Pag-uwi ko ng bahay ay natulog kaagad ako. Antok at sobrang pagod rin kasi.
Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone, tuwing may pasok laging 6:15 ang gising ko. Tinatamad akong bumangon pero kailangan kong magtrabaho. Hindi kagaya ng mga batang nagkukunwaring masakit ang tiyan pero ang totoo ay tinatamad lang talaga pumasok. Gusto ko sana gawin 'yon kaso naalala kong hindi na 'ko bata at teacher pa ako.
Napilitan akong bumangon sa pagkakahiga at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. May maliit ako ditong lamesa at upuan malapit sa kusina, umupo ako doon at itinaas ang isang paa. Hinalo ko muna ito ng kutsara saka humigop nang mainit na kape. Humagod ito sa aking lalamunan papunta sa sikmura. Hinablot ko ang tinapay at palaman na nasa lamesa lang nakalagay. Ginamit ko ang kutsarang nasa kape ko at ito ang ginawang pang palaman.
Tapos na 'ko mag-almusal kaya naligo na 'ko at nag-ayos para maka alis.
Nasa labas na 'ko ng pinto ng makitang walang tao sa loob ng apartment ni Eugene, ba ka gumala pa sila ni Angeline kaya hindi na naka-uwi kagabi.
Kadadating ko lang sa school ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Si Eugene.
"Hi, good morning Mr. Eugene. Anong ginagawa mo rito? Diba may pasok ka?"
Inangat nito ang salamin saka nagsalita, "Eh Mrs. Garcia, kaya lang naman po ako pumunta rito para ibigay yung naiwan n'yong keychain sa sasakyan ko kagabi." Mabagal nitong saad na parang bata.
"Himala at hindi ka na nauutal Mr. Eugene Heredia. Good job!" Kung sinasabayan n'ya ang trip ko ay mas lalo ko pang gagalingan.
"Wala naman pong dapat ikautal Mrs. Garcia." Sabay angat ng kamay n'ya para iabot keychain. Tinanggap ko naman ito at inilagay sa bulsa.
"You may go now, you might be late in your class, Mr." Nakahalukip-kip kong saad. Trip ko lang naman kung bakit ako nag-gaganito.
"Ow! Yeah. I should go now. Bye po Ma'am Garcia, nice meeting you too." Nakangisi s'ya habang sinsabi ang mga katagang 'yon saka ko tinalikuran at umalis. Wierdo.
Bumalik ako sa classroom at kinuha ang kechain na nasa bulsa. Sinuot ko ang pinakang butas no'n sa aking daliri at pinagmasdan. Cute brown basket ang design noon na may yellow flower sa gitna. Bigay ito ng kaibigan ko dati nung college kami kaso hindi ko na mahagilap kung asan na s'ya ngayon. Ikakabit ko na sana sa bag ang keychain ng may mapansin akong papel na nakalagay sa loob niyon. Tinaktak ko ito sa palad ko upang mahulog, yung papel, nakatiklop ng pa-square. Bakit naman may papel ditong napadpad.
YOU ARE READING
Trusted With a Secret
RandomEugene is an introvert person and he likes Sianna, a college student. They are very different in terms of their likes and dislikes. He tried to confess his feelings to her, but sadly he failed. Time flies so fast, Eugene is a college student now and...