19.

348 29 0
                                    

Victorious ignored me. I'm starting to get annoyed but I'm calming myself. Hindi dapat ako mainis. No Sheen, calm down.

"Last day na pala natin bukas," sabi ni Kobi habang nasa cottage kami at nakapaikot. Katabi ko si Erich at sa kabilang gilid ko naman si Louie. Victorious is sitting beside his brother.

Ano bang ikinagagalit niya? Bakit niya sinabi 'yon? Hindi niya ako girlfriend kaya 'wag ko siyang pilitin? Pinapabangon ko lang naman siya ah, kasi basa 'yung buhok niya at masamang matulog ng basa ang buhok. What's wrong with him?

After he said those words kanina, nakatulog na siya kaya habang tulog siya, pinunasan ko 'yung buhok niya saka ako lumabas ng kwarto. Hinayaan ko silang matulog dalawa doon.

V woke up at exactly 4 in the afternoon at ilang minuto lang, si Louie naman ang nagising at hindi pa rin ako pinapansin ni V.

"Parang may something off," Jeon said making them stopped. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka pero laking gulat ko nang tumingin sila sa akin at sunod kay V.

"Bakit hindi yata kayo magkatabi, Leisheen at Victorious?" Yuri asked while crossing his arms. Nanatiling tahimik si V habang umiinom ng binigay sa kanyang iced tea.

"Ayun pala! Kaya pala feel ko parang may mali. Bakit nga ba hindi kayo magkatabi? Eh kanina lang sa pool parang hindi kayo mapaghiwalay eh," Parker said pero walang umimik sa amin.

"Awit, may LQ yata," bulong ni Kobi. Nanatili ang tingin ko kay V na patuloy sa pag inom. Napabuntonghininga ako at kumain na lang.

"Anong nangyari?" Bulong ni Erich sa akin habang kumakain siya ng barbeque na inihaw ng mga lalaki kanina. Uminom ako sa iced tea na nasa tapat ko at sumandal sa upuan.

"Ewan ko sa kanya. Paglabas niya kanina sa banyo, hindi na niya ako pinapansin tapos sabi niya..." Natigilan naman ako at naalala ang sinabi niya kanina. Nilingon ko pa muli si V pero umiinom pa din siya ng iced tea. "Sabi niya hindi niya naman daw ako girlfriend kaya 'wag ko daw siyang pilitin," bulong ko.

"What?!" Erich exclaimed loudly kaya nanlaki ang mata ko. Napatingin naman sa amin lahat kaya naiilang na tumawa si Erich.

"Bakit kayo nakatingin? Nag uusap kami ni Leisheen dito about girls stuff," masungit na sambit ni Erich.

"Wala naman kaming sinasabi, Erich." Ani Parker at kumagat sa barbeque na hawak niya.

"Wala namang nagtatanong," dagdag pa ni Jeon kaya napasigaw silang dalawa tumama sa mukha nila ang binatong tsinelas ni Erich.

"Ayan, 'wag kasing galitin ang buntis." Tumatawang sambit ni Kobi. Napasimangot naman ang dalawa pero nagpatuloy sa pagkain.

Erich leaned to me and whispered. "Girl, mukhang alam ko na kung bakit hindi ka pinapansin pero, tanong ko muna. May nasabi ka ba bago siya umakto ng gano'n?" She asked. Nag isip naman ako ng lahat ng sinabi ko bago ang pang-iignora niya at naalala ko ang pinaka-recent.

"Sumama si Louie sa amin. While V is on the bathroom, Louie asked me if he's my boyfriend but I said no. Sabi ko, nagtatrabaho ako kay V and that's it. When V went out, hindi na ako pinansin at nagsalita na siya ng gano'n," sabi ko. Erich screamed and pinched my arms kaya napangiwi ako.

"Confirmed!" She said in delight. Malakas ang boses niya kaya tumingin na naman sa amin ang mga kasama pero hindi njya pinansin. "Confirmed! Nagalit siya kasi sinabi mong hindi mo sjya boyfriend. Dineny mo kasi, girl!" She whispered. Napaawang naman ang labi ko at pinroseso ang sinabi njya.

Ako? Dineny si Victorious? Dineny ko na boyfriend ko si V? Nagalit siya dahil do'n? 'Yun ang dahilan kaya hindi niya ako pinapansin? Dahil dineny ko na boyfriend ko siya?

But, it's true. Hindi ko naman talaga siya boyfriend. Anong ikinagagalit niya? Nagsabi naman ako ng totoo. Totoo namang nagtatrabaho ako sa kanya.

"I'm falling, falling, falling! Tumambling, tambling, tambling!" Erich suddenly sing at napatingin na naman sila sa amin.

"Put your hands in the air everybody. Sing with me!" She said and continue singing. Nagsisunuran naman sila. Even Louie who's clearly clueless, rose his hands. Tanging kami lang ni V ang hindi nakaangat ang kamay.

"Teka, anong meron?" Yuri asked nang tumigil sila sa pagkanta. Erich smiled.

"Wala, trip ko lang kumanta," Yuri almost curse pero pinigil niya dahil masama kaagad ang tingin ni Kuya Jin.

"Bakit naman gano'n ang kanta mo? Parang hindi nag-eexist 'yun ah!" Napakamot ng batok si Kobi kaya tinawanan siya ni Erich.

"Hindi nga pero kumanta lang ako," sagot ni Erich.

"Wait, mabalik tayo kay Leisheen at Victorious. Ano bang nangyari sa dalawang ito?" Kobi asked. I heard V sighed and he stood up.

"Matutulog na ako. Good night," he said and stood up. Hindi muna ako tumayo dahil baka magalit siya. I waited for someone to help him pero walang tumayo. Nanatili din na nakatayo si V doon hanggang marinig ko ang buntong hininga niya at nagsimula siyang maglakad but, a scream left my mouth when he fell to the ground.

Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya. Inalalayan ko siyang tumayo at mabuti na lang dahil hindi na siya nagreklamo. Inilagay ko ang braso niya sa balikat ko at inalalayan siyang maglakad. Nilingon ko pa ang mga kasama namin pero halos mapairap ako nang makitang nakangisi sila pero agad nawala nang lumingon ako.

"Kuya Jin, nasaan 'yung first aid?" Tanong ko.

"Nando'n sa kwarto sa taas, sa may CR." Tumango ako at inalalayan na si V para maglakad. Naririnig ko ang daing niya at nang tingnan ko ay may sugat siya sa may tuhod. Sinilip ko din ang kamay niyang nasa balikat ko at nakita ang gasgas doon.

Inalalayan ko siya hanggang sa makarating sa kwarto kung saan siya natulog kanina. Mabilis akong pumasok sa banyo at nakita ang first aid. Kumuha rin ako ng planggana at bimpo saka nilagyan ng tubig. Kinuha ko iyon at bumalik sa harapan ni Victorious. Hinatak ko ang upuan at inilapag doon ang first aid at sa sahig ang planggana habang ako ay lumuhod sa sahig para gamutin ang tuhod niyang may sugat.

Nilinis ko ang sugat niya na dumudugo hanggang sa makita ko ang mahabang sugat sa tuhod niya. Nilagyan ko ng ointment iyon at binendahan. Sunod kong kinuha ang palad niya at nilinisan bago nilagyan ng gamot. Tumayo ako at inilapag gibamit ko sa upuan sa gilid.

"Kuha lang ako damit mo pamali-" Naputol ang sasabihin ko nang hilahin niya ako. Naramdaman ko na lang na nakadagan na ako sa kaniya habang nakapulupot ang braso niya sa bewang ko.

"Victorious..." I whispered. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ng ulo ko at inilapat ang ulo ko sa dibdib niya.

"Sorry for ignoring you," he said before I feel him kiss my head. Napapikit naman ako at nagrelax sa dibdib niya. I can hear his heart beating fast and it's like a music to my ear.

"Sorry for not talking to you. I'm sorry," sabi niya. Nanatili akong nakapikit at mas humilig sa dibdib niya.

"Bakit mo nga ba ako inignora?" Tanong ko habang nakapikit at pinapakinggan ang pagtibok nang puso nya.

He sighed and kissed my head again.

"I just felt hurt when you tell your brother that I'm not your boyfriend," napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"But, it's true. H-hindi naman talaga, diba?" I carefully asked dahil nakita ko ang pag-igting ng panga niya.

He sighed and rolled over. Now, I'm underneath him and he's now the one laying on my chest.

"Yeah, tama ka. Hindi mo nga ako boyfriend and I'm sorry for talking rudely to you earlier. Lagi nalang akong nagiging rude sa harapan mo. Pasensiya na," sambit niya. Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang malambot na buhok niya.

"Victorious, it's fine. At least, you are reflecting from your behavior," sabi ko habang patuloy sa paghaplos ng buhok niya. We stayed silent until I heard his soft snores at nang silipin ko, nakapikit na siya at tulog na.

I chucked and kissed his head before letting myself drift to sleep. This time, with him in my arms.

Where It All Started (SOW #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon