Chapter 40

10.2K 255 10
                                    

Chapter 40




"Why don't you sleep here? You're all alone on your house." Kunot-noong ika ni Tim nang nagpaalam ako sa kaniya.





Nakwento ko kasi ditong hindi uuwi sina Mama ngayon kaya sinabi niyang dito nalang daw ako matutulog sa bahay niya. Hindi ako pumayag, baka kasi maagang uuwi sila Mama bukas at madatnan akong wala sa bahay.





"Bawal nga. Baka maagang uuwi sila Mama bukas tas madatnan ako dito."




"And what's with that?"





I crossed my arms. "Hindi nga pwede, Tim."





"You're all alone there. I cannot let you. Samahan nalang din kita sa inyo," he suggested.





Agad akong umiling. "Hindi pwede! Baka isipin ni Mama nagpapasok ako ng lalaki sa bahay."





"I'll explain at your parents after or gigising nalang ako ng maaga para bumalik dito."





Ngumiti ako sa kaniya. "Kaya ko naman na, Tim. Besides, hindi naman 'to siyudad. Chismosa lang ang mga tao dito at hindi na mga akyat-bahay. There's no need for you to worry."





Mas lalong kumunot ang noo niya. Alam kong hindi ko pa rin siya nakumbinsi sa sinabi ko.





"Still, Katrina. Wait me here. I'll get something on my room then we'll go at your house after." Pagpapaalam nito at umalis na sa harapan ko.





Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya pero ginawa ko 'yung pagkakataon para umuwi na ng bahay. Nagawa ko naman kaya sinirado ko kaagad ang bahay. Sanay naman na akong matulog mag-isa dahil hindi naman ito ang unang beses na do'n matutulog sila Mama. Pinikit ko kaagad ang mga mata ko paghiga ko sa kama at hinayaang lamonin ako ng antok.






Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta bigla nalang akong naalimpungatan na parang may tumatapik ng mahina sa mukha ko. Gano'n nalang akong kinabahan nang napagtantong mayroong pumasok dito sa kwarto ko.





"Sino k-ka?" Halata ang takot sa boses ko nang tinanong ko 'yun.





Sanay akong natutulog na nakapatay ang ilaw kaya hindi ko naaninag ang mukha ng taong nanloob sa'kin ngayon. Tatangkain ko na sanang tumakbo nang hinawakan nito ang magkabilang braso ko.





"Bitawan mo ako! Tulong--"




Natigil ako sa pagsigaw nang tinakpan nito ang bibig ko.





"Katrina, it's me." Bulong nito.





"Timothy?" I asked.





Naramdaman ko naman ang pag-alis niya sa gilid ko at ang pagbukas niya ng ilaw. Biglang humupa ang kaba ko nang masiguradong si Tim nga ang pumasok.





"What are you doing here? You scared me."






Ngumiti siya. "I'm sorry. I knocked and called your name a thousand times but you didn't answer."





"At bakit ka naman nakapasok?" Tanong ko pa.






Tumingin naman siya sa balcony dito sa kwarto kaya napatingin din ako do'n. Nakita kong nakabukas na ito at parang may hagdan sa ibaba.






"You used that ladder? Saan mo 'yan napulot?"






"Diyan lang." Malimit na sagot niya bago umupo sa kama ko. "I told you to wait for me."






My Professor's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon