Chapter 07

33 4 0
                                    

Totoo ba 'tong nakikita ko o namamalik-mata lang ako.




Pumikit ako nang ilanag beses at hindi pa rin makapag-salita.




"E-eugene...?" Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. "Ikaw ba si Eugene or hindi?"




Biglang may lumapit na lalaki sa gilid ko at paniguradong si Eugene 'yon na kasama ko magdamag kanina. Palipat-lipat ako ng tingin sa dalawang lalaki na sobrang magkamukha mapakatawan at style ng buhok.




"K-kambal pala kayo." Napa-iwas ako nang tingin at bumalik sa kusina mag-isa.




EUGENE'S POIN OF VIEW




Nakatayo lang ako sa labas ng pintuan at hindi alam ang sasabihin. Napatingin ako kay kuya, hindi n'ya ba nabasa 'yung tinext ko sa kan'ya na malapit na 'ko at pauwiin na n'ya si Sianna dahil may pag-uusapan kaming dalawa. Sa kadaldalan nitong lalaking 'to ay nakalimutan sigurong tignan ang cellphone. Tsk!




Nagpunta si Sianna sa kusina at iniwan kaming dalawa ng kambal ko. Nanlalaki ang mata ni Eujian at may binubulong na hindi ko naman maintindihan. Sinamaan ko s'ya nang tingin at nag-mouting na samahan n'ya ko papunta kay Sianna para kausapin.




Alam ko naman mali ako dahil una pa lang ay nagsisinungaling na 'ko sa kan'ya na hindi ako ang kausap at kasama n'ya minsan.




Nadatnan namin si Sianna na kumakain, pasubo na sana s'ya nang pagkain pero umupo ako sa tabi n'ya dahil umaktong doon uupo ang kapatid ko pero inaasar lang pala 'ko.




"S-sianna? P-pwede bang mag-usap tayo?" namamawis ang kamay ko dahil sa kaba habang si Eujian naman ay prenteng nakaupo at nanonood sa'ming dalawa.




Kung wala lang ako sa lagay na 'to ay ba ka nabatukan 'ko na ang lalaking 'to.




Napabuntong hininga 'ko. "S-sianna? G-galit ka?"




Patuloy lang s'ya sa pagkain at matagal bago sumagot.

Trusted With a Secret Where stories live. Discover now