Chapter 08

45 4 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. Ito ang araw na pinakahihintay ko... Saturday, October 28. Pupunta ako sa school ni Eugene para manood ng laro n'ya at sumuporta sa kan'ya...




Nagsabi s'ya sa'kin na hindi kami sabay dahil maaga sila pupunta doon ng mga ka-team n'ya. Well, ayos lang naman at saka kaya ko naman mag-isa pumunta do'n no.




May ibinigay din s'yang ticket sa'kin para makapasok sa school nila. Pinaghandaan ko talaga 'to dahil nagsuot ako ng sleeve less na maroon, white short, plus adidas na sapatos at black cap. Nagstraight din ako ng buhok at naglagay ng light make-up sa napakaganda kong mukha.




Ayos naman ang suot ko. bagay sa'kin dahil kita ang makinis at maputi kong balat. May bitbit akong tote bag dahil may mga laman iyong pagkain at tubig para kay Eugene kung sakali mang magutom s'ya edi kainin n'ya.




Kung tutuusin nga medyo late na 'ko dahil sa kakaayos ko sa aking sarili kanina pa.




Heto nako't paalis na. Nasa may gate na ako ng may makita ako doong convertible car na nakaparada mismo sa harapan ng gate nitong apartment. Tinted ang bintana kaya hindi ko kita kung sino man ang tao sa loob.




Bumukas ito at bumungad sa'kin ang mukha ng kapatid ni Eugene. Si Eujian.




Nakangisi ito habang nakatingin sa'kin. Problema nito.




"Sakay na Ma'am, ang tagal mo daw sabi ni Eugene. Inip na. Kanina ka pa inaantay." Binuksan n'ya ang front seat para pasakayin ako. Sumakay naman ako. Alangan naman mag-inarte pa at ba ka iwan pa 'ko nito.




"Talaga." Sagot ko sa sinabi n'ya.




"Oo, hahahahahahaha!"




Nagsimula na s'ya magpatakbo nang sasakyan. Sakto lang naman s'ya magmaneho at hindi mabilis. Mabuti na lang talaga.




"Start na ba 'yung game?" Linagay ko sa lap ko ang bitbit kong tote bag.




"Medyo kakasimula lang."

Trusted With a Secret Where stories live. Discover now