Chapter 27

8.1K 249 24
                                    

Chapter 27





Pumasok ako sa university na puyat. Mabuti nga't nagising ako kanina sa alarm ko kaya hindi ako nalate ngayon.






"Bia." Rinig kong tawag ni Nicole sa mahinang boses kay Bianca.





"Bakit?" Bianca answered.





"Kailan kasal niyo ni sir Tim?" Nicole asked out of curiosity.





Natigilan ako at hinintay ang sasabihin nito. She was about to answer but the door suddenly opened. Napaayos kami lahat sa pagkaka-upo nang pumasok si Tim.






He looked at me but then looked away. My brows creased because of what he did. He then greeted us without looking at me. Bigla akong kinabahan sa inakto niya. Parang may problema siya. Nararamdaman ko talagang may mali.






Huminga ako ng malalim at inisip nalang na baka ginagawa niya lang 'to para hindi kami mahuli. Tama. Baka gano'n nga. Para sa'min din 'to.






I examined his face during his discussion. Maputi si Tim kaya nahalata ko kaagad na lumaki ang eyebags niya. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang parang panliliit ng mata niya. It looks like he was crying kaya nagka-ganiyan. 





Throughout his discussion, hindi ako nito tinitignan. Diretso lang ang tingin niya sa harapan na hindi naman niya madalas ginagawa.





"Class dismissed." Tim uttered.






Bahagya siyang tumingin sa'kin kaya ngumiti ako. Agad ding nawala ang ngiti ko nang iniwas niya ang tingin niya at hindi man lang ngumiti pabalik. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuloyan na siyang umalis sa room.






"Kat, una na kami ha? Kita nalang tayo mamaya."





Pilit naman akong ngumiti kay Nicole. "Sige."





Nauna na sila sa'kin kaya tinapos ko na rin ang pagliligpit ng gamit ko. I am busy fixing my things when I heard a voice behind me.





"Huwag mo muna siyang puntahan ngayon."





Kaagad akong napatingin do'n at nakita ang seryosong mukha ni Bianca.





"What is it this time, Bia?" I asked.





"Marami siyang iniisip, Katrina. Huwag mo muna siyang disturbohin."





"Si Tim ba? At sino ka naman para sabihin sa'kin 'yan?"





Bianca smirks. "I will be his wife soon, Kat."





Napatigil ako at napayukom ang kamao sa sinabi niya. Pinipigilan ko ang sarili kong saktan siya.





"That's not gonna happen." I answered.




"Bahala ka. Sinasabihan lang naman kita," tumigil ito at pinalambing ang boses niya. "Total magkaibigan naman tayo."






Tumalikod na siya pagkatapos no'n at hindi na hinintay ang isasagot ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko pag-alis niya. Huminga muna ako ng malalim bago pinatuloy ang pagliligpit ng gamit ko.





Pagkatapos kong magligpit ay pumunta din ako kaagad sa office ni Tim. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako ngayon. Pinagpapawisan ang kamay ko dahil sa kaba.






My Professor's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon