10.

387 33 1
                                    

Natigilan ako at mukhang naramdaman niya naman iyon kaya agad siyang dumepensa.

"Uh, sorry pero kasi, hindi ako makatulog kapag walang katabi..." he sighed heavily and his shoulder dropped. Nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa magsalita siyang muli.

"Before Mama left, palagi siyang nasa kwarto ko at tinatabihan ako kasi alam niyang mararamdaman ko na naman na mag-isa ako sa dilim. Kaya ngayong umalis siya, wala nang tumatabi sa akin. So, I'm asking if you can... ah, shit... pero kung uncomfortable ka, ayos lang na hindi. I can try sleeping on my own..." he said while looking down, clearly shy because of what he just said.

My eyes softened as I looked at him. He looks like a lost kid, mula pa kaninang nakita ko siya. He looks like he needs someone beside him all the time. To love him, to comfort him, to hug him and tell him that everything is alright.

"S-sorry, Leisheen. I didn't mean to make you uncomfortable," he whispered with his head looking down. Nanatili akong tahimik hanggang sa bumuntonghininga siya.

"Sorry sa istorbo, babalik na ako sa kwa—" I took a deep breath and held his hand.

"Where do you want to sleep? In your room or here?" I asked. Nag-angat siya ng tingin at napaawang ang labi niya. I suddenly became mesmerized by his beauty.

"Payag ka?" He asked. Hindi ko talaga alam kung adult ba o bata ang kaharap ko. I just smile and gently pull him. Since nasa tapat naman na kami ng kwartong tinutuluyan ko, dito na lang.

"Dito na lang tayo sa kwartong tutulugan ko," I said. Tahimik naman siyang tumango kaya inakay ko na siya pahiga at kinumutan. I stood up but I stopped when his hand caught mine. Napalingon ako sa kanya.

"Saan ka pupunta?" He asked with a low voice.

Napaupo ako sa kama at dahan dahang tinanggal ang kamay niyang nakakapit sa akin.

"Maglilinis lang ako ng katawan. Hindi kasi ako sanay nang hindi naglilinis bago matulog. Matulog ka na, saglit lang ako," sambit ko saka tumayo at dumiretso sa cabinet at kumuha ng damit pantulog. Mabilis akong nakapagpalit ng damit then, I proceeded to the sink. My eyes stopped at the sight of my face. I touch it and feel my rough skin.

I'm thankful dahil ito lang ang damage na natamo ko. I can move freely, I can still move everything, every beautiful thing in the world. Noon, akala ko, ako na ang pinakamalungkot na tao pero nagkamali ako, mayroon pa palang mas nahihirapan kaysa sa akin.

Kung tutuusin, pwede akong magmukmok dahil sa nangyari. Pwede kong sisihin ang tadhana pero hindi ko ginawa at wala akong balak gawin. I shouldn't blame anything or even anyone. Buhay ako, maayos ang lagay kaya dapat ipagpasalamat ko.

I sighed and wash my face. Binilisan ko na para makatulog na din ako. Lumabas din ako ng banyo at bumungad sa akin si Victorious na nakahiga. I can't see if he's still awake or not.

"Leisheen?"

It's confirmed. He's still awake.

Lumapit ako sa may drawer at kinuha ang suklay ko saka naglakad palapit sa kama. My lips pouted when I realized something.

Saan ako matutulog? Sa tabi niya?

"Why?" Tanong ko.

I heard him sighed. "Sorry again. For barging here and bothering you," he said kaya nanlambot na naman ang paningin ko. He's just looking up. Nakatulala lang sa ceiling. I can't see the emotions in his eyes. It's all blank, colorless and hidden.

"Ayos lang. Wala namang kaso sa akin iyon. I totally understand you," sambit ko at ngumiti kahit alam kong hindi naman niya makikita.

Victorious fell asleep kaya wala na akong magawa kung hindi ang matulog sa upuan sa tabi ng kama. Mahimbing na ang tulog niya kaya hindi ko na iistorbohin.

I don't know how many hours have passed but a sudden thump made me open my eyes. Napangiwi pa ako dahil sa sinag ng araw. I close my eyes for a bit bago ko binuksan ulit. My eyes instantly landed on the bed at napatayo ako.

"Victorious?" Tawag ko. Wala na kasi siya sa kama. I walk around and heard a groan.

"Ah, shit." Nilingon ko iyon at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita.

Victorious is on the floor, holding his hips and groaning in pain. Dali dali akong napalapit sa kanya. Inalalayan ko siyang makaupo sa kama.

"Ayos ka lang? Sobrang sakit ba? Bakit ka ba kasi nahulog?" Sunod sunod na tanong ko. He sighed and directly look at my eyes. Parang alam niya kung nasaan ang eksaktong direksyon ng mata ko. His colorless eyes are staring directly at my eyes.

Bakit kahit colorless ang mata nya, nakakatunaw pa rin ang tingin niya?

I shook my head and erased my thoughts.

"Nagising kasi ako na... ako lang mag isa. Wala akong naramdaman sa tabi ko kaya akala ko hindi ka dito natulog," he looks down and played with his fingers. "Hindi ka ba nakatulog dahil sa akin?"

I sigh and kneel in front of him. Naglakas loob akong hawakan ang pisngi niya at iharap sa akin ang mukha niya na gwapo pa din kahit bagong gising.

"Victorious, okay lang. Nakatulog naman ako nang maayos. 'Wag kang mag alala d'yan," sambit ko. He stared at me before licking his lips.

Natahimik kami pareho. Tumayo na din ako at naupo sa upuan malapit habang siya ay nanatili sa kama. Magkasalikop ang kamay at paulit ulit ang pagbuntonghininga.

I cleared my throat when I saw the time. Alas otso na at kailangan na naming mag-almusal. Hindi pa ako nakakaluto. Ano ba 'yan, Sheen! You should have woke up earlier.

"Victorious, maiwan muna kita. Okay lang?" I asked carefully. Mabilis naman siyang nag angat ng tingin. He looks in front and reaches his hands. Napatayo naman ako at agad hinawakan ang kamay niya. He stood up kaya inalalayan ko siya.

"Why would you leave?" Tanong niya.

"Magluluto akong almusal. 8 am na, baka gutom ka na," sabi ko. Tumango lang siya at humigpit ang hawak sa kamay ko kaya lumabas ako ng kwarto kasunod siya. Naisip ko na hindi pa pala ako nakakapaghilamos but, it's fine. Kami lang naman ang nandito at hindi nya naman makikita ang gusgusing mukha ko.

I hold him tight when we reached the stairs. Napatigil pa ako dahil naramdaman ko na ini-akbay niya sa balikat ko ang braso niya pero hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa kusina.

"Uhm, anong gusto mong kainin?" Tanong ko nang makaupo siya sa mesa doon. Nilingon ko siya at nakitang bahagyang nakanguso ang labi niya. His messy brown hair is covering his eyes.

"Tocino," he answered kaya nagsimula akong maghanap kung mayroon ba sila no'n dito at nang makita kong mayroon doon, nagsimula na akong magluto. I cook while he waits. Nagluto din akong sinangag at habang naghihintay, inihain ko ang plato at kutsara.

"Call me V," he said na nagpatigil sa akin. Nilingon ko siya at nakitang nilalaro niya ang kutsara.

"Huh?" Takang tanong ko.

He cleared his throat. "Victorious is too long. Just call me, V..." sabi niya and while wearing a serious expression, he raises his hand and forms a peace sign, showing a V.

Kumawala ang tawa sa labi ko and I also saw his lips form a smile.

"Noted, V." Napangiti siya at hindi ko maiwasang hindi mahawa.

Where It All Started (SOW #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon