Chapter 01

109 8 0
                                    

Umaga na ng magising ako, bumangon ako para mag-toothbrush at para na rin maghanda ng kakainin ko. Tinapay at ham lang naman iyon ngunit nabusog nito ang kumakalam kong sikmura. Nakita ko rin sa cabinet at ref ko na wala masyadong stock ng mga pagkain ang laman niyon kaya naisipan kong mag-grocery today. Sakto at kakasuweldo ko lang nung nakaraan.




Naligo lang ako at nag-ayos ng sarili bago lumabas, isang napaka simpleng white croptop shirt lang ang suot ko at maong na short plus brown sandals, nagdala din pala 'ko ng shoulder bag, do'n kasi nakalagay ang mga cards at bills ko.




Papalabas na 'ko ng pinto nang maalala ko ang nangyari kagabi, sa pinakang dulo ang pwesto ko at ang lalaking nakita ko naman kaninang madaling araw ay sa may pangalawa, bali magkalapit lang kami kaya madadaanan ko ang tapat n'ya tuwing may pupuntahan ako.




Sa ngayon ay nakasarado ang pinto nito at halatang walang tao sa loob, patuloy lang ako sa paglalakad hanggang nadako ako sa elevator upang bumaba sa ground floor. Pipindutin ko na sana ang button upang magsara ito ngunit may biglang pumasok na lalaki. Naka yuko ang ulo nito pero mahahalata mo talagang gwapo, tinignan ko ang lalaki mula ulo hanggang paa, naka suot ito ng black shirt, maong pants, at sneakers. Pansin ko ring naka suot ito ng salamin.




Magkatabi kami pero walang nagsasalita ni isa sa'min, sinilip ko ang lalaki, naka baba pa rin ang ulo nito habag hawak ang kaniyang kamay na nakalagay malapit sa hita n'ya. Pinabayaan ko na lang ang lalaki at itinuon ang pansin sa mga numerong pababa.




Malapit na pala mag ground floor, bumukas ang elevator at mabilis na lumabas si kuya. Nauna s'ya sa'kin kaya nakita ko s'ya habang naglalakad palabas. Ang bilis n'ya maglakad, sabagay mahaba ang biyas at matangkad. Akala mo tuloy hinahabol s'ya ng kung ano. Napaisip tuloy ako kung sino ang lalaking 'yon. Bago kasi ang mukha at hindi masyado familiar sa'kin.




Nagpatuloy lang ako maglakad hanggang sa hindi ko na ito matanaw, nakasakay na din pala 'ko ng jeep sa may labasan. Mainit ang sikat ng araw ngunit mahangin sa labas. Nagcecellphone phone lang ako sa loob ng jeep hanggang makarating na 'ko sa savemore. Madami-dami rin ang napamili ko at inabot ito ng 5,000 mahigit, kasya na siguro 'to ng hanggang pang isang buwan. Tutal wala naman ako sa bahay at mag-gagabihan na. Dito na lang ako kakain, humanap ako ng fastfood na pwede kong mabilhan at pwesto para maupuan, ang una kong nakita ay turks shawarma, mukang masarap ito kaya bumili ako ng dalawa at isang drinks. Taimtim lang akong kumakain ngunit kita ko sa peripheral vision ko na may nakatingin sa'kin kanina pa, hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain hanggang sa maka uwi na 'ko.




Mabilis lang lumipas ang Sabado at Linggo. Heto na naman ako ngayon, naghahanda para pumasok sa trabaho, suot ko ang gray kong uniform at pambabang hapit na palda. Kita tuloy ang ganda ng katawan ko, naka suot rin ako ng black heels.

Trusted With a Secret Where stories live. Discover now