22.

366 31 1
                                    

Kuya Jin lends me my salary. He told me that I can go out today dahil isasama daw nila si Victorious sa check-up ni Erich para naman daw makalabas at maarawan. I ran towards my boyfriend's room and saw him changing his clothes kaya mabilis akong napatalikod.

His chuckle surrounded the room. "Don't be shy. It's all yours," he said. Namula naman ang pisngi ko at muntik pang mapapadyak sa hiya.

"Tumahimik ka nga! Isuot mo na 'yang damit mo, hinihintay ka na ng Kuya mo doon," sabi ko. He wore his shirt and lends his hand to reach me. Agad naman akong humawak sa kamay niya. Hinila niya ako palapit at niyakap.

"Sure ka bang ayaw mong sa 'yo na lang ako sumama?" He asked. I wrapped my arms on his waist and lean on his chest. I can hear his heartbeat.

"Palagi na tayong magkasama. Makipag-bonding ka muna sa kuya at sa sister-in-law mo ngayong araw," sabi ko. I heard him hummed and I felt him kiss my head.

Nakaakbay siya sa akin nang lumabas kami ng bahay nila. Kuya Jin and Erich is already on the car kaya inalalayan ko na doon si Victorious.

"Baby, hindi ba pwedeng sumama ka na lang?" I look at Victorious and saw him pouting. Muntik na tuloy akong pumasok sa kotse at dambahin siya ng halik. I shook my head and erase those thoughts.

"Ipapasyal ko si Louie ngayon. Sama ka sa kuya mo, bonding kayo. Siblings day muna tayo ngayon," sabi ko. He pouted and lifts his hand. Napailing ako at sandaling pumasok sa kotse. He buried his head on my shoulder for a while before pulling away.

He kissed my forehead. "Ingat kayo, huh? Have fun today, baby," sabi niya at pinatakan ako ng halik sa labi. Natulala ako at napatakip sa bibig. I watch how his lips formed a smirk and he stole a kiss again.

"Watch me whipped..." Kuya Jin suddenly said. Erich laugh and spoke. "Watch me, nae nae." Nagtawanan ang mag-asawa sa harap kaya nagtaka naman ako pero muling inagaw ni V ang atensyon ko.

"Sige na, puntahan mo na 'yung kapatid mo. Kapag nagtagal ka dito, baka i-lock ko na iyong pintuan ng kotse at hindi ka na palabasin." The couple laughed again and started singing a song with the lyrics 'watch me whipped, watch me nae nae'.

I lean and gave Victorious a kiss on his cheek before I step out of the car. Nilingon ko si Kuya Jin at Erich.

"Ingat kayo," sabi ko. Kuya Jin did a salute and nodded.

"Have fun, Sheen. Kami nang bahala dito kay Vivi mo," Erich said. Natawa na lang ako at nagpaalam na.

"Take care, baby. I love you," V said before the car drives away. Pinanood ko iyon pero kumunot ang noo ko dahil tumigil ang sasakyan. I saw Erich peeked her head out.

"Sheen, yung 'I love you too' daw ni V!" She shouted. Nagtataka naman akong naglakad palapit sa kanila.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko nang makalapit. Sinilip ko pa si V pero nakita kong nakasimangot at masama ang tingin sa Kuya niyang tinatawanan lang siya.

"Nainis dahil hindi ka daw nakapag-'I love you too' kasi pinaandar kaagad ni Raijin," Erich said while chuckling. Napailing na lang ako at napasapo sa noo.

Ang cute naman. Ang sarap isilid sa bulsa.

Iiling iling akong maglakad papunta sa backseat at binuksan iyon.

"V?" I called him. He looks at me and waited. Muli akong napangiti at humalik sa pisngi niya.

"I love you too," sabi ko at mabilis na sinara ang pintuan. I heard Kuya Jin's laugh from inside and V's shouts.

"You heard that, Kuya? She loves me too!"

My heart swelled in happiness watching the car drove away. Napakagat labi ako para pigilan ang pagngiti pero hindi ko magawa. Umalpas pa rin ang ngiti sa labi ko kaya huminga ako nang malalim at naglakad na pabalik sa bahay nila.

Yuri's text pops up.

From: Yurinard

Sunduin ka namin dyan, nakaalis na ba 'yung boyfriend mo?

I replied to him while sitting on the bench in the garden.

To: Yurinard

Kakaalis lang nila.

