Twenty-Ninth One

1.6K 63 4
                                    

Twenty-Ninth One


Nandito kami ngayon sa mcdo. Hindi ko maiwasan ang matawa dahil ang daming inorder ni Elmo. Ngayon ko lang siyang nakita na kumain ng ganito kalakas. 


"Yam? Okay ka lang? Baka naman mabilaukan ka niyan ah?" 


"Hmmdi nahman.." Sabi niya habang kagat kagat yung burger. 


Natawa ulit ako. "Ang lakas mo kumain. Parang buong araw kang hindi nakakain ah?" 


Tumango naman siya. Pinunasan niya ang bibig niya. 


"Coffee kaninang breakfast tapos cheesecake ng tanghalian." 


Nagulat naman ako. "What? Bakit ganun lang ang mga kinakain mo?" 


"Walang time kaninang umaga. Nag cheesecake lang ako nung tanghalian kasi gusto ko sabay tayo kakain." 


"Aww. Sorry Yam. Sana hindi mo na ko inantay. Sana nauna ka na." 


Umiling siya. "Okay lang ako, Yam. Buong araw kitang hindi nakita. Ano ba naman yung ilang oras na paghihintay sayo." 


Nginitian ko siya. "Ikaw talaga. Sige na, kumain ka na ng kumain dyan." 


Nagsimula na siyang kumain. Tinititigan ko lang siya. Bakit kaya ganun noh? Lahat ng bagay o actions na gawin ni Elmo nakaka-inlove? 


"Kamusta nga pala yung meeting mo kanina?" 


Napahinto siya sa pagkain. Uminom siya ng juice. 


"About that.." Napakamot siya sa ulo. 


"What?" 


Parang may iba ah? 


"Kailangan kasi ako sa ibang branches ng resto ko eh. Pupunta ako sa thailand,singapore,macau at japan. Kailangan kong ayusin yung problema dun. Yung mga managers kasi sila pa ang nagdadala ng problema." 


"Ganun ba? Kelan ka naman pupunta dun?" 


Napabuntong hininga siya. 


"Bukas." 


"What? Yam? Bukas? As in bukas ba ang start?" 


Tumango siya. "Para maayos na kaagad. Alam mo naman na ready for expansion na kami diba? Hindi naman pwede na nagkakaroon ng problema dun." 


Napayuko ako. Naramdaman ko nalang na tumabi siya sakin. Inakbayan niya ko at hinawakan niya ang kamay ko. 


"Yam, hindi ko din gusto yun. Babalik naman kaagad ako eh." 


Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon