Twelfth One

1.5K 67 5
                                    

Twelfth One

Hinihintay ko ngayon si Julie dito sa labas ng girls locker room. Halos lahat ng nadadaan dito napapatingin sakin sabay nagpapa-picture. Napapailing nalang ako.

"Ikaw ba si Elmo?"

Napatingin ako sa babae na kumakausap sakin.

"Yeah. Paano mo nalaman?"

Ngumiti siya. "I'm Katie. Kalat lang naman kasi sa twitter world ang relasyon mo with Julie Anne. Congrats."

Nginitian ko siya. "Thanks."

Umalis na siya. Paano kumalat sa twitter? Tiningnan ko ang cellphone ko at nag check ng twitter. Napatawa nalang ako.

"Si Carly talaga."

Nakita ko kasi na naka mention ako sa tweet niya. Nandun kami ni Julie.

"Yam?"

"Hey pretty. Are you done?"

Tumango naman sakin si Julie. Kinuha ko ang bag niya.

"Hey, ako na."

Umiling ako. "Let me. Hindi naman mababawasan ang pagkalalaki ko kung bibitbitin ko ang bag mo."

Napangiti naman siya. Pinisil niya ang ilong ko.

"Ang dami mo talagang alam. Tara na?"

Tumango ako. Dala dala niya ang binigay kong flowers sakanya. Magkaholding hands kami.

"Yam, samahan mo naman ako. Magpapakuha sana ako ng ID."

"Ahh okay. Tara dun tayo."

Habang naglalakad kami, tinuturo niya sakin ang bawat madadaanan namin. Masaya akong nakikinig sakanya. Kilala din siya ng mga tao dito sa school kasi palagi siyang binabati. Daig pa niya ang isang artista. Nagpakuha na ko ng litrato. Siya ang nag-ayos ng buhok ko.

"Ang gwapo mo naman, artista ka ba?"

Natawa si Julie sa sinabi ng Ma'am dun sa loob habang binibigay ang ID ko.

"Hindi po siya artista, future husband ko po siya." Sagot ni Julie.

Ngumiti lang ang Ma'am samin. Nakakakilig naman ang sinabi ni Julie.

"Alagaan niyo ang isa't isa. Bagay na bagay kayo."

Binigay sakin ni Julie ang ID ko. Ang gwapo ko naman dito. Haha. Tumingin ako kay Ma'am.

"Gwapo ko po diba? Ang ganda po kasi ng future wife ko."

Naramdaman ko ang paghampas ni Julie sakin. Tinawanan ko si Julie kasi sobrang pula ng mukha niya.

"Wag mong pigilan ang kilig, Yam."

"Ewan sayo."

Naglakad na siya. Kinuha ko ang bag niya sa kamay niya. Napatingin naman siya sakin. Nginitian ko siya.

"Yam, nagugutom na ko." Sabi ni Julie.

"Kawawa naman ang Yam ko. Wag kang mag-alala kakain naman na tayo."

"Hmm?"

"Diba sabi ko sayo may ipapakilala ako sayo?"

"Sino nga ba yang ipapakilala mo sakin?"

Hinalikan ko siya sa noo.

"Malalaman mo yan mamaya."

Nasa gate na kami at inaantay ang driver ko ng may tumawag kay Julie.

"JULIE! JULIE!"

Tumatakbo siya papalapit kay Julie. Si Julie naman napaatras sakin. Hinihingal siyang lumalapit samin.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon