Chapter 20

14 4 0
                                    


EUGENE'S POINT OF VIEW

"Hoy Eugene sama ka?" My friend asked. Mabilis kong iniling ang ulo ko.




"Ang daya, lagi ka na lang hindi sumasama sa'min. Parang 'di kaibigan ang wala!" He said in irritated voice.




Napasinghap ako ng hawakan n'ya ang balikat ko. "Kung hindi ka sasama... Bigyan mo na lang kami ng pera. Dagdag na rin pang pulutan hehe."




Napataas ako ng salamin ko sa mata. "Nerd ka talaga." Sabi nito habang dahan-dahan n'yang iginagala ang kamay sa loob ng bulsa ko para kumupit ng pera. "Kung nag-aayos ka lang at sumasama sa'min ba ka ang dami mo ng chics."




I nervously licked my lower lip dahil hinidi ko na alam kung anong gagawin ko. Patuloy pa rin s'ya pagdukot pero wala s'yang makuha-kuha. Irita n'yang inilabas ang kamay sa bulsa ko at agad akong hinarap. Gusto kong magsorry sa kan'ya kasi nasa loob ng bag ko ang wallet ko.




"A-alis na 'ko Warren. S-sorry." Saad ko at mabilis na naglakad ngunit agad naman n'yang hinigit ang likod ng kwelyo ko.




"Teka lang aba! Pera muna!" Inilahad n'ya pa ang kamay sa harapan ko.




Napakamot ako ng kilay. "Sorry talaga Warren ha, m-may pag-gagamitan kasi ako ng pera. Sorry." Tinangka ko ulit umalis ngunit ganoon din ang ginawa n'ya. Hinigit n'ya ulit ako sa kwelyo.




"At sino namang pag-gagamitan mo n'yan? Ibigay mo na lang sa'min ng maka-alis na kami. Saka importante ba 'yan? O ba ka may nililigawan na si nerdy boy." Dahil sa sinabi n'ya ay namula ako.




"Hala, si Nerd kinikilig--" Nagsitawanan din ang mga tropa n'yang nakapalibot sa'min.




"Hala, si Warren pangit--"




Dahil sa boses na 'yon ay nabuhayan ako ng pag-asa. Inilibot ko ang tingin ko at nakita si kuya na nakasandal sa likod ng puno. Nakahalukipkip s'ya habang mapang-asar na nakangisi sa'min. Gusto kong sumigaw na kuya ko 'yan.




Dahan-dahan s'yang lumapit sa pwesto namin.

Trusted With a Secret Where stories live. Discover now