Chapter 13. . .

32 9 2
                                    

Mae's POV

Hihi nandito na kami ni Baby Red sa bahay. Eto pa rin nag aacting na may sakit ako. Sobra niya talagang mapag aalahanin kanina sa akin nung nandon pa kami sa kotse.

Flashback

"Aray."

Nag da drive si Baby Red ng sumakit yung tiyan ko. Huhu hindi pa pala ako kumakain simula kaninang tanghalian. Anong Oras na ba kasi?

Bigla na lang siyang nag park sa tabi ng daan.

"Oh Mae," nag aalala na sabi niya tapos tinignan niya ako at tinanggal niya yung seatbelt niya at lumapit kaunti sa akin. "ano, masakit pa rin ba ulo mo? sabi ko sayo sa hospital na lang tayo dumeritso eh."

Napatunganga ako sa ginawa ni Baby Red. Hihi dreamboy ko na talaga siya. Ikaw kaya maka kilala ng isang katulad ni Baby Red. Gwapo, mabait, carrying, pwede kana ngang kumanta ng nasayo na ang lahat ni Daniel Padilla.

"Hey Mae naka tulala ka na naman diyan eh. Ano sobrang sakit na ba ng ulo mo?" Super cute niya talaga. Lalo na ngayon na nag aalala siya.

"Ahh Baby Red, e deritso mo lang ako sa bahay, magiging okey din ako." Tapos nag smile ako sa kanya yung konti lang. Para naman hindi ako mabuko na wala talaga akong dinaramdam noh. Pero deep inside gusto ko nang sumayaw sa kilig.

"Sure ka ba talaga Mae."

"Oo nga." hihihi nag ke care talaga siya.

Binalik na niya yung seatbelt niya at pinaandar na ang sasakyan.

"Sabi mo eh." parang batang hindi binigyan ng kendi si Baby Red.

End of Flashback

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, hinihintay ko si Baby Red na nag luluto daw muna ng pagkain ko. See marunong siyang magluto, ako hindi.

Hihi nandito na pala si Baby Red, may dala dalang tray namay bowl ang loob. Hoy bowl na para sa sabaw ha, baka ibang isipin niyo na bowl eh.

"O Mae bumangon ka muna, susubuan kita." hohoho susubuan niya daw ako. Sobrang saya ko naman sa araw na ito.

Dahan dahan akong umupo at ganon din si Baby Red. Bakit ang Sweet niya. Gusto ko bukas na bukas magpapakasal na kami. Hihihihi ang sarap sigurong matawag ng 'Mrs. Mark Red Santillan.'

"O Mae," tapos tinapat niya yung spoon sa bibig ko. "say ahh."

Eh sabi niya 'ahh' daw eh, edi mag 'ahh'. Hoohooo palagi na lang sana akong may sakit para maalagaan ako ni Baby Red.

Sumandok na naman si Baby Red ng sabaw tapos hinihipan niya muna at tinapat sa bibig ko.

Wowww sobrang sweet niya talaga. Tanga nalang siguro ang tawag sa akin kung iniwan ko pa si Baby Red noh.

After some minutes, natapos na rin akong kumain, ang sarap naman kasi ng luto niya promise. Sinabaw na manok yung ulam, pero nakakamatay sa sarap.

"Sige na Mae, matulog ka na ihahatid ko lang to sa kusina."

Tumango lang ako at tinap niya muna yung ulo ko at umalis na siya.

Hayyy kailan pa kaya ako sasagutin ni Baby Red. Wait, hindi pa pala ako nanliligaw sa kanya.

Ahh oo dapat talaga ako yung manligaw sa kanya, torpe naman kasi si Baby Red eh kaya dapat ako ang manligaw. Pero ang tanong pano ba manligaw?

Rex POV

Mr. Missionary and MaeWhere stories live. Discover now