung ligawan ka matamis mong oo ay nakuha ko din. Salamat sa pagpili sa'kin gayong alam kung maraming mas mahigit pa sa akin. Naalala ko pa kung paano tayo nagsimula, pag iibigan natin ay maka luma pero mas pinatibay ang ating relasyon. Sapat na ang pitong taon para sa akin para mas kilalanin natin ang isa't isa. Mahal kung Clarita Will you marry me?" Ang akala ko ay hindi na niya naalala ang aming espesyal na araw.
"Juanito, Mahal kita Alam mo iyan. Oo, Juanito mag papakasal ako sa'yo. Maraming salamat sa pagtanggap sa akin ng buo, marami akong imperfections pero nagawa mo pa rin akong mahalin ng buong buo." Lumuluhang naka ngiti kung sagot sa kaniya, masasabi kung siya na talaga.  Agad naman siyang tumayo at niyakap ako, ito ang unang beses na nagka dikit ang aming katawan sa loob ng pitong taon ni isang beses na maghawak ang aming kamay ay hindi niya ginawa, maging ang halikan ako ay hindi niya ginawa dahilan niya? Gusto niyang parehas kami na birhen  sa araw nang aming kasal.

August 14,20**  Ngayon ay ang subrang espesyal na araw, ito ang araw na aking kinasasabikan.
Ngayon ay inaayosan na ako ng mga make up artist na binayaran ni Juanito. At ako? Ito tinititigan ang sariling repleka sa salamin, hindi ko akalaing hahantong kami sa ganito, na aabot kami sa kasalan. Noon kasi ay hindi ko nakikita ang sarili kung nakasuot ng puting gown at may belo, mag lalakad sa gitna ng simbahan habang inaantay ng taong Mahal mo pero ngayon ito na.
Tapos na ng mga make up artist ang pag aayos sa'kin ay agad na akong pinapunta sa harap ng pintuan.

Nagsimula nang magsalita sa loob hanggang sa bumukas ang pintuan, naka hawak sa magkabilang bisig ko si Ina at Ama, nagsimula na kaming maglakad at ang daming bisita.
Nakita ko naman agad sa harap si Juanito naghihintay na makarating ako sa pwesto niya.
"Iho ingatan mo si Clarita, maligayang pag dating sa pamilya" nakangiting sambit ni ama at binigay ang aking kamay kay Juanito. "Opo papa iingatan ko siya, maraming salamat" nakangiting tinanggap ni Juanito ang aking kamay at inalalayan papunta sa harap ni father.
Nagsimula na ang seremonyas hanggang sa exchanging vows na.  "I, Juanito Torred, take you, Clarita Salazar, To be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, In sickness and in health, to love and to cherish, with your faults and your strengths, as I offer myself to you with my faults and strengths. I will help you when you need help and turn to you when I need help. I choose you as the person with whom I will  spend my life. According to God's holy law, and this is my solemn vow. I love you" hindi ko mapigilang mapa-luha,  ang pinapangarap ko ay natutupad na. "According to the will of God and my desire, I, Clarita Salazar, take you, Juanito Torred, to he my husband. Leaving my father and mother, I cleave to you. Through every year and every circumstances, I will remain constant in my commitment to you. I will always hope all things and believe all things in you and for you, turning your eyes constantly to Him who give us one another. I love you" Naka ngiti kung sabi pinipilit na wag mautal dahil sa pinipigilan na mga luha.

"You may now kiss the bride"—Father.

Dahan dahang ini-angat ni Juanito ang aking belo, naka ngiti niyang pinagkatitigan ang aking mukha bago ako nito halikan sa labi. Napuno ng palakpakan at sigawan ang simbahan. Wala akong mapag lagyan ng kasiyahan, subra subrang tuwa ang aking naramdaman. Ito ang unang beses na hinalikan niya ako, unang beses na hinawakan niya ang mukha ko.
Muli ako si Clarita Salazar, at dito nag tatapos ang aming kwentong maka-luma.

Oneshot(Completed)Where stories live. Discover now