Chapter 14. . .

40 9 5
                                    

Mae's POV

Lunch na, kaya kami ni Bessy nandito na kami sa Garden. Blooming yung friendship ko ngayon ha. Lumalablyf na kaya tong isang to?

Same pala kami ni Bessy kung ganon, lumalandi. Hahahahaha

Pero wait, sandali lang. Alam niyo, natakot ako kanina kay Bessy, parang kakainin na niya ako ng buhay.


Flashback. . .

Wow ang sweet naman ng Baby Red ko. Hinatid niya talaga ako hanggang sa first subject ko.

Marami ngang tumitingin sa kanya eh. Sino ba naman hindi makaka agaw pansin sa isang adonis na kasama ng isang dyosa.

Ikaw kaya maka kita ng ganon na pag mumukha tignan ko lang hindi ba tutulo laway mo at lumabas yang eyeballs mo.

Pero by the way. Ang gwapo talaga ng Baby Red ko.

Huminto na ako sa paglalakad, nasa tapat na kasi kami ng room ko. Haler lang noh kung lalagpasan ko pa tong room ko.

Nang huminto pala ako gaya gaya rin si Baby Red huminto din siya at humarap sa akin.

"Baby Red, ito na pala yung room ko. Salamat pala sa paghatid." nag smile lang siya tapos nag nod.

Hoho ang gwapo niya.

"Sige Mae aalis na ako. Mag ingat ka ha?"

Nag nod lang ako at nag smile sa kanya. Ginulo muna niya yung buhok ko bago siya umalis.

Ano ba naman to si Baby Red. Kakasuklay ko nga lang kanina eh.

Napatingin na lang ako sa likuran niya na paalis na. Kahit naka talikod, gwapo pa rin.

"Hoy babae ka, saan ka nang galing kahapon ha." Sigaw ng isang babae. Tapos hinila niya yung braso ko, kaya napaharap ako sa kanya.

Oh my gulay. Lumaki ang mga mata ko sa nakita ko. Sinaniban ba tong babaeng to.

"Umalis alis ka wala ka man lang pasabi." Wahhh nakakabasag eardrums na tong babeng to ha.

Pero nakaka taktot ang itsura ng babaeng to nakakaloka. Yung mga mata niya parang kinagat ng bubuyog dahil yata sa pag iyak. Tapos yung buhok, parang sinabunutan dun sa kanto.

Wahhh bakit humagolhol na tong isang to. Ako nga yung inaaway niya eh

"Hindi mo lang ba inisip kung ano ang mararamdaman ko ha?"

"Wahhh Bessy sorry na." Tapos niyakap ko yung babaeng nasa harapan ko. Kawawa naman tong Bessy ko. Hindi ko naman kasalan bakit nakidnap ako eh.

"Bakit ka ba kasi umalis na walang paalam?" Medyo na huminahon si Bessy at kumalas na sa yakap.

Nag smile lang ako sa kanya. Ang sarap naman ng feeling na may nag aalala sayo.

Pero nawala din yung smile ko kaagad nang magsalita siya ulit.

"May pa smile smile ka pang nalalaman diyan ha. Alam mo bang ang bigat ng mga gamit mo. Nakakaloka."

End of flashback. . .


Yun mabuti na nga lang at mabait tung Bessy ko. Kung hindi, hindi Ko makakakain tong niluto ng mom niya.

Mr. Missionary and MaeWhere stories live. Discover now