12.

386 31 3
                                    

I know how my family tries to convince me how beautiful I am. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil hindi nila ako hinahayaang malugmok. They would always remind me how worth it I am and how beautiful I am.

He's the beauty and I am the beast.

Victorious, despite being a visually impaired is a very handsome man. Hindi maikakaila ang kagwapuhang taglay niya. I can bet that he became their school's campus crush back then. The kind of look he had is something that you wouldn't get tired staring at. He's a beautiful work of art.

While me, like what other people says... a monster. A beast. I have a scar on my face. Scar from the fire that burns the bus I rode before and even my confidence. Nakakatakot lumabas dahil hindi na mapipigilan ang panghuhusga. Sinusubukan ng pamilya kong iangat ako pero ang mga taong hindi naman ako kilala ang may lakas ng loob na manghusga, dahilan para panghinaan ako ng loob.

It's an everyday battle and doubts. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko sa bawat araw na nagdaan pero isa lang ang alam ko. 'Yon ay ang pagtanggap sa sarili ko. Kapag mahal at tanggap ko na ang sarili ko, hindi na makakaapekto sa akin ang sinasabi ng ibang tao dahil mas kilala ko ng sarili ko. Mas alam ko ang buong storya.

"Leisheen?" Victorious' voice snapped me out of my thoughts. Natigil ang music at nang lingunin ko ay nakatayo siya doon at nakakunot ang noo.

"Are you there, Leisheen? Bakit hindi ka sumasagot?" tanong niya. Naglakad ako palapit at humawak sa kamay niya.

"Sorry, akala ko kasi ay may ginagawa ka. Tatawagin sana kita para mag-lunch," I told him. Wala siyang sinabi ngunit humigpit ang hawak niya sa kamay ko at sabay kaming bumaba.

"Ate!"

I smile widely and run towards Louie. Narinig ko ang paghagikhik niya habang nakalambitin sa leeg ko. Medyo napangiwi pa ako dahil ang bigat ng kapatid ko. Mukhang hindi pinapabayaan sa kusina ni Yuri.

"Hi, Louie. Kamusta?" Tanong ko nang bumitaw siya sa yakap. I looked behind him and saw Yuri, Ralph and Kobi. Yuri smiled at me and did a small salute using his two fingers, Ralph smiled showing his dimples and Kobi, as usual, cheerfully walked towards me and hugged me.

"Hello, Leisheen! Grabe, gumaganda ka lalo ah," sambit niya kaya natawa naman ako.

Today is Saturday. Nagising akong nasa kusina na ng bahay si Kuya Jin with his wife, Erich who's now pregnant for their first baby. Nagkausap din kami at mabilis nagkapalagayan ng loob until Kuya Jin told me to take a day off. Noong una, nag-hesitate pa ako dahil baka hindi alam ni V na umuwi ako but Kuya Jin assured me that it's fine kaya nandito ako, nasa bahay namin.

"Anong ginawa niyo sa isang linggong wala ako?" Tanong ko habang kandong si Louie na abala sa cellphone ni Yuri. Yuri is in the kitchen while Ralph and Kobi is with me.

"Bumisita ako dito noong Wednesday, alam mo ba kung anong nadatnan ko?" Ralph said at bigla namang nagbago ang ekspresyon ni Kobi. Nakita ko pa ang pasimple niyang pagsiko sa kapatid at alanganing pagngiti sa akin.

"Hehehe," parang timang na tawa niya at patuloy pa din ang pagsiko sa kapatid niya but, Ralph just laugh at him.

"Nung papasok kasi ako dito, naabutan ko lang naman si Kobi na nakalam-" Tinakpan ni Kobi ang bibig ng kapatid at hindi pinagsasalita. Kunot noo naman akong nakatingin sa kanila. Nagbubugbugan na sila doon at hindi na kami pinansin.

"Nakasabit sa puno si Kobi. 'Yon ang naabutan ni Ralph." Niilingon ko ang nagsalita at nakita si Yuri na naglalakad palapit habang nagpupunas ng kamay.

"Kuya, epal mo!" Kobi exclaimed and pouts na ikinahagalpak ni Ralph. Natawa din ako dahil sa ka-cute-an nila.

Where It All Started (SOW #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon