18.

356 30 4
                                    

Our second day on the resort is fun. Halos buong araw kaming nasa tubig. Wala namang problema sa balat dahil covered naman ang pool. Solo din namin ang spot na ito kaya wagas sila kung mag-ingay.

"Sayang na sayang talaga! Dating pag-ibig na alay sa'yo!" Jeon is singing high while Louie is clapping for him. Napatawa ako sa kanila habang lahat sila ay naghihintay sa score ni Jeon. Nagpapataasan kasi sila ng score at may punishment daw ang makakakuha ng mababang score.

"98! Beat that, boogers!" Jeon exclaimed pero binelatan lang siya ni Parker at nagtipa na ng numero ng kakantahin niya.

"Ay palaban," Kobi whispered when he saw the song Parker is about to sing. Tanging si Parker at Jeon lang ang wala sa pool dahil nandoon sila sa tapat ng videoke. Kami ay nanonood sa kanila habang nakababad sa tubig.

"Ang halik mo, namimiss ko! Ang halik mo, namimiss ko. Bakit iniwan mo ako? Oh yeah!" Narinig ko ang pagmumura nila Kobi at paghahagalpakan ng tawa nila nang kumapit si Parker sa balikat ni Jeon at gumiling giling. I laughed hard when Jeon copied his gesture. Mukha na tuloy silang timang doon.

"Whoo! Go, baby! Igiling mo pa!" Kuya Jin shouted habang tumatawa. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa sobrang pagtawa nang maramdaman ko ang brasong pumulupot sa bewang ko.

Nalunok ko ang tawa ko at agad napaubo dahil sa gulat. Lumingon ako at nagulat nang makitang napakalapit ng mukha ni V sa mukha ko. Nakangiti siya at nakapatong ang baba sa balikat ko.

"You're happy?" He whispered with a smile on his lips. Rinig ang malakas na tawanan pero naka-focus ako sa labi ni V na napakalapit sa akin. His strawberry lips are tempting lalo pa nang kinagat niya iyon. I shook my head and look away.

"You want to kiss me?" He asked making me snap my head back to him.

"Huh?" I asked, shocked. Tumawa siya at sumubsob sa balikat ko.

"Damn it. I can feel your stare on my lips so, I'm assuming that you want to kiss me. Ayaw mo ba?" Napasinghap na lang ako at hinampas ang kamay niya.

"Harot mo," sabi ko at bumaling muli sa harapan kung nasaan sina Jeon at Parker. Parker hit the high note and the people cheered for him. Nang matapos ang kanta, pareho silang nag-abang ng score. Even us, the audience, waited for the score.

"Amputek, 98 din! Daya!" Parker said and pouted.

"Bakit 98 din? Magkaiba naman tayo ng tono sa pagkanta tapos magkaiba din ang pitch, tempo, dynamics at rhythym natin pero bakit parehas ng score? Bakit nag-tie?" Jeon complained. Nagkamot pa siya ng ulo at nakasimangot na naglakad palapit sa direksyon namin.

"I'm sleepy," V whispered. Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko nang maramdaman ang labi niya sa balikat ko. I'm just wearing a large shirt pero naexpose ang balikat ko dahil sa luwag.

"Hatid kita sa taas? Para makatulog ka," sabi ko. He nodded. Bumitaw naman siya kaya hinarap ko siya at hinawakan ang kamay niya. Nauna akong umahon sa pool saka siya inalalayan na makaahon. Napatulala pa ako dahil bumungad sa akin ang topless niyang katawan with matching tulo pa ng tubig. My eyes widened when I saw his stomach.

He has abs! Six packs!

"Sheen? Why aren't you moving?" He asked kaya napakurap ako at wala sa sariling napapunas ng bibig. I heard someone laugh from behind him.

"Laway mo, natulo!" Sumilip ako sa likod ni V at nakita si Parker na nakaturo sa amin at tumatawa. Hindi ko na pinansin at inalalayan na lang si V. Kinuha ko ang towel niya at nilagay sa balikat niya then I get my towel.

"Ate! Kuya!" I look at Louie who's getting out of the pool with Ralph behind him. Nasa kiddie pool kasi siya kasama si Ralph at ngayon ay tumatakbo na palapit sa amin.

"Why, Louie? Nilalamig ka na ba?" Tanong ko. Ralph taps my shoulder kaya nabaling sa kanya ang tingin ko.

"Punta na ako sa kanila," sabi niya at tinuro ang mga kasama naming naglalaro na sa pool. I smile and nodded at him.

"Ate, saan po kayo pupunta ni Kuya?" My brother asked. Kinuha ko ang towel ko at inilagay sa ulo nya.

"Your Kuya V is sleepy kaya hahatid ko lang siya sa kwarto," sabi ko. Louie clutches my hand and his other hand holds V's hands.

"Sama po ako!" He said at hinila na kami. Binitawan ko muna ang kamay ni Louie at humawak sa kanya ang kabilang kamay ko at ang isa ay inalalay ko kay V. I'm behind Louie while my right hand is holding him and my left hand is holding Victorious.

Nakaakyat kami sa kwarto sa taas. Agad kong tinulungan si Louie na magpatuyo at magbihis. Sunod ay si V na nakaupo sa isang upuan sa gilid.

"Hey, palit ka muna. Malalamigan ka," sabi ko at tinulungan siyang tumayo. Pumasok siyang mag-isa sa banyo at nagshower. Hinintay ko na lang siyang matapos habang si Louie ay sumampa sa kama at sumandal.

"Ate, boyfriend mo na po ba si Kuya Victorious?" Tanong ni Louie kaya napatingin ako sa kanya. He's looking at me with his innocent eyes. I smile and shook my head.

"No, Louie. We're not in a relationship. Your Ate is working for Kuya, diba?" I suddenly turn around when I heard the bathroom's door open. Lumabas doon si Victorious kaya lumapit ako para punasan ang buhok niya pero umawang ang labi ko nang lagpasan niya lang ako at dumiretso siya sa kama.

"Kuya, matutulog po kayo?" Louie asked. V stopped and smile at my brother.

"Yes, buddy. Ikaw? Matutulog ka din?" Nanatili akong nakatayo at pinapanood silang mag usap.

"Opo! Antok po ako eh. Nakakaantok pala kapag matagal sa pool," Louie said making V laughed. Lumapit naman ako sa kanila at naupo sa harapan nila. V suddenly lay on the bed kaya nahawakan ko ang braso niya pero hindi niya ako inimik.

"Hey V, bangon ka muna. Patuyuin muna natin 'yang buhok mo." I told him but he didn't answer. I look at Louie but he's already lying on the bed and his eyes are closed.

"Victorious..." tawag ko pero hindi pa rin siya umiimik. Kumunot ang noo ko at tumayo saka lumapit sa gilid niya. Naupo ako sa harap niya pero nagulat ako nang tumalikod siya.

What's with him?

"V, patuyuin muna natin ang buhok mo. Masamang matulog habang basa ang buhok," sabi ko pero wala pa din akong nakuhang sagot.

"Victorious," I called him. I heard him scoffed kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"V, bangon na d'yan," sabi ko at lumapit sa kaniya saka hinawakan ang braso niya pero nagpumiglas siya and the next thing he said made me froze.

"Go away. Hindi kita girlfriend kaya 'wag mo akong pilitin."

Where It All Started (SOW #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon