29.

410 29 2
                                    

"Alonzo, sa table 8 daw." I immediately moved and went to table number 8. I got their order and went back to the counter to tell the chef.

"Leisheen, ano? Kumusta? Kaya pa?" I glanced at my right side and saw Soli smiling at me. I smiled back at her.

"Ayos lang. Nakakapagod pero kaya naman. Ikaw ba? Mula kaninang umaga ka pa naka-duty, ah. Pahinga ka kaya muna," sabi ko habang inaayos ang tali ng buhok ko.

Soli shook her head. "Kaya ko pa. Sanay na ako dito. Halos limang taon na ako dito, eh," sabi niya at sumandal patabi sa akin.

Pareho naming pinagmasdan ang paligid.

Maraming taong kumakain ngayon sa restaurant at maya't maya ang pago-order nila. I can see some of my workmates rushing to get orders and delivering the orders.

I never thought that I'll be given a chance to work again. Work in public. Mula sa aksidenteng nangyari, kay Victorious palang ako nagtrabaho at matapos iyon ay dito na. I'm lucky enough to be accepted in this job. Kahit hindi ito ang kursong natapos ko, ayos lang. Basta may trabaho ako at basta, naibibigay ko ang kailangan ni Louie.

Louie is now on his highschool kaya naman kailangang doble kayod ako dahil maraming gastusin kapag high school. Aunt Jean is still working at laking pasasalamat ko sa kanya dahil tinulungan niya akong makapasok sa trabahong ito. Now, I'm here, working as one of the waitress of a famous restaurant.

"Leisheen, lunch time na. Tara, kain tayo?" Lumingon ako at nakita si Renz, one of my workmates. He's the owner's nephew but he works here as a waiter. Noong unang araw ko dito, he's the first one to approach me and guided me here kaya laking pasasalamat ko sa kanya.

I felt Soli nudges me and she whispered. "Lunch daw kayo ng manliligaw mo, Sheen," she said and giggled. I can't help but to roll my eyes.

"Hindi nya ako nililigawan," bulong ko. Although, I can tell that Renz is trying to making a move, hindi ko kinokonsidera dahil may laman na ang puso ko.

Kahit taon na ang lumipas, siya pa rin ang gusto ko. Siya pa rin ang mahal ko. Wala na yatang makakapagpabago doon. Kahit hindi na niya ako kino-contact ng ilang taon.

2 years and 1 month after Victorious left and until now, hindi pa rin siya bumabalik. May contact pa naman kami sa isa't isa noon pero 8 months after niya umalis, natigil iyon. Hanggang ngayon ay wala pa din kaming contact.

Naiinis ako dahil bakit natigil? Bakit hindi na niya ako kino-contact? Bakit wala na siyang paramdam? Taon na pero bakit hindi pa sya bumabalik? Even Kuya Jin, hindi rin sinasagot ang tawag o text ko. I texted Erich once pero ang sabi niya, lumipat na daw sila ni Kuya Jin matapos niyang manganak no'n. So, that means, Victorious is still with his mother pero bakit hindi niya ako kino-contact man lang?

"Sheen?" I snapped out my thoughts. I saw Renz in front of me with his confused face. I shook my head and composed myself.

I open my mouth to answer but my phone beeped. Kinuha ko 'yon mula sa bulsa ko at nakita ang text message mula sa pinsan ko.

From: Kobi

Sheen, lunch time mo? Tara, lunch daw sa labas. Lilibre tayo ni kuya, galante na iyon eh HAHAHAHAHAHAHA!

Sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita ang text message. He's right, Yuri got promoted to his job just a week ago and he's now the manager of their branch. May chance na ma-assign siya sa ibang branch and it's up to him if he'll agree. Ang alam ko rin ay Christmas break ng kompanya nila. Nalalapit na talaga ang pasko pero pakiramdam ko hindi pa rin ako sasaya.

"Oh, mukhang may lakad ka." I looked up and saw Renz. He's half smiling at me that turns to awkward laughter.

Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Sadyang wala lang akong gana na mag-entertain ng iba. Kahit hindi na siya nagpaparamdam, hindi ko pa din magawa na mag-entertain ng iba. Kahit naiinis na ako sa kanya, mahal ko pa rin s'ya.

Where It All Started (SOW #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon