Forty-Eight One

1.2K 57 10
                                    

Forty-Eight One 


 "Si Janina.." 

 Napakunot noo ako sa sinabi ni Julie. Lumapit ako sakanya. 

 "Bakit Yam? Anong meron kay Janina?" 

 Napabuntong hininga si Julie. "Yung resto nila ang napiling nag cater nila Mama. Wala naman akong magawa baka kapag nag back out kami sakanila edi magtataka sila Papa. At kapag nalaman niya kung anong connection ni Janina kay Mitch baka magalit nanaman yun." 

 "Anong sabi ni Janina na ikaw at ako ang ikakasal?" 

 "Kukunin ka niya sakin." 

 Napabuntong hininga ako. Niyakap ko si Julie. Alam ko na kung bakit siya nagkakaganito. Kinakabahan nanaman siya. 

 "Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala." 

 "Moe.." 

 Ngumiti ako. "Basta ako ang bahala." 

 Pumasok na kami ni Julie. Nasa may garden lang siya habang kumakain ng meryenda. 

 "Yam? Wag mo na siyang isipin. Ako na ang bahala. Kakausapin ko siya." 

 "Pero Yam paano kung totohanin niya ang sinabi niya? Aagawin ka niya sakin." 

 "As if naman na magpapaagaw ako. Sayo lang ako. Relax okay? Hindi ako papayag na saktan ka niya."  

"Anong gagawin mo?" 

 Ngumiti nalang ako. "Akong bahala." 

 Hinatid ko na din si Julie sa condo niya. May aasikasuhin pa ko. Aasikasuhin ko ang gumugulo sa isip niya. Nagpa set ako ng meeting kay Janina. Alam ko na gabi na pero wala akong pakialam. Sapat na ang mga nagawa ko. Kailangan na niyang manahimik. 

 "Good evening, Sir. May reservation po ba kayo?" 

 "Yes with Ms. Janina. Nandito na ba siya?" 

 Tumango naman yung waiter. Hinatid niya ko dun sa isa sa mga VIP room ng resto. Nakita ko siya na nakaupo dun habang nag cellphone. Umupo ako sa may tapat niya. 

 "Ohhh. Hello Mr. Elmo Magalona. Bakit ka nag set ng meeting? Kanina ang ka-meeting ko ay ang iyong soon to be wife ngayon naman ikaw." 

 "Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa Janina. Kung anong meron ka sakin, drop it. Hinding hindi ako ma-iinlove sayo." 

 Natawa naman siya. "So nagsumbong na sayo si Julie? Natakot? Haha. Tama nga si Mitch sa kwento niya sakin noon. Takot siyang maagawan. Hindi marunong lumaban." 

 "Hindi niya kailangan lumaban dahil ako ang lalaban para saming dalawa." 

 "Wow. Ang sweet naman pero my answer is no, Elmo. Mapapasakin ka. I want you. I need you." 

Hinawakan niya ang kamay ko. Agad naman akong umiwas. 

 "Tell me. Bakit ako? Bakit mo ginagawa ito?" 

 "Kasi nga gusto kita." 

 "Tsk. Umamin ka na. Diba tungkol ito sa restaurant ko? Natatalo na nito ang resto niyo kaya gumaganti ka gamit ang mga ito. Gusto mong mag franchise ng El Grande para malaman ang mga techniques na ginagawa namin. Tama ako diba?" 

 Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Umiwas siya ng tingin. 

 "Paano mo.." 

 "Marami akong connections Janina. Kung ako sayo, ititigil ko na ito." 

 Tumingin siya sakin. "Oo. Tama lahat ng sinabi mo. Ginagawa ko ito para gumanti dyan sa resto mo. Hindi lang sa resto mo kami natalo pati na din sa hotels at yung family business niyo, natatalo na din kami. Lahat nalang kinuha mo. Ikaw at ng pamilya mo." "Anong kinalaman ni Julie? Bakiy kailangan niyang madamay?" 

 "Nung nalaman ko na classmate ni Mitch si Julie na fiancee mo pala naisip ko na magandang opportunity yun para makaganti ako sainyo. Gwapo ka at mabait pa. Sigurado ako na madali kitang maaakit pero nagkamali ako. Masyado kang loyal kay Julie. Nung nasa Japan tayo, alam ko na hindi mo kasama si Julie. Akala ko pagkakataon ko na yun para mapasakin ka pero hindi pa din." 

 "Hindi ako magiging sayo at hindi ka magtatagumpay. Janina, kapag tinuloy mo ang gusto mong gawin hindi mo magugustuhan ang igaganti ko." 

 Nakita ko ang pag-iiba ng itsura niya. Para siyang natakot. "B..Bakit?" May nilabas akong nga folders. Nilapag ko yun sa mesa. 

 "Napag-alaman ko lang naman na kalahati ng stocks niyo eh nanggaling sa nakaw mula sa ibanh companies na nag iinvest sainyo." 

 Hindi siya nakapagsalita. "Ngayon, subukan mong guluhin pa si Julie at ako, lahat ng ipinaglalaban mo mawawalan ng kwenta. Mabait ako Janina pero kapag mahal ko na ang pinag-uusapan, nagbabago ako." 

 Tumango tango siya. "Okay. Sige sige. Nagmamakaawa ako sayo. Wag mong ituloy ang balak mo na ilabas yan. Lalayo ako. Ititigil ko na ang lahat ng ginagawa ko. Ang pagbabanta ko kay Julie. Please Elmo wag mo lang sabihin ito sa iba. Masisira ang pangalan namin. Si Papa..si Papa may sakit siya sa puso baka hindi niya kayanin kapag lumabas ang totoo sa public." Naiiyak niyang sabi. 

Tumayo naman ako. "Ipangako mo sakin na lalayuan mo na kami ni Julie." 

 Tumango tango siya. "Ngayon palang tatawag na ko sa airlines para makapag book ng flight. Please Elmo.." 

 "Hindi ko ilalabas ito. At tungkol sa pag cater sa kasal namin, forget it. Hahanap ako ng iba." 

 "S..Sige." 

 "One wrong move, Janina. One wrong move and you're dead." 

 Umalis na ko. Hindi ako ganito. Hindi ko ugali na manakot o magbanta sa mga tao pero ayoko naman na may gumulo pa sa isip ni Julie. Ikakasal na nga lang kami ang dami pang kung ano anong nangyayari. Paano naman namin mae-enjoy ang kasal namin kung lahat ng tao nanghihimasok. Gusto ko bigyan si Julie ng maganda at memorable na kasal. 

 "Lahat gagawin ko para sayo Julie. Ganyan kita kamahal." 

 Nagmamaneho ako pabalik sa bahay ng mag ring ang phone ko. Tiningnan ko kung sino yun. Tumigil din ang pagtawag. Hindi ko na din ito nasagot pa. Tatawagan ko nalang siya kapag nasa bahay na ko. Mabilis lang ang byahe kaya nakarating ako kaagad. Bumaba naman ako. 

 "Liza?" 

 Likod palang niya alam ko ng siya yun. Nakita ko naman na napalingon siya sakin. Lumapit siya sakin.  

"Moe.." 

 "Oh? Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito?" 

 Bigla nalang siyang umiyak. Niyakap naman niya ko. 

 "Liza.." 

 "Moe, pwede bang dito muna ko?" 

 "Ha? Bakit? Anong meron?" 

 Hinarap ko siya sakin. Pinunasan ko ang luha niya. Naaawa ako sakanya. Inalalayan ko siya papunta sa loob. Naupo kami sa may garden. Kumuha na din ako ng tubig. 

 "Here. Uminom ka muna. Ano bang nangyari at umiiyak ka?" 

 Uminom siya ng tubig."Si Enrique kasi.." 

 "Anong meron kay Enrique?" 

 Bigla nanaman siyang umiyak. 

 "Ayaw na niya...ayaw na niyang pakasalan ako.." 

 Napatingin naman ako sakanya. "Liza..." To be continued..

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon