Chapter 8

12.2K 341 48
                                    

Chapter 8





I am pissed. I am very pissed to Tim. Anong karapatan niyang sabihin kay Brix na nililigawan niya ako? And why the hell did he say that?!




I really can't understand him. Palagi nalang niyang ginugulo ang utak ko— katulad ngayon. I am supposed to study our lessons pero hindi ako makapag-focus dahil palagi kong iniisip ang sinabi ni Brix.





Aside from that, nagugulohan din ako sa ginawa ni miss Clair kanina. She is fully aware na nasa harapan niya ako tapos binalak niya pang halikan si Tim. Parang matagal na silang magkakilala sa inakto niya.





Oh, well. I know that Tim just look away dahil nakatingin ako. Alam kong hindi siya iiwas kapag wala ako kanina sa office niya, baka nga siya pa ang hahalik kay miss.





I sighed before slamming myself on my bed. I need to sleep. I really do. I close my eyes and let the darkness takes me.





Pagkagising ko ay antok na antok pa ako. Gusto ko pang matulog pero baka malate na naman ako sa klase. Aaminin ko, hindi ako nakatulog ng maayos. Alam niyo 'yung feeling na sirado ang mga mata mo pero gising naman ang utak mo? Iyan ang naramdaman ko kagabi and it sucks!






Mabilis akong naghanda papunta sa university at kailangan ko pang mag-commute. If you are asking about my car, naka tambay lang siya sa parking lot ng apartment na tinutuloyan ko. I do not know how did it get there, basta nakita ko nalang na nandoon. Hindi ko rin ito magawang gamitin dahil plat 'yung gulong. Matagal na rin naman ang sasakyan na 'yun at second hand lang kaya nasisira na ngayon.






Pagkarating ko sa classroom ay nandito na ang iba naming kaklase, kahit ang mga kaibigan ko ay nandito na rin. I greeted them before I sat on my chair and wait for our adviser.





Buo na ang desisyon kong iwasan si Tim. Hindi magandang tignan kung magpapatuloy pa kaming magkasama. Siguro ay mas makabubuti kung iiwasan ko siya.





Isa pa, natatakot din ako. Scholar lang ako dito sa university at baka paalisin ako kapag may hindi magandang issue na lalabas tungkol sa'kin.






Moments after, we all looked at the door when it opened. We saw Timothy walking confidently to the center wearing his teacher outfit with his both hands on his pocket.






I saw how my classmates stared at him as if he is an artist. I cannot blame them tho, hindi nakakasawang tignan ang maamomg mukha ni Tim.






Pagkarating niya sa harap ay tumingin ito banda sa'kin, he greeted us while his eyes were fixed on me.





Ayan na naman 'yung feeling na parang ako lang ang binabati niya. Bakit ba kasi kailangan tumingin sa'kin?!






We greeted him back before he start discussing his lessons.





Habang nagtuturo ay napapansin ko ang pagnakaw ng tingin nito sa'kin pero hindi ko ito pinapansin. I would immediately look away kapag nagtama ang mga mata namin.




"Class dismissed."




Natapos ang klase niya nang wala akong maintindihan. I pick up my things and wait for my friends. Nauna nang lumabas ang ibang kaklase namin dahil gutom na siguro sila.





After my friends were finish picking up their things, we started to walk on the door nang tumikhim si Tim.





"Miss Trinidad, we should talk." Seryosong aniya.





My Professor's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon