Fifty-Fifth One

801 52 3
                                    


Fifty-Fifth One

Matapos akong ihatid ni Elmo, kinaladkad ako ni Carly papunta sa isang kwarto sa hotel na yun. Pagbukas na pagbukas nakita ko ang mga kaibigan ko sa school, malalapit na pinsan, mga kapatid ko, kapatid ni Moe, si Mama at si Mommy. Lumapit ako sakanila.

"Woah. Nandito kayong lahat."

Masaya kong sabi. Natawa naman sila. Tumingin ako sa paligid. Ang ganda. Mukhang pinaghandaan talaga nila.

"Pinaghandaan niyo ito noh?"

Tumingin ako kay Maqui at Carly. Nag apir naman silang dalawa. Pinaupo nila ako doon.

"Julie, magpakasaya lang tayo. No boys for now!" Sabi ni Ate Max.

"Oo nga!" Sabi ni Ate Saab.

"Ate, may chocolate fountain doon. Mamaya kain tayo." Sabi ni Jac.

Tumingin ako kay Mama.

"Anak.."

"Ma, wag kang umiyak please. Okay lang ito. Okay lang tayo."

Natawa naman siya. Niyakap niya ko at hinalikan sa ulo.

"Oo naman anak."

Tumingin ako sa Mommy ni Elmo. Nakangiti lang siya sakin.

"Magsimula na tayo."

May hinanda na laro sila Maqui at Carly. Na enjoy naman naming lahat yun. Natatawa nga ko kasi parang hindi naman talaga ito bridal shower. Parang bumalik lang ako sa pagkabata dahil wala lang kaming ginawa kundi maglaro. Nang mapagod ako pumunta ako sa isang table. Kumuha ako ng pagkain at kumain muna.

"Julie? Iha?"

"Mommy? Uhm, kain po tayo?"

Umiling siya. "Tapos na anak. Anak, gusto kitang pasalamatan."

"Para saan po?"

"Para sa pagpapasaya sa anak ko. Para sa pagpapasaya mo sa pamilya ko. Alam ko na tinaggap ka namin ng lubos at sa pagtanggap namin nun, bawat isa samin pinasaya mo. Pinasaya mo kami dahil pinapasaya mo ang anak ko. So salamat talaga."

Ngumiti ako at niyakap siya.

"Siya po ang happiness ko, Mommy. Siya talaga ang happiness ko."

Bumalik na si Mommy kala Ate Saab. Ilng sandali pa lumapit sakin si Carly.

"Julie na maganda."

Natawa ako. "O bakit Carly na maganda?"

Natawa din siya. "Bigayan na ng gift kaya halika na."

Pinaupo ako sa harapan. Nauna magbigay si Ate Max at Ate Saab.

"Julie, ang ganda ganda mo kasi kayo alam ko na babagay sayo ang make up na binili ko. Alam ko kaya kang bilhan ni Elmo niyan pero hayaan mo siya, di siya girl." Natatawang sabi ni Ate Saab.

"Thank you Ate Saab."

Lumapit si Ate Max. "Ako naman Julie, ito lang ang mabibigay ko sayo. Accessories. Kikay kasi ako kaya binili ko sayo yan. Sure ako na mas maganda ka kapag isusuot mo yan."

"Aww. Thanks Ate Max."

Si Joanna at Jac naman binigyan ako ng teddy bear na malaki. Si Clara naman painting kasama ako at si Elmo. Si Mommy na ang magbibigay.

"Julie, iha, sana magustuhan mo ang regalo ko."

Inabot niya sakin ang isang invitation card. Napanganga ako.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon