13.

374 33 3
                                    

6AM when I left the house on Monday morning. Wala akong ginawa sa dalawang araw ko sa bahay kung hindi ang makipag-bonding kay Louie. Magkatabi kaming matulog ng kapatid ko at nang sumapit ang lunes ng umaga, kinailangan ko nang bumalik. Si Yuri ang naghatid sa akin while Kobi is with Louie. Hinatid niya ako hanggang sa tapat ng bahay nila V.

"Dito ka nagtatrabaho?" He asked at inilibot ang tingin sa bahay nila V. Tumango naman ako at dumako ang tingin ko sa pintuan nang makita doon si Kuya Jin. He smiled and waved at me saka siya naglakad palapit.

"Siya 'yung kapatid ng inaalagaan ko," sabi ko kay Yuri na tumango at namulsa saka sumandal sa kotse niya. Tumunog ang gate hudyat na nagbukas iyon at lumabas si Kuya Jin.

"Good morning, Leisheen," he said while smiling then he turned to my cousin. "Hi, I'm Raijin. Older brother of Victorious, 'yung inaalagaan ni Leisheen," he lent his hand to my cousin which my cousin gladly accepted.

"I'm Yurinard. Pinsan ako ni Leisheen," Yuri smiled a bit and shook hands with Kuya Jin. Nadako ang tingin ko sa likod ni Kuya Jin at nakita doon si Parker na naninigkit ang mata dahil sa pagngiti. Lumapit siya at ngumiti nang malawak.

"Leisheen! Nandito ka na!" He exclaimed at nagulat ako nang yakapin niya ako at guluhin ang buhok ko. Sinimangutan ko siya pero tinawanan niya lang ako.

"Kahapon pa bugnutin 'yung isa doon. Buti naman at nandito ka na." Kinunutan ko lang siya ng noo at hindi na sinagot. Ano na naman kayang natira niya?

"Leisheen, pasok ka na. Sabayan mo na kami mag-agahan. Ikaw din, Yuri," Kuya Jin said. Naramdaman ko naman ang pagsiko sa akin ni Parker at bumulong.

"Sino siya? Boyfriend mo?" Agad naman akong umiling. Tinaasan niya ako ng kilay. "Eh, kaano-ano mo? Kuya mo?" Umiling ako muli.

"Pinsan ko," sagot ko.

Pumasok na kami sa loob. Tumanggi si Yuri dahil wala daw kasama si Louie at Kobi sa bahay. Natawa pa ako nang sabihin na hindi niya puwedeng iwanan si Kobi sa bahay dahil baka bumaliktad ang bahay dahil sa kakulitan ng kapatid.

Pagpasok sa kusina, nakita ko doon si Erich, Jeon at si Victorious na umagang umaga ay nakakunot ang noo. Erich smiled when she saw me and was about to call me pero agad kong naitaas ang daliri ko, signalling her to keep quiet. She bit her lips and nodded. Mukhang nakuha din naman ng iba ang gusto kong iparating kaya wala sa kanilang bumanggit sa pangalan ko.

"Darling, are you done eating?" Kuya Jin approached his wife who just nodded. Parker signalled me to sit beside Victorious kaya gano'n ang ginawa ko. I did it slowly and silently.

"Victor, bakit hindi mo pa inuubos 'yang pagkain mo?" Erich asked and I saw V's frown deepened.

"Nako, Erich. 'Wag mong tawaging Victor yang parekoy, badtrip yata," Jeon said kasunod ng pagtawa niya. Nanatiling tahimik ang katabi ko kaya inangat ko ang kamay ko at kinuha ang kutsara niya. Sumandok ako ng kanin at ulam at itinapat sa bibig niya. Parker saw what I'm doing at napangisi siya.

"Victor, kumain ka na. Subuan kita," sabi niya at kumunot na naman ang noo ni V. Plantsahin ko kaya 'yang noo niya? Aga aga, ang bugnutin.

"Manahimik ka," sagot ni V saka humalukipkip.

Parker pouted. "Nganga na kasi. Ngawit na ako," sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Bro, kumain ka na. Hindi ka titigilan niyan ni Parker," Kuya Jin said kaya wala nang nagawa si V kung hindi ang ngumanga at kumain. Nagpatuloy ako sa pagpapakain sa kanya nang tahimik hanggang sa matapos siya.

"Wala pa ba si Leisheen?" He suddenly asked making us stopped, lalo na ako. Nagkatinginan kami at natahimik. Jeon look at me and smirked pero sinimangutan ko lang siya.

Where It All Started (SOW #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon