Fourth One

1.7K 59 1
                                    

Fourth One

Napansin ko na biglang nag-iba ang mood ni Julie. Umupo siya sa may lapag. Tinabihan ko naman siya.

"Yam.."

Tumingin siya sakin. "Sino ba si Liza? Bakit kayo naghiwalay?"

Nasabi ko sakanya nung nasa Paris pa kami na wag na muna namin pag-usapan ang mga ganung bagay. Dapat masaya lang kami at kalimutan nalang ang masasakit na nakaraan na nangyari. Ngayon nalang ulit siya nagtanong.

Tumingin ako sa larawan ni Liza.

"Hope Elizabeth Hanley Soberano better known as Liza. She's my classmate since grade one. Noon palang gusto ko na siya. Mabait,matalino at sobrang ganda. Halos sabay na kaming lumaki ni Liza. Sobrang saya ko nung first year highschool namin kasi dun lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat sakanya at kita mo nga naman ang pagkakataon, gusto rin niya ko. Naging kami hanggang maka graduate kami ng college. Naisipan niyang kumuha ng business management. Gusto kasi niyang magtayo ng business. Napagtalunan namin yan kasi gusto niya pareho kami. Kahit ayaw ko, sinubukan kong sundin siya. Ayokong mawala siya sakin dahil lang dun. Naging busy na siya. Sobra. Tapos isang araw nalaman ko na investor ng business niya ang bestfriend niyang si Enrique na first love pala niya. Kababata kasi niya yun. Halos napapadalas ang paglabas labas nila. Ang sabi niya business meeting lang. Sinundan ko siya pero hindi yun ang nakita ko. Nasa isang coffee shop sila. Magkahawak ang kamay. Lumapit ako sakanila. Sabi niya.."

Liza: Moe..

Elmo: Liz, anong ibig sabihin nito?

Liza: Elmo, I'm sorry..

Elmo: what..

Liza: Mag..mag..

Enrique: Magpapakasal na kami.

Liza: I'm sorry Elmo. Mahal ko parin si Quen. Sorry talaga..

"Halos mabaliw ako sa ginawa niya. Mahal na mahal ko si Liza pero niloko niya ko. Akala ko totoo ang pagmamahal niya pero hindi. May time na rin na gusto ko ng mawala sa mundong ito. Muntik na kong mawala sa pamilya ko. Ang sabi nila pumunta nalang ako sa ibang lugar para makapag isip isip. Para makalimot."

Tumingin ako kay Julie na ngayon ay naluluha na.

"Kaya ako pumunta ng Paris.."

"Yam.."

Pinunasan ko ang luha sa mata ni Julie.

"Akala ko wala akong mapapala sa Paris. Meron pala, doon ko pala makikilala ang babaeng mamahalin ko habangbuhay."

Hinalikan ako ni Julie sa labi. Napangiti naman ako. Bakit ganun? Bakit ang bilis kong nahulog sakanya? Ano bang meron si Julie at minahal kita kaagad?

"Hindi ko masasabi ang pwede pang mangyari sa buhay natin pero isa lang ang alam ko..hindi ako gagawa ng bagay na pareho tayong masasaktan."

Hinalikan ko siya sa noo.

"Mahal kita, Julie."

Nginitian naman niya ko. Tumayo siya.

"Kwentuhan mo pa ko.."

"Marami pa tayong time para makapag kwentuhan. Magpahinga ka muna sa room ko tapos mamaya ihahatid na kita sa condo mo. Sabi ni Carly ibalik daw kita kasi may pag-uusapan pa kayo."

Nag pout naman siya. "Ayaw mo kong makasama?"

"Yam, gusto ka makasama ng bestfriend mo at ako naman makakasama mo naman ako habangbuhay so okay lang. Tska mag prepare pa ko kung paano ko haharapin ang magulang mo." Biro ko sakanya.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon