Puno ng tao ngayon dito sa lugar kung saan nagsisilbing bulwagan ng pagtitipon ng mga taga-rito.
Bawat isa ay nakasuot ng magagandang damit dahil mga maharlika ang bisita ngayon.
Nasa bandang gitna ang lamesa nila Shaun sapagkat nais ng pinuno nila na sa kanila na makisalo ang tatlo.
Nais man ni Xia na piliin ang lamesa sa likuran upang hindi siya mabilis makita ay hindi naman pupwedeng tumanggi sa alok ng matandang pinuno sapagkat malaki rin ang utang na loob niya rito.
Maliban kasi sa Lola ni Shaun at kay Shaun ay isa rin ito sa naging mabait sa kaniya pati na rin ang unica ija nito.
ARIEXIA
“Shaun, kinakabahan ako.” wika ko at kumapit pa lalo sa mga braso niya.
Hinawakan niya ang kamay kong nakakapit sa mga braso niya at ngumiti. “Don‘t be. I’m here.”
Dahil doon ay bumilis na naman ang tibok ng aking puso ang kaninang kaba ay napalitan ng ‘di ko maipaliwanag na dahilan.
Napangiti rin ako at tumango.
Alam ko na hindi niya ako pababayaan, naniniwala ako roon.
Tumunog ang trumpeta indikasyon na nakarating na ang mga bisita kaya nagsitayuan ang lahat.
Hawak pa rin ni Shaun ang aking mga kamay habang nakatingin sa may harapan.
Mula sa limang karwahe ay lumabas ang mga Hari at Reyna ng iba‘t-ibang kaharian. Sa ika-anim na karwahe ay lumabas mula roon ang mga dati ko na kaibigan at sila kuya.
Humigpit ang kapit ko kay Shaun ng magtapo ang mga mata namin ni Gabriel
Bumaba ang tingin niya sa kanyang mga kamay namin at nakita ko ang pag-igting ng panga nito na tila ba galit na galit sa isang bagay.
“Shaun” tawag ko kay Shaun.
Ang kaninang seryoso niyang mukha ay napalitan ng ngiti nang bumaling siya sa ‘kin. “Bakit?"
“Wag mo ‘ko iiwan, ah?” paninigurado ko.
Tumango lang siya ng ilang beses at hinalikan ang noo ko.
Nang makaupo na sa harapan ang mga bisitang maharklika ay nagsiupo na rin kami. May mga kababaihan pang nag-serve sa kanila ng pagkain.
Napabaling ako kay Mang Karding nang tinawag niya ako. “Ari, ija"
“Po?"
“Maari bang ikaw na muna ang maglagay nitong mga inumin sa mesa ng mga bisita?” usal niya.
Nanlaki ang mata ko dahil doon. Teka—waitttt!
Bumaling ako kay Shaun and he just give me smile. Isang ngiting nagsasabing magiging okay lang at nariyan lang siya palagi.
Hindi ko alam pero pati ako ay napangiti dahil doon. Tumayo na ako at binitbit ang mga inumin. “Ako na po ang bahala, Mang Karding.” ngiting sagot ko.
Taas noo akong naglakad papalapit sa kanila. Kitang-kita ko ang tingin nila sa akin, bakas roon ang...
PANGUNGULILA?
Bakit? Saan?
Pinilig ko ang ulo ko at tuluyan nang lumapit upang ilagay ang mga inumin.
Nang nasa harapan na ako nila Ezia ay napatigil ako dahil sa narinig mula kay Kuya Xon.
“Princess" tawag niya.
Ang kaninang kaba ko ay biglang nawala. Naging blangko ang aking mukha at hinarap siya ng seryoso.
YOU ARE READING
Journey To The Other World(COMPLETED)
Fantasía𝐈𝐫𝐞𝐧𝐞 𝐒𝐨𝐟𝐢𝐚 𝐓𝐰𝐢𝐠𝐬 is a bad genius, the walking brain they call her. A drop-dead gorgeous lady who can make any man drool at her and above all, she's kind-hearted. She had everything and lives a luxurious life but as they say those stu...