"I'm Sia, ang Sia-Siampal sayo!" Hirit ko sa kan'ya saka s'ya inambahan ng sampal. Hindi ko naman itinuloy ng makitang iniharang n'ya ng mabilis ang mga kamay n'ya sa kan'yang mukha sa pag-aakalang gagawin ko nga.
Alaka n'ya ba ay hindi ako magpapatalo sa 'nalub at first sight' n'yang banat na napaka mais naman. Ang ganda kaya ng entry ko kaysa sa kan'ya.
"Anong say mo sa sinabi ko?" Matapos makabawi ay nagsalita s'ya nang ngingisi-ngisi.
"Pangit, parang ikaw." Pagbibiro ko sa kan'ya na hindi naman tunog biro dahil sa kaseryosohan ng boses ko.
'Yung sinabi n'ya sa'kin kanina, alam ko namang biro lang 'yon kaya wapakels lang ako.
Naglakad ako at kanda sunod s'ya sa'kin. Hinayaan ko naman dahil siguradong gym din ang punta n'ya.
"Grabe talaga 'yang bunganga mo ano?" Sarkastiko n'yang saad.
"Grabe talaga." Pang-iinis ko pa.
Papasok na kami ng gym ng biglang magsitinginan ang mga tao sa'min. Napa-irap lang ako at umakyat sa upuan dahil pa-taas ang tayo niyon na kagaya sa sinehan. Ramdam ko pa ring nakasunod sa'kin si Nalu.
Sa pang limang row kami umupo. Nagbubulungan ang mga babaitang katabi namin na halatang may gusto kay Nalu. Halos mahimatay pa nga ang mga talande ng kindatan ito ng isa-isa ni Nalu. Napa-tsk ako dahil para s'yang may sakit sa ginagawa n'yang pagkindat.
Hinahanap ng mga mata ko si Eujian. Ang daming tao, ba ka lumabas pa ang lintek. Nasa kan'ya pa man din 'yong bag at cellphone ko.
Tumutok lang ako sa game at hindi pinapansin ang kakakuda nitong si Nalu. Ang sarap nga pitikin sa bibig ng magtigil.
Napasigaw ako ng ma-shoot ni Eugene ang bola. 3 points din 'yon. Ang galling! Kumaway ako sa kan'ya ng mapatingin s'ya sa'kin. Nakangiti ang maamo n'yang mukha ngunit agad din namang naglaho ng masulyapan si Nalung itinaas ang hibla ng buhok ko. Napalingon ako pero huli na ng magclick ang camera nito. 'Iphone ang cellphone n'ya. Halatang mamahalin.
YOU ARE READING
Trusted With a Secret
RandomEugene is an introvert person and he likes Sianna, a college student. They are very different in terms of their likes and dislikes. He tried to confess his feelings to her, but sadly he failed. Time flies so fast, Eugene is a college student now and...