Chapter 15

11.5K 334 77
                                    

Chapter 15




Buong gabi ay hindi ako nakatulog kahit anong gawin ko. Patuloy kong naiisip ang ginawang paghalik sa'kin ni Tim. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong irereak.




First of all, gusto kong magalit dahil hinalikan niya ako without a warning. I mean, pwede naman niyang sabihin muna sa'kin right? Second, I want to choke myself for letting him kissed me. Magagawa ko naman siyang itulak kagabi kung gusto ko pero hindi ko ginawa.




What an idiot!



I would lie if I will say na hindi ko nagustohan ang halik niya. Sabihin na nating may part sa'kin na nagustohan 'yung ginawa niya pero kahit saan tignan, mali talaga. Maling-mali talaga.




Unang-una sa lahat, professor ko siya at estudyante niya ako. Ano nalang ang masasabi ng iba kapag nalaman nilang nahalikan ko na ang Italyanong professor namin?




And the worst part is that he is my first kiss, my goodness! Professor ko lang naman ang naging first kiss ko. Dapat ba akong matuwa don? Syempre hindi, diba?




Kaya ito ako ngayon, lutang na lutang habang naglalakad papunta sa classroom. Maaga pa naman dahil hindi nga ako nakatulog kagabi kaya naisipan kong papasok nalang ng maaga. Baka kasi kapag sinubokan kong matulog ay tanghali na ako magigising.




Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla nalang may mainit na kamay ang umaakbay sa'kin. Tinignan ko kung sino ito at nakita ang nakangiting mukha ni Trent.




Parang kabute talaga. Sulpot lang ng sulpot.



I heard him laugh when he saw my face. "You look like a panda, Katrina."



Wow? Ang aga naman ata niyang nang-asar.



"Good morning din sa'yo, Trent." I sarcastically replied before removing his hand on my nape.




"You still look cute tho," sagot niya at inakbayan ulit ako.




I rolled my eyes on him at hindi na sinagot pa ang sinabi nito. Umagang-umaga pinagtritripan ako. Wala ba siyang magawang iba?




"Tanggalin mo nga 'yang kamay mo.. ang bigat eh," utos ko at mabuti nalang sinunod niya.




Ngumisi naman ito ng nakakaloko, "malalaki lang talaga ang mga muscles ko, Katrina. At sadyang mapayat ka lang kaya nabibigatan ka."





Inikot ko ang mata ko bago siya binatukan. Tama naman siya sa sinabi niyang malaki ang muscles niya pero kailangan ba talagang ipagmayabang sa'kin? At saka, hindi ko matanggap 'yung sinabi niyang mapayat ako. Ang sexy-sexy ko nga tapos sasabihin niyang mapayat? No, hindi pwede 'yun.




Napahawak naman siya sa batok nito at bahagyang ngumuso. "Ang liit-liit mo pero ang sakit mo kung makabatok." Parang batang anito.





"Wala ka bang magandang sasabihin? Kasi kung wala, tantanan mo na ako at nakakasira ka ng umaga."





Imbes na sundin ang sinabi ko ay ngumisi lang ito.




"You know what, Katrina." Bahagya pa siyang tumigil at nilapit ang mukha sa'kin. "Kung hindi ka lang gusto ni kuya, baka niligawan na kita." Seryoso nitong ani.





Bigla akong nailang dahil sa sinabi nito at masyado pang malapit ang mukha nito sa'kin. Isa pa, nasa gitna kami ng campus kaya 'yung ibang estudyante ay napapatingin at pinagbubulongan kami. Pero ang isang 'to, parang wala man lang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.




My Professor's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon