First One

2.2K 69 2
                                    

First One

"Julieeeeeee"

"Carlyyyyyyyy!"

Niyakap namin ang isa't isa. Sobrang namiss ko siya. Ilang araw din kaming hindi nagkita. Walang kwenta ang social sites kasi sobrang namiss ko ang bestfriend ko.

"Kamusta na? Kamusta ang Paris?"

Natawa naman ako. "Parang hindi tayo nakakapag-usap at parang hindi naman kita ina-update."

"Wag ka nga. Dali na make kwento. Sabi mo sa phone may sasabihin ka sakin na importante?"

"Pwede bang sumakay muna tayo sa kotse? Haha. Ang daming tao dito sa airport oh."

Napasimangot siya. "Ano ba yan! Pabitin forevs ka. Sige na."

Nagpunta kami sa parking lot. Ang layo din ng nilakad namin kasi walang available lot doon. Nakasakay na kami sa kotse. Dahil sa nagugutom na ko niyaya ko siya sa isang resto.

"Hmmm..nakakamiss tuloy ang pizza ng Paris. Alam mo beshie, may resto akong na-discover dun at sobrang sarap ng pizza nila."

"Really? Next time sabay na tayong pupunta ng Paris. Kung hindi ko lang talaga kailangan mag summer eh. So anyway, ano na yung sasabihin mo at hindi mo masabi sakin sa phone?"

Pinunasan ko ang bibig ko sabay ngiti sakanya.

"Ano sa tingin mo beshie?" Ngiting ngiti kong sabi sakanya.

Napanganga siya. "OMG! Buntis ka noh?"

Napailing nalang ako habang natatawa. Ang advance talaga niya mag-isip.

"No, I'm not pregnant but maybe soon."

Napakunot noo naman siya ngayon. Kumagat siya ng pizza.

"Soon ka dyan? Wala ka namang boyfriend so paano ka mabubuntis? Tsaka diba.."

Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla kong itaas ang kamay ko. Pinakita ko sakanya ang Diamond ring ko.

"G! What's that? A ring?"

"Yes."

"Kanino? Omg! Don't tell me ikakasal ka na?"

Tumango ako. "Yes beshie. Ikakasal na ko."

"Weh? Kanino? Omg! Waaah. I'm so happy for you."

Napangiti naman ako. Mabuti nalang at masaya siya. Akala ko kasi magagalit siya sa desisyon ko.

"Elmo Magalona is the name, beshie."

"Kelan mo siya nakilala? Matagal na ba kayo? Siguro sinekreto mo sakin ito noh? Umamin ka!"

Umiling ako. "Beshie, 10 days ko palang siyang kilala."

"WHAT?" Sigaw niya.

"Totoo. Ewan ko ba beshie pero nainlove ako agad sakanya. Alam mo yun? Ang dami naming similarities. Meron din naman kaming pagkakaiba pero parang simula day one hanggang umabot ng ika 10 na araw eh, mas nahuhulog ako sakanya? Feeling ko parang araw araw akong na lo-love at first sight sakanya."

Ang blanko niyanh mukha ay napalitan ng masayang mukha.

"I'm happy for you beshie. May ganyan talaga sa pag-ibig. Iba iba lang ng kwento pero ang ending love pa din ang mananaig."

"Thanks Beshie. Ramdam ko na sinusuportahan mo ko."

"Oo naman. Happiness mo kaya yan. So sure ka na talaga sakanya? Hindi ba parang masyado pang maaga? Bakit hindi niyo muna mas kilalanin pa ang isa't isa?"

Umiling ako. "Hindi na kailangan beshie. Sure na akong siya na talaga."

"Ok sige sige pero bago kayo magpakasal dapat makilala ko muna siya."

Tumango naman ako. "Oo naman."

"Alam na ba ng parents mo?"

"Yes. Gusto nga nila na makilala si Moe. Bukas ng tanghali ko ipapakilala si Moe sa family ko then mamaya ipapakilala niya ko sa family niya."

"Really? Sama ako bukas."

"Sure."

Umiinom ako ng juice ng biglang nag ring ang phone ko. Sasagutin ko na sana pero namatay naman kaagad.

"Bakit Beshie?" Tanong ni Carly.

"Wala beshie, may number lang na tumawag sakin."

"Excuse me Ma'am."

Napatingin kami sa manager ng resto. Alam ko kasi nakita ko sa name plate niya.

"Yes?"

"May nagpapabigay po sainyo."

May nilapag siya sa mesa. Isang box.

"Kanino galing?"

May tinuro siyang lalaki na nagbabasa ng newspaper.

"Sino naman kaya siya?"

"Aba, buksan mo na yan."

"Ayoko baka mamaya may bomba pa dyan. Papakasalan ko pa si Elmo noh. Ikaw nalang beshie tutal wala ka pa namang papakasalan."

Sinamaan niya ko ng tingin.

"Peace lang beshie. Sige na bubuksan ko na."

Binuksan ko ang box at nagulat ako ng may maliit at cute na cute na puppy ang nakalagay doon.

"Wow..ang cute."

"Ang weird naman niya. Bakit siya nagbigay ng puppy?"

Tiningnan ko yung nasa leeg nung puppy.

"Cookie"

Napangiti ako. Alam ko na. Kilala ko na kung sino yung lalaki. Inabot ko muna yung aso kay Carly. Tumayo ako at naglakad palapit sa lalaki. Umupo ako sa kaharap niyang upuan. Unti unti niyang binaba ang newspaper na hawak niya.

"Nagustuhan mo?"

Tumango ako. "Thank you."

Ngumiti naman siya sakin. Halos matunaw naman ang puso ko dahil sa ngiti niyang yun. Lumapit ako sakanya ay hinalikan siya sa pisngi.

"Namiss kita."

Niyakap niya ko. "Mas namiss kita, bride."

Tumingin kami kay Carly. Nakanganga na ngayon ang bestfriend ko. Natawa naman kaming pareho.

"Carly! Besh, meet Elmo Magalona."

Tumingin ako kay Elmo.

"My groom."

To be continued..

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon