Fifth One

1.7K 57 0
                                    

Fifth One

Nagpaalam na si Elmo. Hinatid niya ko kasi kanina pa tumatawag si Carly. Pasaway talaga yung bestfriend kong yun. Agad akong sinalubong ni Cookie. Kinarga ko naman siya. Ang cute talaga ng asong ito.

"Mabuti dumating ka na?"

Napatingin ako kay Carly na nakasilip mula sa kitchen. Lumapit naman ako sakanya.

"May makulit kasi na tawag ng tawag simula pa kanina." Natatawa kong sabi sakanya.

"Aba, namiss ko ang bestfriend ko noh. Akin ka na muna ngayon. Marami pa tayong pag-uusapan. Marami ka pang ikukwento."

Lumapit sakin si Carly at kinuha si Cookie sakin.

"Diba cookie? Yang Mommy mo kasi hindi na ata nagsasawa sa Daddy mo. Magkakasama naman sila kasi ikakasal na. Lupit noh? Iiwan talaga niya ko."

Natawa nalang akong iniwan ang nag da-drama kong bestfriend. Nakalimutan kong sabihin, magkasama kami ni Carly sa condo. Pumasok ako sa kwarto ko. Naligo at nagbihis. Maya maya pumasok na siya.

"Ano yang dala mo?"

"Popcorn?"

"Para saan?" Umupo ako sa kama at naglagay ng lotion.

"Kasi kakainin natin. Magkwento ka eh baka gutumin ako."

Napailing nalang ako. "Gawin daw bang sine ang buhay ko."

"Adik. Hindi naman. So ano? Kamusta ang dinner with the future in laws?"

"Ok naman. Tanggap naman na nila ako. Ang babait nga nila eh. Akala ko nga nung una hindi nila ko matatanggap kasi alam mo na, yung ang iksi palang ng time na magkakilala kami ni Moe tapos magpapakasal na."

"Ang weird naman kasi talaga but anyway, as in mabait talaga? Buti hindi inatake sa puso yung magulang ni Elmo?"

"Hindi naman. Ang bilis nga mapapayag nung Daddy niya. Yung Mommy naman napag-isip muna pero napapayag din."

Tumango tango siya. "Eh paano naman ang mga kapatid? Kamusta naman sila?"

Napangiti ako. "Mababait sila, beshie."

"Mabuti naman kung ganun. At least tanggap ka na at wala ka ng problema pa sa side ni Elmo."

"Sana nga lang ganun din sila Mama at Papa bukas."

"Speaking of, tumawag sila kanina. Tinatanong kung dumating ka na. Ang sabi ko nalang na nakatulog ka na sa sobrang pagod kaya hindi mo na sila natawagan at napuntahan."

Kumain ako ng popcorn. "Thank you. Baka kapag nalaman nila kung nasaan ako baka ngayon palang mapatay na nila ko."

Binatukan niya ko. "Aray! Masakit yun ah!"

"Parang tanga. Anong baka mapatay ka na nila? Baliw ka ba? Bakit naman? Buntis ka ba?"

Oo nga naman. Sorry na. Haha!

"Sorry na." Humiga ako sa kama.

"Anong iniisip mo ngayon?"

Tumingin ako sakanya. "Nag kwento sakin si Moe about sa ex niya."

"Really? Anong name? Omg! Dali search natin kung maganda."

Tumango naman ako. "Maganda siya. Nakita ko yung drawing ni Elmo."

"Tingnan lang natin."

Kinuha niya ang laptop niya at nagsimulang mag google.

"So? Anong name?"

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon