Special Chapter I

9.8K 258 57
                                    

Special Chapter I






"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." The priest declared.







Nakangiting tinaas ni Tim ang veil ko. He mouthed 'I love you' before kissing my lips. Kasabay nang paghalik niya ay ang pag-ingay din ng paligid.






Pagkatapos ng kasal ay pumunta kami kaagad sa reception. Noong panahon na nag-propose si Tim ay inamin din nitong nakahanda na raw ang kasal namin. Matagal niya na raw itong plinano kasama ang pinsan niyang si Nica kaya palagi daw sila nitong nag-uusap. Loko talaga. Hindi man lang inisip na baka hindi ako papayag, edi masasayang lang lahat ng gastos niya.







Maayos na lahat gaya ng sabi ni Tim. Natanggap na ako ng mga magulang niya. Humingi din sila ng paumanhin sa'kin maging sa mga magulang ko. Inamin nilang nagkamali sila at kinontrol nila ang anak nila sa buhay nito. Ngayon ay bumibisita na sila sa'min at nakakausap ko na sila na parang pamilya ko na rin.








Wala naman kaming masyadong bisita. Iyong mga taong importante lang sa buhay namin. Habang kinakausap ni Tim ang mga kaibigan niya ay biglang may lumapit sa'kin.






"Congrats." Nakangiting bati nito.







I smiled back. "Salamat, Bianca."






"Pwede ba kitang maka-usap?"







Tumango ako dito kaya sinundan ko siya. Tumigil naman kami sa parang garden dito sa hotel at umupo siya sa kahoy na upoan kaya tumabi rin ako dito. Ayos na naman kami ni Bianca. Noong bumalik ako sa siyudad ay kinausap ako nito at humingi siya ng tawad sa ginawa niya.







Inamin niyang pinsan daw niya 'yung lalaking lumapit sa'kin sa bar dati at siya rin daw 'yung nagpakalat na ikakasal sila ni Tim. Nagawa daw niya 'yun dahil nabulag siya sa pagmamahal niya kay Tim. Masama 'yung ginawa niya pero ang importante, nalaman at inamin niyang nagkamali siya.








"Gusto ko lang ulit humingi ng sorry, Kat." Panimula niya.







"Ayos na 'yun. Kalimutan nalang natin. Nagmahal ka lang din naman." Sagot ko dito.








Kung ano-ano lang din ang napag-usapan namin ni Bianca. Parang bumalik na ang pakikitungo namin sa isa't-isa dati at parang wala kaming naging problema. Ang saya lang sa pakiramdam na ganito. Iyong wala ka ng iniisip na problema.







"Pwede ko bang maka-usap si Katrina?"







Sabay kaming napalingon sa boses na 'yun at nakita ang nakangiting mukha ni Trent. Tumango naman si Bianca at nagpaalam sa'kin bago niya kami iniwan ni Trent.







"Congrats sa inyo ni kuya, Kat. Sinasabi ko na nga ba. Kayo rin talaga ang magkakatuloyan." He started.






I stared at him. Nakangiti siya sa'kin kaya alam kong masaya talaga siya, pero may nakikita rin akong mga lungkot at panghinayang sa mga mata nito.







Hindi ito ang unang beses na nag-usap kami ni Trent simula no'ng nagpropose si Tim, pero ito ang unang beses na may nakita akong lungkot sa mga mata niya. Para bang sinasabi ng mga mata nitong wala na talagang pag-asa at natalo na siya.






"Trent.."







"Aalis na ako bukas. Pupunta muna akong Italy at do'n muna mamalagi." Sabi pa niya.








My Professor's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon