Prologue
"Mga bata, basa!" Saad ko kasabay ng pagturo ng hawak kong stick sa black board.
"The kid is running and she fell off!" Sabay sambit nilang lahat.
Nang matapos nila itong basahin ay agad akong humarap sa kanila.
"Ngayon, tukuyin n'yo ang verb o pandiwa sa binasa n'yo." Pinasok ko ang aking kamay sa dalawang bulsa ng suot kong uniporme.
Bumalot ng katahimikan sa buong klase at ayaw magsi-salita ng mga istudyante ko. Ewan ko kung nahihiya ba o hindi lang alam ang sagot.
"Anyone?" Pagtatawag ko, palipat-lipat ang tingin ko sa kanila pero sila naman itong umiiwas.
"Okay, kung walang sasagot magtatawag na lang ako."
Agad napako ang mata ko sa dalawang lalaki na nagdadaldalan at tawa ng tawa sa likod.
"Boys at the back! Kenjim at Mumog, please answer this question!" Malakas kong sigaw sa kanila pero parang hindi naman nila ito narinig.
"Hoy, Kenjim at Mumog sabi ni Ma'am basahin n'yo raw 'yon." Saad ni Mellanie, matalino 'yan at laging mataas ang grade sa'kin kada kuhaan ng card. I also assigned her as Vice President dito sa klase.
"Ha, ano yun Mellanie?" Si Kenjim.
"Bingi ka."
Ako na ang nagsali dahil hindi na 'ko makatiis,"Kenjim, read this and answer the remaining question. Paulit-ulit, Halatang mga hindi kayo nakikinig! Isa ka pa Mumog! Puro kayo daldalan" Sinusubukan kong maging mahinahon kahit papaano dahil mas naiistress ako dito sa dalawang 'to.
"Uhm...Ma'am hindi ko po alam ang sagot hehe" Sabay kamot n'ya sa ka'yang ulo.
Napa simangot na lang ako at nagtawag ng tutulong kay Kenjim. Si Ashley 'yon, at sa pagkaka-alam ko ay crush ni Kenjim si Ashley. Chinika kasi sa'kin 'yon ng isang istudyante ko noong isang araw.
Nagsimula na si Ashley, binasa n'ya muna ito saka sinabing 'run' daw ang kan'yang sagot. Well, tama naman 'yon.
Kita ko sa mukha ni Kenjim ang hiya ng sabihin ni Ashley na bobo raw ito. Nagtawanan silang lahat, pati si Kenjim ay nakita kong napangisi. Minsan lang kasi 'yan magsalita si Ashley at hindi rin n'ya pinapansin si Kenjim kahit anong pangungulit ang gawin nito. Kaya siguro kinilig din s'ya kasi kahit papa'no nagsalita si Ashley sa kan'ya for the first time, kaso 'bobo' nga lang.
Ajim ang pangalan ng love team nila dito sa classroom pero ako natatawa lang, para kasi s'yang asim. Ang baho at pangit pakinggan.
Nag discuss pa 'ko ng kaunti tapos nagpa quiz din saglit sa mga bata, 15 items lang naman 'yon, panuguradong hindi sila mahihirapan. Gusto ko rin alamin kung may natutunan ba talaga sila sa tinuro ko.
Nakatayo lang ako sa unahan at inaantay silang matapos. Humalukip-kip ako at pinagmasdan silang lahat. Halatang hirap na hirap sila sa quiz na ibinigay ko. Naalala ko tuloy yung mga panahong gan'yan din ako, quiz at exam lang ang pinoproblema.
YOU ARE READING
Trusted With a Secret
De TodoEugene is an introvert person and he likes Sianna, a college student. They are very different in terms of their likes and dislikes. He tried to confess his feelings to her, but sadly he failed. Time flies so fast, Eugene is a college student now and...