My otherSide
✍️:@𝓚𝓮𝓲𝓵𝓵𝓮𝓻.𝓐𝓶𝓻𝓼𝓽
Disclaimer:This is a work of fiction. Names, Places, business or any actual events and either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead is purely coincidental.Takot! yan ang nakikita ko sa mga mata ng mga taong nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko sila masisisi kung takot at kinakamuhian nila ako dahil una palang alam ko ng ganito talaga ang mangyayari.
"Kumalma ka Kenzo, Hayaan mong ako ang mag ko-control sa'yo. Hayaan mong pagharian natin ang mundo" ang boses niya na kinaiinisan ko ay muli ko na namang narinig. Kailan ba matatapos ang pag hihirap ko? Ayaw ko na ng ganito ngunit ito na ako, kakambal ko na talaga ang demonyong 'to.
“Tamaaaa naaaaaa” sa pag sigaw ko ay tila ba wala itong narinig, maging ang mga naka tingin ay parang 'di nila ako nakikita.Dala ang samurai ay mas binilisan ko ang aking paglalakad, ramdam ko rin ang pagbabago ng kalahati sa aking katawan.
Gustohin ko mang wag pumatay ay 'di ko yun mapipigilan, dahil hindi ko kontrolado ang demonyong 'to.“Halimaw ka Kenzo lumayas ka sa lugar na ito”
“hindi ka nababagay dito”
“Anak ka ngang talaga ni Alfio, Pareho kayong halimaw”sari saring sigaw, kasabay ng pag bato nila sa'kin ng mga matitigas na bagay. Hindi na ako nagsalita pa at nilisan na lamang ang lugar na iyon, ngunit naalala ko ang sinabi nung matanda
Kung gayon ay ama ko pala si Alfio ang Hari ng Underworld.
Nandito ako sa loob ng isang gubat, nag hahanap ng mapapaslang dahil nauuhaw sa dugo ang aking mga mata maging ang aking katawan.
At kung sinuswerte ka nga naman may padaang babae "hmmm!!" Mahinang himig ko habang dinadamdam ang bago ng kaniyang dugo.
Walang pasabi na tinakpan ko ang bunganga ng dalaga't agad na hiniwa ang kaniyang t'yan, kita ang kaniyang lamang loob na mas nag pa buhay sa demonyong nasa aking katawan, "masarap na haponan" bulong ko at dinilaan ang aking pang itaas na labi.
Pagkatapos kung ilagay sa isang lalagyan ang lahat ng kaniyang lamang loob ay, hiniwalay ko ang kaniyang puso't nilagay iyon sa aking bulsa.
pinutol ko ang kaniyang kamay at paa dahil mas masarap itong gawing ulam, habang ang kaniyang ulo ay sinabit ko sa isang puno malapit sa daan palabas.Nasa maliit na tahanan ko ngayon dito sa loob ng kagubatang ito, ako't nag luluto ng pagkain.
Isa isa kung hiniwalay ang kaniyang daliri, at ginawang adobo, habang ang mga laman naman nito'y pinakuluan ko lang. Hinanda ko na din ang chilli powder at iba pang gagamitin para sa sauce. Luto na ang pagkain kaya't handa na sana akong simulan itong kainin ng may mag salita malapit sa pintuan ng dinning room.“Walang kupas Kenzie, Hindi ka pa rin kayang kontrolin ng iyong kalahati”— Astrid.
YOU ARE READING
Oneshot(Completed)
RandomTHIS IS JUST A COLLECTION OF MY ONESHOT STORIES, COMPLETED (wag nalang pansinin ang daming codenames ko hahaha) Language: Tagalog-English Date/year Started: 2021 End: