Nagulat ako ng bumukas ang elevator. Naka tayo kasi roon si Eugene habang salubong ang makapal n'yang kilay.
"Saan kayo galing?" Seryosong aniya.
"Café lang. Bakit, Selos ka?" Tukso ko na s'yang nagpapula sa gwapo n'yang mukha.
"H-hindi ah." Tumingin s'ya sa ibang direksyon.
Naglakad ako, sunod naman s'ya. "Kumusta si Angeline?" Biglaan kong tanong.
"She's okay, until now nasa hospital pa rin s'ya nagbabantay sa father n'ya. Maayos naman na si tito. Kinakailangan lang ng kaunting pahinga."
"Mabuti." Tatango-tango kong sabi.
"Sianna...?"
"Hmn?"
"Look at me."
Hindi ako lumingon. Bahala s'ya d'yan.
"Sianna." Pagtatawag n'ya ng may malambing na boses.
"Ano?!"
"Tingin ka kasi sa'kin."
Dahil sa nakukulitan na ako ay nilingon ko s'ya. Nagulat ako sa inilabas n'ya, gold necklace iyon na muntik pang tumama sa noo ko.
Nagtataka ko s'yang tinignan. "Para saan naman 'yan?"
"Happy Birth Day..." Malamlam ang mga mata n'yang nakatitig sa'kin. Kumabog ang puso ko at di makapaniwalang tinignan s'ya.
YOU ARE READING
Trusted With a Secret
RandomEugene is an introvert person and he likes Sianna, a college student. They are very different in terms of their likes and dislikes. He tried to confess his feelings to her, but sadly he failed. Time flies so fast, Eugene is a college student now and...