Chapter 19

12 4 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ibinungad ni Eujian sa'kin. Tinatawanan n'ya lang ako sa tuwing napapatulala ako minsan.




Kasalukuyan kaming naka-upo sa bench kung saan una kaming nagkita. Mabuti na nga lang at kumonti ang tao.




"Bella, anak. Huwag malikot. Hala, ipapakuha kita sa guard gusto mo?" Pananakot ni Eujian sa anak. Napakamot ako sa ulo dahil doon. Mabenta pa rin pala talaga na guard ang panakot sa mga bata. Kahit ang Nanay ko iyon ang pantakot sa'kin sa tuwing ako'y maglilikot.




"Ayaw." Sagot naman nito.




"Bella pala ang pangalan mo. What a beautiful name. Come here baby... " Tawag ko sa bata. Lumapit ito sa'kin at kumandong.




"What's your name po?"




Ngumiti ako, "Sianna po."




"Okay po tita Sianna." Sabi nito at nagpalinga-linga na sa paligid.




"Akala ko pa nga Sianna ikaw at ang kapatid ko ang mauunang magka-anak. Lintek! Ako pala." Humagalpak bigla ng tawa si Eujian na may kasama pang pagpalakpak.




Natahimik ako sa sinabi n'ya. Alam ko naman na mauungkat at mauungat nitong lalaking 'to ang ghoster n'yang kapatid. Ngunit limot ko na iyon...




Tumikhim ako. "Paano pala naging kayo ni Angeline? I didn't expect that, huh--" Pag-iiba ko ng tanong ngunit sumabay naman ang anak n'yang si Bella.




"Daddy, you mean, crush po ni tito Eugene si tita Sianna."




"Oo, anak. First love kaya ng tito mo 'yan. Highschool pa lang s'ya gusto na n'ya si tita Sianna." Bumaling ito sa'kin. "At ikaw naman ay college."




Napataas ang kilay ko ngunit may parte sa'kin na gulat. "Weh, talaga?" Nakangisi ako habang sinasabi iyon na para bang nang-aasar.

Trusted With a Secret Where stories live. Discover now