ALEXANDRA POV
"Boss, May meeting daw kayo kasama yung KillJoy na Boss sa Board Room in 15 minutes" bungad ni Henry sa akin pagpasok ko ng Opisina kagagaling ko lang kasi sa Smoking Area
"Bakit daw?"
"Weekly report daw"
"O bakit kasama ang WorkForce eh iba naman ang may hawak sa atin" takang tanong ko
"Aba malay ko. Natanggap ko lang yung alert kanina. Na-email satin yun kahapon. Hindi ka kasi nagbubukas ng Email mo eh" umi-iling na sabi nito
"Puro basura lang naman ang mga na eemail sa atin puro plano plano lang ng mga hinayupak na nasa taas wala namang magandang nagagawa"
"Kalma ka lang Boss!"
"Tinatamad akung makimeeting. Ikaw nalang pumunta - Kailangan ko pang Mag focus kay Sunshine. Pag-aaralan ko muna baka mapadali nito ang buhay natin"
"Ayoko nga, Mula nung pumunta yung Boss dito at nagalit nung Haloween Party ni ayoko na ngang makita yun" mabilis na tanggi naman nito
Napa-ismid ako. Nung Haloween Party kasi matapos kaming ipakilala ni Raim dito. Halos hindi pa ako nakakabawi sa shockness ko eh nanermon na agad ito. Na kaya daw may Party sa Function Hall para dun pumunta ang mga tao. Hindi daw yung alak ang dadalhin sa loob ng Office. Wala daw kaming Work Etiquette. Kung hindi lang ako inshock nung mga oras na yun siguro nasagot ko ito. Pero buti nalang napigilan ko pa ang bibig ko.
"O apektado ka naman agad sa sermon niya sa atin. Eh bakit nung si Florianne pa ang Boss kahit araw arawin tayong gisahin wala kang pake? Tapos halos nakikipag-unahan ka sa akin kapag nagpapa meeting siya?"
"Eh syempre yun maganda, babae, mukhang mabango, ka akit-akit. Eh yung Boss ngayon. KillJoy na nga Mukha pang Suplado na masungit na parang nasa Menoupausal Stage na"
Hindi ko napigilang tumawa ng malakas saka tumayo sa kinatatayuan ko
"Sige na ako na. Bahala ka na dito. Kapag may mangyari huwag mo akung tatawagin. Si Nelmar ang hanapin mo nasa loob lang yun naghahanap ng mabibiktima. Ang sakit ng ulo ko kaya pagkatapos ng meeting diretso na ako sa Sleeping Quarters" Mahinang tapik ko dito
"Sige Boss! Ingat ka kay Mr. M"
"Sinong Mr. M?"
"Yung Bagong Boss. Mr. Menopause"
"Gago" Tumatawang sabi ko saka lumabas ng Opisina namin
🎈
Halos Completo na ang lahat ng Head ng mga Department ng makapasok ako sa Board Room. Agad na umupo ako sa tabi ni David na siyang Head naman ng mga Operation Managers
"Morning" Nakangiting bati nito sa akin
"Morning" Agad na sabi ko naman saka kinuha ang inabot nitong Kape "Libre ba toh?" Sabay tanong ko
"Ou, perks of having a new rich boss" agad na sagot naman nito saka ngumiti. Sasagot pa sana ako ng biglang pumasok si Troy.
Naka suit ito na parang aatend ng Kasal o kaya ng Libing. He matched his outfit with an annoyed and serious Face. Parang tatalon naman ang sarili kong puso dahil sa lakas ng tibok nito. Mas lalo tuloy sumakit ang ulo ko
"Damn it" mahinang bulong ko sabay inom ng kapeng hawak ko.
"Good Day Everyone, Umpisahan na natin ang Weekly Report. Starting with the Productivity Team" agad na utos nito
Agad na tumayo naman si Jelly at nagsimula ng magreport. Ito ang ayaw ko sa mga taong ito eh, sa sobrang pag papalakas halos hindi na nila namamalayan na sobrang Boring na ng pagpresenta nila ng mga Reports nila. Naka ilang Hikab pa ako bago natapos ang halos lahat.
Inis na napatingin ako sa relo ko. Past 12 na dapat mga 12:30 naka kain na ako ng Lunch. Tahimik na muli akung humikab pero nabitin sa ere ang pagbukas ng bibig ko ng tawagin niya ako
"Okay Next. I'd like to hear from our workforce" his gaze shifted to mine. Ang mga mata nito ay seryosong nakatitig sa akin. Walang emosyon purong Blangko lang ang meron
Agad na tumayo ako sa kina-uupuan ko saka tumikhim. Inayos ko na din ang suot ko na Hoodie
"Yeah, So I'm Alex from Workforce. I can say that everything is smoothly Working on our Department. We have not received any Red Flags Coming from HR and from the Agents - so I believe that Simba is working well. Last week she just froze on us so I am working on Sunshine right now. She is a new tool that I wish to Develop that can replace Simba. As of now everything is working well - We are sending daily Reports to Raim, So if you have any concerns you can always ask him" mabilis na sabi ko saka umupo
"Who is Simba and Who is Sunshine?" Takang tanong nito
Inis na napatingin siya dito like Duh? Kasasabi lang niya diba.
"Tools used for tracking everyones schedule" walang ganang sagot ko dito.
Hindi ito nagsalita at tahimik na tumango.
Agad na umiwas naman ako ng tingin ditoSakto namang kinalabit ako ng Team Leader na si Farah.
"Paanu mo nagawa yun?"
"Alin?" Takang tanong ko dito
"Magsalita sa harapan niyang hindi na-uutal" kanina kasi halos mawalan na ito ng malay dahil sa kaba
"Ewan ko din. Kapal ng mukha lang naman ang gamit ko" Nakangiting sagot ko dito
"Sige next time magdadala ako" Tumatawang sagot naman nito
"Excuse me. I don't want someone interrupting my Meeting. So if you too plan to flirt on my meeting better get out of here!" Malakas na sigaw ni Troy na ikinatahimik naming lahat.
Pag-angat ng tingin ko nakatitig silang lahat sa amin. Bigla akung nastress ng marealize ko ang sinabi nito

BINABASA MO ANG
Wounded (COMPLETED)
Romance"T-Troy, I'm sorry" mahinang sabi ko dito kasunod ng paghikbi ko. "B-Babe? What's wrong?" Confused na tanong nito saka dahang dahang hinaplos ang mukha ko Mariin akung pumikit saka lumunok. "I'm sorry. But I came here to break up with you" halos a...