Troy POV
Katatapos niyang ihatid ito sa Amason dahil naiwan dun ang sasakyan nito
Tinigil niya ang sasakyan sa isang tabi before crying his heart out. Nung makita niya itong umiiyak at parang nawawala he nearly died - Sana nga siya nalang - siya nalang ang nabawasan.
Hinilot niya ang sentido before driving to his Parents house dahil may pa dinner ang mga ito.
He calmed himself before entering the mansion - sinalubong siya ng nakangiting si Jameel na siyang ama niya saka naman sumunod ang nanay niya na mukhang nakahinga ng maluwang na makita siya
"You are late" she said in between her smiles - "kelan ka pa naging ganyan, alam mo naman may bisita tayo ngayon" Ayos nito sa suot niya saka siya hinila papunta sa Dining Hall
Bumulaga sa kanya ang Kapatid na si Terence saka si Hazelnut at ang pamilya nito; it's not a secret that his family and her family are planning something big for the two of them na pareho nilang ayaw.
Ilang beses na silang nag usap ni Hazelnut tungkol dito at pareho nilang hindi gusto ang nais ng kanilang magulang - mukhang bored ito habang naka upo sa Dining Hall.
Pinagtulakan siya ng ina na maupo sa tabi nito
After exchanging greetings with his soon to be future Mother and Father in-law he sat beside her.
Naramdaman niya ang kamay ni Hazelnut sa binti niya giving him a slight poke.
Noong huling nag usap kasi sila eh napag planohan na nila na sabihin sa mga ito na wala silang balak magpakasal at mag pa-uto sa mga ito.
He silently ate his meal while responding to questions asked to him by the people around. Masyadong mabigat ang dibdib niya saka puno ang utak niya para mag isip ng iba pa.
"We decided to stay as friends" biglang narinig niyang sabi ni Hazelnut
Natahimik bigla ang mesa
Saka niya naramdaman na tinapakan nito ang paa niya mula sa ilalim.
"Yeah, we decided to stay as friends. We are both on our right minds to choose who we want to be with in the Future" dagdag naman niya
"I'm currently in a relationship" dagdag naman ni Hazelnut
"And I am currently trying to win back an old love" sagot naman niya na kinagulat ng pamilya niya
"Sino?" Ma-angas na tanong ni Terence at ng kanyang ina
"Excuse me" matigas na pa alam niya sa nga ito bago dumiretso sa Library ng bahay nila para kunin ang ilang files na iniwan niya nung nakaraan
Pagpasok niya. Ilang sandali sumunod ang galit na Kapatid
"Si Alexandra ba ulit?" Malakas na sikmat nito sa kanya
"Why do you care?"
"Troy you can love everyone except her. Siya na nga ag dahilan kung bakit ka muntik mabulag - tapos siya pa din ang gusto mo? Baliw ka na ba o anu?"
"Hindi na ako bulag ngayon" he simply answered "At ou baliw na ako"
Frustrated na nagbuga ito ng hangin
"Remember that being with her is just a problem. Wala naman siyang magandang binigay sayo kundi aksidente-
"Do you hear yourself? Do you even know what happened years ago. Nakakatulog ka pa ba sa gabi? Hindi ka manlang ba nakakaramdam ng kahit konting consensya?" Sunod sunod na tanong niya sa kapatid "Ohhh, wait wala ka nga pala - matagal kang nawala tapos pagbalik mo makiki alam ka nanaman sa buhay ng may buhay"
"Kung may isang taong dapat makaramdam ng Consensya siya yun if only she didnt begged you that night sana hindi kayo na aksidente letting you loose your eyesight. Muntik ka ng matuluyan nun na mawalan ng paningin"
"Sana nga ako nalang & you are crazy blaming her for everything. Siya ang dapat manisi sa atin"
"Why would she do that? Ang kapal naman ng mukha niya kung siya pa ang maninisi sa atin"
"Sana naririnig mo ang sarili mo - because the person you are mocking now just lost her leg because of you and me"
"What are you talking about?"
"See for yourself" agad na sabi niya sabay lapag sa Picture na nasa Files na dala niya para sa Prosthethics. Pic ito ni Alexandra na nakatayo sa Exhibit ni Hazelnut. Kita ang Golden Legs nito.
"You should atleast be ashamed of yourself" he spat before going out the libraray
Nanlaki ang mukha ng kapatid sa nakita - hindi na niya narinig ang sinabi nito dahil umalis na siya sa Library.
❤️
Author's Note:
Finally a POV for Troy. Sorry hindi ko alam kung okay lang ba ito - gusto ko sana yung sobrang tindi pero yan lang ang nakayanan ko. Yeh yeh it's a typical story about family na ayaw sa gusto ng anak pero pag tyagahan niyo nalang hindi na nagana ang utak ko na mag isip ng iba
**And if you ask bakit hindi alam ng pamilya ni Troy na , na amputate ang Paa ni Alex - dahil nag focus sila sa anak nilang nabulag after the accident at sa isa pa nilang anak nilang siyang dahilan ng mismong aksidente.
Charot!
PS: Kung may napansin kayong kakaiba please paki comment - matagal kasi natambay ang Wounded kaya mejo nakalimutan ko ang takbo ng kwento. I am still in the process of re-reading it and at the same time writing for the Part 2

BINABASA MO ANG
Wounded (COMPLETED)
Romance"T-Troy, I'm sorry" mahinang sabi ko dito kasunod ng paghikbi ko. "B-Babe? What's wrong?" Confused na tanong nito saka dahang dahang hinaplos ang mukha ko Mariin akung pumikit saka lumunok. "I'm sorry. But I came here to break up with you" halos a...