Chapter 18

22 5 0
                                    

"Hoy, Strami, anong ine-emote mo d'yan? Tatay ba talaga ng batang 'yon 'yan?"




Tumango ako ngunit agad ding umiling. "Ba ka mali lang ng nabigay." Pagpapalusot ko. "Nakakatouch nga 'yung sulat kaya medyo teary ako."




Ayokong sabihin sa kan'ya na nagpunta dati rito si Eugene at tinawag s'ya ng mga batang Daddy at ako naman ay Mommy.




Nakakatuwang isipin...




"Bakit naman parang malungkot ka, Strami. Ayoko ng malungkot ka. Ang pangit mo pa naman mas lalo kang pumapangit." Tatawa-tawa n'yang anas. Sinamaan ko s'ya ng tingin.




"Pangit daw pero may gusto naman sa'kin. Ayos 'yun. Pangit sa pangit." Ngumisi ako. Dapat hindi ako malungkot kasi babalikan naman n'ya 'ko.




"H-hoy! Anong may gusto! K-kapal ah." Namula s'ya at nag-iwas ng tingin.




Dati s'ya ang kumukurot sa pisngi ko pero ngayon ay s'ya naman ang kinurot ko. "Cute mo naman po boss Nalu Josiah Palmer."




Pinitik n'ya ang kamay ko. "Kabisang-kabisa, ah! Aray!"




"Namumula ka." Sita ko sa mukha n'ya.




"Natural 'yan huwag kang ano!"




"Libre mo 'ko." Kalauna'y sabi ko.




He laughed again. "Pinaligoy-ligoy mo pa libre lang naman habol mo. " Inakbayan n'ya ako. "Saan mo ba gusto?"




"Jollibee sana!" Tumili ako dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain sa Jollibee.




"Ah, doon pala ang gusto mo sa bida-bidang bubuyong."




"Yes! Tayo na!"

Trusted With a Secret Where stories live. Discover now