I waited until I heard the honk of the car outside. Patayo pa lang ako pero narinig ko na ang tawag ng kapatid ko kaya nagmadali na akong lumabas.

"Ate!" Louie greeted me. Yumuko ako at hinalikan siya sa ulo. Kobi and Ralph got out of the car and wave at me.

"Ayos! Manlilibre ka ngayon, Sheen?" Kobi put his arm on my shoulder. Natatawa ko naman siyang siniko. I glance at Ralph and saw him eyeing his phone while hiding a smile.

Nanliit naman ang mata ko at bumulong kay Kobi.

"May bebe na ba 'yang si Ralph?" Tanong ko. Napatingin din suya sa kapatid niya na abala pa din sa cellphone nito.

"Hindi ko alam. Baka meron, co-teacher niya din. Hayaan mo siya para hindi naman puro libro at lesson plan ang kaharap." Natawa ako at saka pumasok na sa kotse. Louie sits beside me. Napaggitnaan namin siya ni Kobi while Ralph is on the passenger seat and Yuri is the one driving.

"Saan tayo, mamsir?" Yuri jokingly asked. Sasagot pa lang ako pero naunahan ako ng kapatid ko.

"Jollibee!"

That's how we ended up eating on Jollibee. Pagpasok pa lang namin, nagsilingunan kaagad ang mga kababaihan. Hindi naman na dapat ipagtaka pa dahil napakagwapo nga naman ng mga pinsan ko. Yuri is wearing his cold expression, Kobi is smiling while, Ralph is busy with his phone. Pakiramdam ko talaga, may babae na siya eh.

"Kami na ni Kobi ang pipila. Tell me the orders," Yuri said. I told them to buy what they want to eat kaya hindi na sila nagtanong pa at pumila na. Sumama si Louie sa kanila dahil gusto daw pumili. Naghanap ako ng bakanteng lamesa at agad nakakita sa may gilid. Naglakad ako pero napalingon ako nang makitang nakatayo pa rin si Ralph doon.

"Ralph," tawag ko pero hindi ako pinansin. Patuloy pa rin siya sa pagtipa sa phone niya.

"Uy, Ralph!" Tawag kong muli pero wala pa din.

"Ralphmond!" He jumped a bit and look at me.

"Huh? Tawag mo ako?" Natatawa akong tumango sa kanya at hinila siya papunta sa bakanteng lamesa na nahanap ko. Naupo naman siya sa harapan ko pero abala naman sa phone niya.

"Girlfriend mo ba 'yan?" Tanong ko. Nabitawan niya ang phone niya at nakaawang ang labing tumingin sa akin.

"H-huh? Ano, hindi!" I laugh and reach out to pinch his cheeks. Deny pa, eh.

"Come on, Ralph. Secret lang natin. Girlfriend mo nga 'yan?" Tanong ko. Napalunok siya bago dahan-dahang tumango.

"Girlfriend ko nga..." sabi niya habang tumatango. Natawa naman ako at tumango din.

"Hindi ka na NGSB! Binata ka na!" He pouted kaya mas lalo akong natawa. After a minute, Yuri, Kobi and Louie walk to us. Nagulat pa ako dahil nasa likod nila si Jeon na may kasamang babae.

"Uy, Jeon!" I said. He looks at me and waves while smiling widely.

"Hi, Sheen! Hi, guys!" He greeted. Kobi asked them to sit kaya naupo si Jeon at 'yung babaeng kasama niya.

The girl looks beautiful with her short hair. She has small eyes, like the one Parker has. Her pointed nose, rosy cheeks and red lips. She looks half Korean.

"Ralph, put down your phone. Kumain muna," Yuri said. Ralph turns off his phone pero kita ang pagsimangot niya kaya natawa ako.

"Here, eat this. 'Wag ka nang tumanggi kung ayaw mong halikan kita," I heard Jeon said to the girl beside him. The girl just smiled and kiss his cheeks then she suddenly looked at us and blushed. Jeon turns to us and laughs.

"Sorry, guys. I haven't introduce her yet," sabi niya at hinawakan ang kamay ng babaeng katabi niya.

"She's Lorrie Jane, my girlfriend," Jeon said and kissed Lorrie Jane's hand, which made her smile.

I heard Ralph cough kaya napatingin ako sa kaniya. I saw him secretly looking at his phone. Napailing naman ako at natawa.

See what being in love do to people.

Where It All Started (SOW #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon