ALEXANDRA POV
Kanina pa ako hindi makatulog mula nung hinatid ako ng France dito sa Hotel. Kaya naman nagsuot lang ako ng Tank Top at ang Jogging Pants ko.
Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa may malaking Veranda ng Hotel kung saan tanaw ko ang karagatan.
Hindi ko pa na eenjoy ang pag-iisa ko ng biglang may tumikhim sa likuran ko
"Geez!" Malakas na sigaw ko pero agad ko ding natampal ang sarili kung bibig ng marealize ko na si Troy ito
"Anung oras ka bumalik?" Tanong nito sa akin sabay hagod ng tingin sa katawan ko mabilis na tinakpan ko ang sarili ko gamit ang hawak ko na scarf
"Kanina lang" simpleng sagot ko bago dumistansya dito
"Hindi ako kumakain ng tao Alex, hindi mo kailangang lumayo sa akin" inis na sabi nito saka ako muling linapitan "I didn't know that you are now fond of Body Art. Dati kasi hindi mo gusto yan" sita nito sabay nguso sa tattoo ko. Buti nalang madilim
"Sabi ko sayo People Change"
"What have you been doing for the past years?" Biglang tanong nito
"Living Life"
"Makes sense, ako hindi mo ba tatanungin kung kumusta ako nung nakaraang mga taon?"
"Hindi"
"Ikwe kwento ko nalang. Well I got blind, I was able to see. I went back to School and realized that you've dropped out. I continued my life like nothing happaned, And Now I'm here" sobrang simpleng kwento nito
"Mula noon hanggang ngayon wala ka pa ding kwentang magkwento"
"Ahh, tapos nasaktan din pala ako. Alam mo yung Feeling na nasaktan ako ng taong akala ko hindi ako sasaktan pero dahil lang sa simpleng yun iniwan na niya ako" bitter na sabi nito sa akin
"Well, kung hindi ka niya iniwan baka wala ka ngayon sa posisyon mo" mahinang sagot ko naman dito
"Yea, Because I would have created another Company with her. And fillin it with our dreams and passion. Gandang kwento sana noh?" Tanong pa nito sa akin
"P-Papasok na ako sa loob" awkward na sabi ko dito pero mabilis nanaman itong sumunod sa akin. Saktong natapat ako sa ilaw ng Hallway
"What is that?" Tanong nito sabay hablot sa kamay ko. Nanlalaki ang matang pilit kung hinila ito pero mas malakas ito kaysa sa akin
"Alex, anung nangyari dito?" He hissed
"Nasunog"
"Nasunog? Nasunog saan?"
"N-nung na aksidente tayo" agad na sabi ko sabay hila sa kamay ko
"O-Oh God, Gaanu yan kalaki?"
"H-Hanggang sa likod" napayuko ako ng hinalain nito ang scarf na nakatakip sa katawan ko. I heard him Gasp
"Bakit hindi mo sinabi sa akin, bakit walang- Hold on! Yan ba ang dahilan kung bakit mo ako hiniwalayan?"
Hindi ako sumagot pero nakayuko lang ako
"Ang babaw mo naman, Anung akala mo sa akin. Tatakbo ako ng dahil lang jan-
"Ou!" Malakas na sabi ko dito "Hindi ba yun ang gagawin mo kung sakaling nakita mo?! - Nakita ko dati kung paanu ka mandiri sa mga nakikita nating may ganito. Nakita ko dati kung paanu ka umiwas sa mga taong pinuntahan natin nung minsang nag Volunteer tayo" Pumiyok ang boses na sabi ko dito
"A-Alex! Hindi ako nandidiri sa kanila, umiiwas ako dati kasi ayokong makita nilang umi-iyak ako sa sobrang sakit thinking that those people have more will to live than us normal people. How can you even think that way?! Hindi kita niligawan at hindi kita ginusto ng dahil sa physical appearance mo. Minahal kita kasi mahal kita" hirap na sabi nito sa akin
"No, I don't want you to love me. I want you to leave me alone. Hindi na ako ang babaeng minahal mo dati. Wala na akung maibibigay sayo Troy" matigas na sabi ko dito
"Wala akung paki-alam. Alam ko na mahal mo ako at nararamdaman ko yun. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Hindi ako aalis, hindi ako lalayo. Kahit ilang bases mo pa akong itaboy" Seryosong sabi nito sa akin saka ako niyakap ng mahigpit "You are always beautiful. You are perfect to me no matter what happens. Wala kang kailangang gawin, ang kailangan mo lang gawin ay ang mahalin ulit ako"
Mahigpit na yakap ang binigay nito sa akin. Wala nanaman akung nagawa kundi ang bumigay dito
At sa kauna unahang pagkakataon mula nung nakita ko ito. Yinakap ko din siya ng buong puso
Bahala na si Batman
![](https://img.wattpad.com/cover/166753650-288-k527122.jpg)
BINABASA MO ANG
Wounded (COMPLETED)
عاطفية"T-Troy, I'm sorry" mahinang sabi ko dito kasunod ng paghikbi ko. "B-Babe? What's wrong?" Confused na tanong nito saka dahang dahang hinaplos ang mukha ko Mariin akung pumikit saka lumunok. "I'm sorry. But I came here to break up with you" halos a...