Third One

1.6K 61 0
                                    

Third One

Masaya ako kasi natanggap ako ng pamilya ni Moe. Kinakabahan talaga ako kanina pa. Mabuti nalang nandyan si Elmo to guide me. Mabait ang pamilya niya. Nakakatuwa sila. Pati parents niya mababait. Akala ko nga hindi ako magugustuhan ng Mommy ni Elmo. Yung Daddy kasi naintindihan agad pero yung Mommy tumagal pa ng ilang minuto bago matanggap. At least okay na wala na kong problema.

Nagkakasiyahan ang lahat ng makita ko na hindi nakikisama yung bunsong kapatid ni Elmo. Si Clara. Nagulat ako sa naging tanong niya kanina. Hindi naman ako nakasagot kasi sa murang edad niya nakita na niyang masaktan ang Kuya niya. Lumapit ako sakanya. Nakatulala lang siya sa pagkain niya.

"Hi.."

Tumingin siya sakin. Umupo ako sa tabi niya.

"Clara, right?"

Tumango naman siya.

"Uhm..hindi ko nasagot yung tanong mo kanina.."

Tiningnan niya ko ng seryoso.

"Sasaktan mo din ba ang Kuya ko?"

"Bakit mo tinatanong? May nanakit na ba sa Kuya mo?"

Tumango siya. "Yes, si Ate Liza."

Ang totoo niyang hindi ko pa alam ang totoong nangyari kay Moe at sa ex girlfriend niya. Nung nasa Paris kasi kami ni Elmo mas pinili namin na kalimutan ang lahat at maging masaya lang.

Nginitian ko siya. "Hindi ko sasaktan ang Kuya mo."

Naging maamo ang mukha niya.

"Tulad kasi ng Kuya mo, naranasan ko ng masaktan at ayokong iparamdam yung sakit na yun sa ibang tao."

"Totoo ba yan?"

Tumango ako. "Oo. Ganito, kapag sinaktan ko ang Kuya mo..ikaw na ang bahala kung anong gagawin mo sakin."

Unti unting ngumingiti si Clara. Nanlambot naman ang puso ko. Ang gandang bata niya lalo na kapag nakangiti.

"You're pretty and nice."

"So..tanggap mo na ba ko para sa Kuya mo?"

Tumango siya at niyakap ako.

"Alagaan mo si Kuya ah, Ate Julie."

Niyakap ko din siya. "Yes Clara."

Tumingin ako kay Elmo. Nakangiti siya sakin. Pati ang pamilya niya nakatingin din samin ni Clara. Masaya ako kasi okay na ang lahat. Okay na ko sa pamilya ni Moe. Sana ganito din ang mangyari sa pamilya ko.

"Hey..you okay? Are you tired?"

Nasa sala kami ngayon ni Elmo. Nagpapahinga. Yung parents niya at kapatid niya nasa garden.

"Oo naman. Ikaw ba? Okay ka lang?"

"Ako pa ba? Makita lang kita tanggal na ang pagod ko."

"Mga banat mo talaga, haha."

"Sus, kikikilig ka lang eh."

Napailing nalang ako. "Ewan ko sayo."

Natawa naman siya. Bakit ganun kahit nasusungitan ko siya natatawa lang siya? Haha.

"Punta tayo sa room ko.." Bulong niya sakin.

Napatingin naman ako sakanya.

"Anong gagawin natin dun?"

Nagtaas baba naman ang kilay niya. Hinampas ko siya sa braso niya.

"Kalokohan mo."

Nag peace sign siya. "Joke lang ito naman. Diba sabi ko sayo hindi natin gagawin yun kung walang pahintulot mo. I'm willing to wait naman."

Napangiti naman ako. Ang goodboy naman.

"Thanks. Tara punta na tayo sa room mo?"

Ngumisi siya. "Bakit? Gusto mo na din ba?"

Umiling ako at tinaasan ko siya ng kilay.

"Gusto ko lang makita.."

Bigla niyang tinakpan ang gitnang parte ng katawan niya.

"No. Wag muna Yam..hindi pa siya ready. Tsaka mahiyain siya pero kung pipilitin mo, ayos lang."

Kinuha ko ang unan sa gilid niya at binato siya sa mukha. Kalokohan talaga ng lalaking ito oh.

"Awww." Tawa siya ng tawa.

"Pervert ka talaga! Gusto ko lang makita ang room mo, hindi yang.."

Tumayo siya at lumapit sakin.

"Hindi ang ano ko? Ano yun Yam?"

Aba! Nang-aasar talaga. Tumalikod na ko at naunang umakyat sa hagdanan. Namumula na kasi ako. Kasi naman.

"Ewan ko sayo, aakyat na ko. Hahanapin ko nalang room mo."

Narinig ko naman na tawa siya ng tawa.

"Bakit ka pa maghahagdanan kung may elevator naman?"

Napatingin ako sakanya. May elevator ang bahay nila? Mukhang nagets naman niya ang sinasabi ko. Lumakad siya palapit sakin at kinuha ang kamay ko.

"Wag ka na magalit Yam..hehe. Dun tayo sa elevator. And yes, may elevator kami. Pinagawa ni dad para kay Lolo nung nabubuhay pa. Hindi kasi nakaakyat ng hagdanan."

"Ang yaman niyo pala talaga.."

"Hindi naman. Tara? May papakita ako sayo. Yung favorite place ko dito sa bahay. Mamaya dadalhin kita sa room ko para makapag-pahinga ka."

Tumango ako sakanya at ngumiti. Nagpunta kami sa may elevator. Nasa pinakataas na kami ng bahay. Ano kayang meron dito? Bumukas ang elevator. Puro kwarto naman ang makikita mo dito.

"Ang daming kwarto.."

Tumango siya. "Yam, napanuod mo na ba yung Fifty shades of grey?"

Umiling naman ako. "Hindi pa pero nabasa ko na siya sa libro. Bakit?"

"Alam mo yung red room of pain?"

Napatitig naman ako sakanya.

"Don't tell me.."

"Meron din ako."

"Seryoso?"

Natawa naman siya at napailing.

"Totoo nga pero hindi red room kasi yung akin white room."

"Ha?"

Huminto kami sa isang room. Kinuha niya ang susi sa bulsa niya.

"Ready ka na?"

"Elmo naman eh."

"Hahaha! Joke lang Yam."

Binuksan niya yun. Pumasok kami sa loob. Tiningnan ko ang paligid puro white nga. Pero may mga drawing sa wall. Lumapit dun at pinagmasdan.

"Ang ganda naman ng mga drawing dito. Ikaw ang gumawa?"

Tumango naman siya. "Kung si Christian Grey, ang tawag niya sa red room is playroom ang tawag ko naman dito sa white room ay memory room. Bawat pangyayari sa buhay ko, nilalagay ko sa wall ng kwartong ito."

"Bakit?"

"Para maalala ko. Para kapag gusto ko na mag-isa lang ako at balikan ang mga pangyayari sa buhay ko edi pupunta lang ako dito."

Tumango nalang ako sakanya at naglibot ulit. Ang artistic pala ni Elmo.

May mga bagay pa pala akong hindi alam sakanya at handa akong alamin yun. Nag-iikot ako ng may makita akong drawing ng babae.

"Sino siya?"

Lumapit sakin si Elmo at tumingin naman ako sakanya kasi hindi siya sumagot. Napaka seryoso ng mukha niya. Seryosong nakatingin siya sa babae. Tumingin ulit ako sa drawing.

"Siya si Liza..."

To be continued..

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon