Chapter 2. . . Break na kami ni Betoy.

150 9 4
                                    

sorry po natagalan mag update. Dahil sa tatlong rason. First inataki ako ng sakit ko, sakit ng katamaran, second loading yung internet connection kayat nag hanap ako ng wifi, third tinamad akong mag hanap ng wifi. HEHEhe sorry po. Ok you may now read. Enjoy reading po.

Chapter 2,

Ohhh shocks, ano tong pinag sasabi ni kuyang gwapo. Sinong misyonaryo? Tumingin ako sa likuran ko, wala na mang tao ha, sa likuran niya, wala din. Tumingin ako sa itaas, sa baba, baka naapakan namin diba, my side by side wala din. Baka nasa bulsa niya. Kapain ko nga.

Agad kong nilagay ang dalawang kamay ko sa dalawang bulsa ng slacks niya. Or in other term kinap kapan ko siya, or in my term chinachansingan ko siya. Bwahahaahahaha tag landi yata ngayon.

"Oy sister." Pilit niyang iniilagan ang mga kamay ko. "Baka iba makapa mo jan." Sabi niya habang iniilagan pa rin yung kamay ko.

Sheyt yun nga ang gusto kong kapain .
.
.
. Yung sinasabi niyang misyonaryo. Oh kayo ha iba na iniisip niyo,naku malala na yan, mag pa mental na nga kayo.

"Oy sister ano ba." Patawang sabi ni baby Red, oo baby Red, haha maka baby wagas noh.

"Wag mo nga akong tawaging sister, baka mapagkamalan pa kitang bakla jan eh." Pa irap na sabi ko sa kanya at sabay tigil sa gusto kung kapain.

Hhmmppp sayang naman hindi ko nakapa
.
.
.
.yung misyonaryo, kayo talaga ha..

"Oh sinong misyonaryo?" Seryosong tanong ko sa sa kanya.

Hindi naman ako bobo noh, katulad kaya siya kay Tom Cruise don sa mission impossible, diba misyonaryo tawag don yung may mission na dapat gawin. Diba diba diba. Dapat agree kayo.

"Ako sister." Naka smile na sabi niya. Kung wlang belt siguro tong panty ko kanina pato na laglag. Oo may belt yung panty ko. Mahirap na no baka ma laglag naku, naka dress pa naman ako.

" Oh anong misyon mo?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko sa mukha niya ang pag ka gulat, sheyt ang cute niya talaga, parati ko nalang kaya tong gulatin. Hehe. " Katulad ka ba kay Tom Cruise, yung may away away, lipad lipad, iba iba ang mukha? Alam mo crush ko yun, pero mahal kita." Sheyt akoy knikilig bwahahahahaha dapat laging present ang pag landi noh.

" Ahh sister. . ."

" Wag na ngang sister diba, halikan kita dyan isang sister mo pa eh, dapat my loves tawag mo." Hehe landi ko talaga. Full charge yata kalandian ko ngayon ha.

Namutla si baby red sa sinabi ko. Wahahahahaha ang cute niya pa rin.

" Ahh ehh. . ." Nag kamot na naman siya sa batok niya. Naku baka may kuto to ipapa derma ko nga bukas baka mapunta pa sa ulo ko yung kuto niya. " Ahmm pano bato?" Pabulong na sabi niya, pero narinig ko naman. Helow mag kalapit lang kaya kami, bingi na siguro hindi maka rinig noh. Hmmppp.

" Ano ang 'paano bato?' Baby Red." Nagulat na naman siya sa sinabi ko or rather sa tinawag ko sa kanya. Ikaw kaya tawaging baby ng isang dyosa tignan ko lang ano e rereact mo.hmmp. hehe maiinlove na yan. Binaba na niya yung kamay niya, alangan naman ganon lang parati yung pose niya diba, wag nga kayong bopels. Pero ohh sheyt, bakit simpleng gesture lang niya naiinlove ako lalo. Bwahahahaha.

" Ahh ehh kasi. . . " pabitin na sabi niya.

" Kasi?" Tanong ko sa kanya. Ano ba to? Anong nangyayari sa kanya. Inlove na ba siya sa akin kayat nauutal utal. Sheyt super kilig to 9th level.

Beep beep.

" Putong itininda ni mang Juan." Sheyt nagulat ako dun ha. Sino ba tong pangit na to na nambubulabog sa love story namin ni baby Red. Ipapatuli ko to kay mang Berto dun sa kanto eh. Nandito lang naman kami ni baby Red sa tabi ng daan nag chichikahan ha, anong problema nito?

Mr. Missionary and MaeWhere stories live. Discover now