Thirty-Sixth One

1.5K 61 1
                                    

Thirty-Sixth One


Para akong tanga dito kasi kanina ko pa pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a tux. Nakakagwapo. Groom na groom ang dating ko. Habang nakatingin ako sa salamin naiimagine ko na ang magiging wedding namin ni Julie.


"Ang ganda niya.."


Napatingin ako sa nagsalitang lalaki na nagsusukat din.


"Gusto ko siyang pakasalan."


Sabi naman nung isa. Sino ba yun? Dahan dahan akong lumingon. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang babaeng mahal ko na nakatayo sa hindi ganun kalayo sakin at nakasuot pa ito ng wedding gown. She's very beautiful. Parang gusto ko na siyang hatakin ngayon at dalhin sa simbahan. Ngumiti ako sakanya. Lumapit ako.


"Hi Yam. Ang ganda mo.."


Nakatingin lang siya sakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.


"Ang gwapo mo Yam..ang gwapo gwapo mo.."


Hinawakan ko ang kamay niya.


"Pinapagwapo mo ko eh."


"Ikaw talaga.." Namumula siya.


Lumapit samin yung sales lady. Pinapunta niya kami sa may photo booth dun. Kukunan kami ng picture.


"Ma'am, Sir, ganito po ang game natin, kukunan po namin kayo ng picture at kung sino po ang may pinaka magandang picture at pinaka sweet na picture siya po ang mananalo. Yung mga audience po ang magdedecide kung sinong mananalo. May voting kasi sa labas."


Tumango kami ni Julie. Tumingin ako sa paligid. 10 ata kaming maglalaban laban.


"Ready?" Sabi nung photographer.


Tumango ako. "Ready. Ikaw Yam?"


Nginitian niya ako. "I'm ready."


Picture dito at picture doon. Sa dami ng mga ginagawa naming pose, ewan ko nalang kung hindi pa kami manalo.


"Last picture." Sabi ng photographer.


Bumulong ako kay Julie.


"Parang kanina pa niya sinasabing last picture na pero tuloy pa din siya."


Napahagikgik naman si Julie sa sinabi ko. Napalo niya pa ko sa braso ko.


"Kuya, totoo na po bang last yan?"


Tumango naman yung photographer ng tanungin siya ni Julie.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon