Chapter 13

20 4 0
                                    

Tulalang nakatingin ako sa pinaglabasan nilang pinto. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Ngunit malinaw sa'king nasasaktan ako.




Hindi ko alam kung bakit sila tumakbong dalawa at basta na lang ako iniwan ng walang paalam. Naiintindihan ko naman sana 'yung kay Angeline na may problema s'ya dahil halata naman sa kan'ya. Pero 'yung kay Eugene na parang hindi ako pinuntahan kung maka akto kanina. Na parang wala ako doon na kasakasama n'ya.




Sobrang sama ng loob ko sa totoo lang. Pwede naman silang umalis nang nagsasalita manlang kung ano bang nangyayari. Hindi 'yung basta na lang iiwan 'yung tao ng walang kaalam-alam.




Naalala ko tuloy 'yung sinabi n'ya kanina. Pagak akong natawa.




"Miss na kita." Mahinang bulaslas ko. "Takteng miss 'yan!"




Suminghot pa ako at napakamot sa pisngi. Basa iyon. Hindi ko alam na umiyak pala 'ko. Tch! Bigla 'kong napatingin sa bag kong nasa lapag. Lukot-lukot iyon at lantutay. Basta ko na lang s'ya hinablot ngunit nabitawan ko rin dahil may umagaw bigla sa kamay ko.




Akala ko ay bumalik s'ya ngunit hindi pala.




Napatingin ako sa lalaki. Busangot na mukha agad nito ang bumungad sa'kin. Napairap ako. Naka suot s'ya ng uniform nila sa school at kita ko agad ang mga hikaw nito na kumikinang-ina.




"Bakit hindi ka nagrereply?!" Agad n'yang tanong na kunot ang noo.




"May trabaho ako Nalu. Alangan namang mas intindihin ko 'yang chat mo kaysa sa trabaho ko. E hindi naman mahalaga 'yang mga chinachat mo. Wala pang kwenta!" Kung nakasigaw s'ya ay nakasigaw rin ako. Syempre, di ako papatalo 'no.




Nakapatingin ako sa kan'ya na parang hindi manlang affected sa mga sinabi ko. Titig na titig s'ya sa'kin at may kung anong sinisipat sa mukha ko.




"Alam 'kong maganda 'yan kaya huwag mo masyadong pakatitigan!" Singhal ko.




"Bakit ka umiyak?" Seryosong aniya.

Trusted With a Secret Where stories live. Discover now