Nineteenth One

1.4K 63 4
                                    

Nineteenth One

Aaminin ko nagugulat talaga ako sa mga ginagawa ni Elmo na efforts para sakin. Hindi ko akalain na gagawin niya ito. Nakayuko si Kyle sa harap ko habang tinitingnan ko naman siya. Mas iniisip ko ngayon si Elmo kesa kay Kyle. Kung paano ako babawi aa lahat ng ginawa niya para sakin.

"Julie.."

Huminga ako ng malalim. Ito na. Ito na ang oras na maririnig ko ang explanation niya.

"Go. Explain."

"Julie, unang una sa lahat gusto kong huminga ng tawad sayo. Alam kong hindi enough yun para patawarin mo ko at kalimutan ang mga nangyari. Alam kong hindi madali yun."

"Bakit? Bakit mo ko sinaktan?" Hirap kong sabi.

"Lalaki ako. May pangangailangan na hindi maiintindihan ng mga babae. Matapos mo kasi akong tanggihan, nandun si Mitch, kaya niyang ibigay ang needs ko. Pinatulan ko. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko malakas ang hormones ko noon panahon na yun."

Napaluha ako. Pinunasan ko naman kaagad yun.

"Alam mo ba kung gaano kasakit yung ginawa mo? Iniwan mo ko para lang ma-satisfy ka sa needs mo? Pumatol ka pa sa iba."

"Kasi hindi mo kayang ibigay yun."

"Ikakasal naman na tayo diba? Kaya nga may tinatawag na honeymoon bakit hindi ka naghintay?"

Napapailing siya. Ako naman pinikit ko ang mata ko.

"I'm sorry, Julie."

"Dahil sayo Kyle, sobrang nasaktan ako. Gusto kitang saktan."

"I'm sorry..i'm sorry.."

Paulit ulit niyang sabi. Minulat ko ang mata ko.

"Mahal mo ba si Mitch?"

Umiling siya. "Hindi ko siya minahal."

Tumango ako.

"Ikaw? Mahal mo ba siya?"

Tinutukoy niya si Elmo.

"Oo. Mahal ko siya."

Tumango tango siya. "So wala na talaga tayong pag-asa?"

Umiling ako. "Wala na Kyle. Tapos na ang istorya nating dalawa. Masaya na ko kay Elmo."

"Nakikita ko kung gaano ka niya kamahal."

"At mamahalin ko din siya higit pa sa pagmamahal na meron ako sayo noon."

Tumingin siya sa mga mata ko.

"Bakit mo siya nagustuhan Julie?"

"Nagustuhan ko si Elmo kasi hindi siya, ikaw."

Nakita ko na napaluha siya. Mabait si Kyle pero wala na. Nasaktan na niya ko. Ayoko ng maramdaman ang sakit na yun so kailangan na naming tapusin ito.

"Thank you Kyle sa lahat lahat pero kailangan na nating tapusin ito. Kung ano man ang meron sating dalawa, tinatapos ko na."

Tumayo siya at lumapit sakin. Lumuhod naman siya sa harap ko. Kinuha ang kamay ko. Hinalikan niya yun.

"Ang tanga ko na pinakawalan kita. Kung maibabalik ko lang sana.."

Umiling ako at binawi ang kamay ko sakanya.

"Hindi na ko babalik sayo Kyle. Hindi na ko aalis pa sa puso ni Elmo."

Pilit siyang ngumiti.

"Sana dumating ang araw na mapatawad mo ko."

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon