04.

514 39 9
                                    

"Ingat ka, Louie!" I said and waved at him. He looks back and waves at me before running to school. I sigh and turn back, pero nakasalubong ko ang tingin ng ilang tao. I immediately duck my head and walk away.

I walk back home and saw auntie with someone there. Nagdalawang isip pa tuloy ako kung papasok ako pero napalingon na sa gawi ko si auntie kaya tumuloy na ako.

"Sheen, hija. Nandyan ka na pala." I nod and smile at Auntie. Nadako naman ang tingin ko sa babaeng katabi niya. Naiilang pa ako pero nang ngumiti siya, napangiti din ako.

"Ito ba ang pamangkin mo, Jean? Kaygandang bata pala," the lady said and smiled at me.

I don't know what I would feel when I heard her say that. Ever since that accident happened, only my brother, auntie and cousin told me that I'm beautiful despite the wounds I got. Kapag lumalabas ako, puro bulungan at panlalait ang naririnig ko. Kesyo, may nakakahawa daw akong sakit o mukha daw akong halimaw. I want to shout at them pero nananatili akong tahimik. I want to tell them na, kung makapanglait sila, parang napakaperpekto nila. Only the right part of my face got burned, not the whole at napagamot na ako ni auntie. But, that part is rough at may naiwang peklat.

Hindi ako sanay na makatanggap ng compliment mula sa ibang tao and hearing someone told me that I'm beautiful boosted my confidence and I felt happy kaya hindi mawala ang ngiti ko. Nakita ko si auntie na nakangiti din habang nakatingin sa akin.

"Tama ka, Tania. Napakaganda talaga ni Leisheen, masipag pa," she said.

I want to hug Auntie right now pero pinigilan ko. This is not the right time. Nakakahiya sa bisita.

"Nga pala, about sa problema mo, 'yung anak mo? Ang bunso mo ba?" Auntie suddenly asked kaya nag-decide na akong magpaalam dahil usapan nila iyon.

I walk towards the kitchen pero rinig ko pa din ang usapan nila dahil malapit lang naman. Nagtimpla ako ng juice at gumawa ng sandwich, while secretly eavesdropping. I'm curious, okay?

"Oo, Jean. Tumawag na kasi ang agency na in-applyan ko. Ang sabi, pwede na akong lumuwas sa isang linggo kaya namomroblema ako..." I heard the woman said. Her name is Tania, right? Yes, I heard Tania said.

I peaked and saw Auntie Jean holding her hand. "Wala ka bang mahanap na pwedeng magbantay?" Tania sighed. Parang bigong bigo siya kaya napakunot ang noo ko. Mukhang malaki ang problema niya.

"Sinubukan ko pero hindi sila tumatagal. Napakasungit daw ng anak ko. Sana naman, intindihin na lang nila. May mabigat na pinagdaanan ang anak ko kaya sana naman, may konsiderasyon sila pero wala eh, sumusuko agad." I feel bad for her child. May pinagdadaanan pala pero sinusukuan agad.

"Si Raijin naman, abala sa asawa niya kaya hindi ko pwedeng pakiusapan na bantayan ang kapatid niya. May trabaho pa iyon at buntis ang asawa nya. May mga kaibigan naman ang anak ko pero hindi naman pwedeng palagi silang nasa bahay dahil may kanya-kanyang trabaho din."

I sighed and grab the tray saka ako dahan dahang lumapit sa kanila. Inilapag ko ang tray at ngumiti ng tipid.

"Kain po muna kayo," sabi ko at umalis na din agad. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Matapos makapagpalit, dumiretso ako sa isang kwarto sa may dulo ng hallway.

I smiled and look around. This place is where I relax myself. Kapag may problema ako, dito ako didiretso at uupo para tumugtog o hindi kaya kumanta.

Where It All Started (SOW #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon