Tenth One

1.4K 57 6
                                    

Tenth One

Maaga palang nandito na ko sa Bicol. Nung umalis ako sa bahay nila Julie pumunta na kaagad ako sa Bicol. Gusto ko din kasing makita ang mundo ng mahal ko. Kung paano siya nag-aaral. Kung sino ang mga nakakasama niya. Kung ano ang madalas niyang gawin sa school.

"Sir, okay na po lahat. Na-check na namin lahat ng departments."

Tumango tango ako at ngumiti sakanila.

"Ok sige. Salamat."

Naglakad na ko. Papunta na kami sa airport ngayon. Mabilis lang ang byahe, kaya mabilis akong makakarating sa school ni Julie. May binabalak kasi akong gawin.

Ilang sandali pa, nakarating na kami. 10am palang. Pumasok ako sa loob ng school nila. Hinanap ko kaagad ang office dun.

"Good morning!"

Nakipag shakehands ako sa babaeng kausap ko.

"What can I do for you?"

Ngumiti lang ako sakanya at nagsimula na siyang kausapin. Mag-aaral ulit ako. HRM ang course na kukunin ko. Yung course na gustong gusto ko, simula palang. Hindi ito pang matagalan. Trial lang kasi kapag grumaduate si Julie, ikakasal na kami. Lumabas na ko sa office, may kasama akong professor. Halos lahat ng madaanan namin dun nagtitilian. Well, iba na talaga ang gwapo. Haha.

"Yam.."

Napahinto ako ng makita ko ang picture ni Yam sa may bulletin board doon. Ang ganda niya, oh wait, cheerleader ang yam ko?

"She's a cheerleader?"

Tumango naman yung professor.

"Yes. She's the captain of the squad. She's also the most outstanding student in the University."

Napangiti ako sa narinig ko. Ang galing naman pala ng Yam ko. Nasaan nga ba ang Yam ko? Kinuha ko ang cellphone ko at nag text sandali. After nun tinawagan ko na si Julie.

"Yam?"

"Hi Yam! Kamusta ang Bicol?"

"Ok lang naman, Yam. Ikaw ba? Kamusta naman ang school?"

"Uhmm, kakatapos lang ng class namin sa ibang subject. Free day daw ngayon kasi may seminar ang mga prof. Akala ko nga makakauwi ako kaagad para masundo man lang kita sa airport kaso may practice kami."

"Cheerleading?" Bulong ko.

"Ano yun, Yam?"

Tumawa ako. "Wala, Yam. Sige na be good okay?"

"Yes, Yam. I love you. Miss na miss na kita."

"I love you too."

Binaba ko ang tawag. Tumingin ako sa professor na kasama ko.

"Saan po dito ang gym?"

Gusto kong i-surprise si Julie. Gusto ko malaman lahat ng tao dito na may nagmamay-ari na kay Julie at ako yun. Nabalitaan ko na nag-aaral pa pala dito yung Kyle. Hindi pa nakukwento ni Julie sakin ang tungkol sakanila kaya buonh gabi ko inalam kung sino ba talaga si Kyle. Naiinis nga ako dahil may lakas pa siya ng loob na mag-aral dito matapos niyang saktan si Julie.

"Girls! Let's gooooo!"

Nasa may gym na kami. May laro pala.

"Mr. Magalona, I have a meeting so maiwan na muna kita."

"Yeah sure. Thank you."

Hinahanap ng mata ko kung nasaan si Julie. Hindi ko naman siya nakikita pa hanggang sa narinig ko yung babae na nagsalita.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon