Chapter 4

256 7 0
                                    

Alex POV

Pagkatapos mag-pa alam ni Brylle sa kanya umalis siya para bumili ng mga Toiletries niya dahil nga magtatagal pa siya sa B&B kailangan niyang bumili lalo hindi sanay ang katawan at buhok niya sa Shampoo na bigay ng B&B

Pagbalik niya nakita niya si Julian sa Reception na nanunuod ng Netflix mukhang pa chill chill nalang ito

"Hello. Mukhang wala ng guest masyado di tayo busy ha" Bati niya dito

"Ayyy ou Madam, alam mo nag check out na yung mga guests na bagong kasal with their Friends pati na din si Pogi na nilamok jan sa Gazebo. Sinundo ng Magandang Sasakyan at magandang Babae. Mukhang didiretso sila sa Ospital namumutla eh - mukhang mataas ang lagnat" kwento nito sa kanya

"Ay talaga? Buti naman umalis na sila akala ko nga may Inuman Part 2 nanaman sila jan sa Gazebo Mamaya. Saka yung nilamok buti naman hindi pa nag pa-iwan saka talaga namang dapat magpa Doctor na siya kasi talagang pinapak yun ng lamok saka Trangkaso ang ending niya. I swear" tango tango naman niya kahit sa puso niya ulit may halong concern na inis na sinipa niya pa alis. Lalo't may maganda pa palang babaeng sumundo - aba, baka nga pala may bago ng GF. Naku! Sana ma dengue! Inis na sigaw ng utak niya na agad nanaman niyang inalis.

"Pero ha, nagtanong siya Madam. Kung asan daw kayo - saka kung magtatagal daw ba kayo dito" echoserong dagdag pa nito

"Talaga? Anu sabi mo?"

"Syempre mukhang di mo naman kilala kahit pogi baka 'dengeros' so kako - wala na nag check out ka na - buti nga nakita kita kanina lumabas"

"Aba! Very good ka jan Julian! Dahil jan may pa Tubig ka!" Abot niya sa tubig sa mismong lobby

"Madam Talaga, pero mukhang type ka niya Ma'am"

"Kow hindi baka nabilib lang sa Dito sa Metal ko" sabi niya sabay nguso sa paa

"Hay naku Madam, pero mukhang bagay kayo"

"Wag na nga - baka dengeros" gaya niya sa sabi nito sa kanya "sige na akyat na ako tatae pa ako" pa-alam niya dito saka umalis.

🥺

Busy siya habang pinapanuod ang pagbukas ng tindero ng Buko Para sa Buko Juice niya ng biglang may tumabi sa kanya

"Isa din ako niyan Boss" bigla siyang napatingin dito dahil nanaman sa pamilyar na boses nito

Ang gwapong mukha ni Troy ang bumulaga sa kanya

"Hi" bati nito sa kanya

"Hello" Gulat na sabi pa din niya saka luminga linga "What are you doing here?" Takang tanong niya. Saktong inabot ng Tindero ang Buko niya kaya naman kinuha na niya ito

"Salamat kuya"

"I forgot something" kibit balikat nito

"Ah" simpleng sagot niya saka akmang aalis na sana siya ng mabilis siya nitong hinawakan sa kamay.

Gulat na napatingin siya dito. Iwawaksi na sana niya ng mas humigpit ang hawak nito sa kamay niya

"What?"

"Wait for me" walang anumang sagot nito

Ilang sandali pa eh tapos na ang buko nito. Hawak pa din nito ang kamay niya - it feels so weird but at the same time it feels so good.

"Baka pwede mo na akung bitiwan?" Tanong niya dito

Napatingin naman ito sa kamay niyang hawak nito - pero hindi siya nito binitiwan

"Uh, no this is better. Saan ka pupunta ngayon baka pwedeng sumabit. Total mukhang you know your way around"

"Madaming tour guide jan sa tabi tabi you can hire one if you want to" she answered bago pilit na hinila ang kamay niya

Wounded (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon