Prologue

24.6K 509 59
                                    

Prologue




"My ghad, Kat! Paano ka mag-eenjoy kung nandiyan ka lang?" pangaral sa'kin ni Bianca na ikinatawa ko.




Nasa bar kami ngayon dahil sinamahan ko ang kaibigan ko. Busy kasi ang ibang kaibigan namin kaya ako muna ang sumama sa kaniya.



I am an introvert, kaya ayoko sa mga ganitong lugar. Maraming tao, maingay, at higit sa lahat maraming mga lasing.



Kung hindi ko lang talaga mahal ang kaibigan ko ay hindi ko na ito sinamahan.



"Bia, ayoko. Dito nalang ako." tanggi ko nang inaya ako nitong sumayaw.



Inirapan ako nito bago tumabi sa upuan ko. "Okay, uminom nalang tayo."



Agaran akong umiling sa sinabi niya. "Bia, huwag na. Alam mo namang hindi ako mahilig sa alak."



Umiinom ako ng alak pero madalang lang. Ayoko ring uminom ngayon, lalo na't nasa bar kami. Isa pa, alam kong malalasing 'tong kasama ko kaya kailangan ko pa itong iuwi ng buo sa kanila.




"C'mon, Kat. Ano ka ba, minsan lang 'to!" sigaw nito sa'kin dahil mas lumalakas na ang tugtog ng bar.



Bumuntong hininga nalang ako at tinanggap ang basong binigay niya sa'kin. Well, wala namang masamang kung iinom ako ng kaunti. Hindi naman siguro ako malalasing.



Minutes later, napapansin kong umiikot na ang paningin ko at parang pumipikit na ang mata ko. Tinignan ko si Bianca at nakitang may kausap siyang isang lalaki.



"Kat, diyan ka lang. I'll just dance," pagpapaalam niya sa'kin.



I nodded my head kaya umalis na ito sa harapan ko. Pilit kong minumulat ang mga mata ko para hindi makatulog.




Damn. Ang bilis ko atang malasing ngayon. Nakaka-ilang baso palang kami ni Bianca pero nahihilo na ako. Matapang ata ang mga iinomin dito sa bar.



"Hey, are you alone?" napatingin ako sa lalaking nagsalita at nakita itong nakangiting nakatingin sa'kin.



I make a face in silence. This is one of the reasons why I hate bars! Maraming mga tigang na lalaki na akala mo naman kinaka-pogi nila.



Iniling ko ang ulo ko at pilit na ngumiti. "No, I am with my friend."



Tumawa ito at tumabi sa'kin. Umusog ako ng kaunti dahil masyadong malapit ang katawan nito. I heard him laugh a bit before pulling me closer to him



Napaigtad ako dahil sa ginawa nito,  "I'll accompany you, beautiful. Hindi mo na kailangang magpa hard-to-get," he whispered that shievered me.



Inaalis ko ang kamay nitong nakahawak sa bewang ko, ngunit masyado itong malakas. "Bitawan mo'ko."



Tumawa ito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin. "C'mon, magiging masaya ka–"



"Fvck off," putol ng isang malamig na tinig sa sasabihin ng lalaki.



Sabay kaming napalingon sa pinang-galingan ng boses at halos nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito.




Goodness! Anong ginagawa ng gwapo, macho, at hot naming new professor dito?



"Dude, ako ang nauna sa kaniya. Just go find another girl," natatawang ani ng lalaki sa gilid ko.



Hindi inaalis ni Sir Tim ang tingin niya sa'kin hanggang dumako ang tingin nito sa bewang kong hawak ng lalaki. Biglang dumilim ang mukha nito and I saw how he gritted his teeth. "Remove your filthy hands on her waist, stupid."



Literal akong napanganga sa sinabi ni Sir. Did he just called the guy behind me stupid?



"Gago ka ah," sagot ng lalaki at tumayo. Akmang susuntokin niya si Sir nang nahawakan nito ang paparating na kamay niya.




Napasinghap ako ng bigla nalang sinuntok ni Sir ang lalaki kaya natumba ito. Bago pa ako makapagsalita ay bigla nalang may kamay na humawak sa'kin at hinila ako palabas.



"Damn, Katrina! Are you crazy? Anong ginagawa mo sa lugar na 'yun?!" sigaw agad sa'kin ni Sir Tim paglabas namin.



Hindi ako makapagsalita at nakatingin lang sa kaniya. How could this guy be so handsome even if he's angry. Pinagpala nga naman.



"Alam mo ba kung anong oras na?! It's almost 12 in the midnight, Katrina!" dagdag na sigaw nito.



He's angry. Yeah, I know it and it is obvious as hell! But why is he acting like this? This new professor of ours is known as a cold and strict person. Nakakapagtaka lang at ganito ako kausapin nito ngayon.



"Sir..." tanging nasambit ko.



He sighed bago pinakalma ang sarili niya, "be thankful that I let the guy who touched you live."




Meron pa itong sinabi na hindi ko marinig kaya tumango nalang ako. Hinawakan ko ang ulo ko nang makaramdam ako ng pagkahilo.




Damn. Kailangan ko nang umuwi at baka dito pa ako makatulog. Pilit akong tumayo ng tuwid at nagsimulang naglakad. Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may humawak sa kamay ko.



"Where are you going?" Tanong sa'kin ni Sir.



I almost forgot. Nandito nga pala si Sir at hindi pa rin umaalis. Tinignan ko ito at nakitang salubong ang kilay nitong nakatingin sa'kin.


"Uuwi na po ako, Sir."




His brows furrowed. "You are drunk as fvck, Katrina."





"Kaya ko pa naman mag-drive, sir."





"Do you think I let you drive your car in that state?" pabalang nitong sagot. I heard him sighed. "I'll drive you home."






Namulat ko ang mata ko sa sinabi niya at umiling. "Huwag na, sir. You cannot accompany me."





"And why I cannot?"





He's my professor for pete's sake! Others might think the other way around kapag nakita nilang hinatid ako ni Sir. And I really hate issues!






"Kasi.. ahmm, ano.."





"Because what, Katrina?" bagot na tanong nito.






"Kasi ano.. Sasakay nalang ako ng taxi, or I'll just call my friend," mahinang sagot ko. Sinubukan kong kunin ang cellphone ko sa bulsa nang pinigilan ako ni Sir.





"I will drop you off," aniya at hinila ako papunta sa isang kotse.





"Nasa loob pa ang kaibigan ko, sir Tim. Hindi ko siya pwedeng iwan ng hindi nagpapaalam," saad ko bago kami makapasok sa kotse niya.






Napatigil ito sa paglalakad at nakakunot na tumingin sa'kin. "Your friend is not a kid. She can handle herself."






Kahit naka-inom ay alam ko pa ang ginagawa ko. Alam kong hindi tama kapag ihahatid ako ni Sir. "Huwag na, sir. Sasakay nalang po ako ng taxi."





Sinubukan kong kunin ang kamay kong hawak niya pero hinigpitan lang niya ito. "Sir, bitawan niyo po ako."






"Enough of your excuses, Katrina. I'll drop you off, end of conversation."




Hindi na ako nakapalag nang pwersahan ako nitong hinila papasok sa kotse niya.






And I didn't know na dahil lang sa paghatid niya sa'kin, maraming susunod na mangyayaring hindi ko inaasahan.










My Professor's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon