Chapter 3

3K 69 2
                                        

ALEXANDRA POV

"Miss Vanzuel Stay" narinig kong utos nito kaya naman napatigil ako sa pakiki pag-unahan sa pinto.

Naka-kunot noo na bumalik ako sa Board Room at umupo sa upuan na sampung metro ang layo dito

May kung anung ina-ayos ito sa Laptop nito kaya naman nabigyan ako ng pagkakataon na muling matitigan ito ng matagal.

He always had a handsome face, with his Half Spanish Features he always stood in the crowd. Malalim ang mga mata nito pero mahababa ang pilik mata na palagi kung kina-iingitan dati. Idagdag pa ang mataas nitong ilong ng pwedeng pwedeng maipagmalaki and of course his lips. His red lips is always something to die for.

Muntik ko ng masuntok ang sarili ko sa ini-isip ko agad na iwinaksi ko sa isip ko ito. It's been so long that my heart seems to finally beat again. But what can I do it's been a decade siguro may asawa or girlfriend na ito ngayon.

The thought about it seems like it crashes her one more.

"You have been in this Company for 3 years" Simula nito na lalong ikinakunot ng noo ko.

"Putcha! Masisisante na ba ako?" Malakas na tanong ng utak ko

"Yes" Mabilis na sagot ko

"I went through your files. I see that you Graduated Computer Engineering"

"Yeah, So?" Hindi ko mapigilang magmaldita. Mula kasi nag umpisa akung nag trabaho ayoko ng paligoy ligoy na mga salita. Gusto ko palagi yung direct to the point

"Next week mababakante ang Software Department dahil magreresign na si Mr. Bustamante. Ikaw ang unang nirecommend ni Raim para sa Posisyon and checking on your Profile it's impressive. At mas gusto kung mag hire internally kesa mag hire externally" mahabang paliwanag nito

"So you are offering me the Job?" Walang ganang tanong ko dito. Narinig ko ang opening last week pa at halos hindi ako pinapatulog ni Raim dahil sa pang-gugulo nito sa akin na mag apply ako para sa posisyon. But I declined a Hundred Times

"Yes" He answered firmly

"I decline. I can recommend someone who is more Qualified than I am" agad na sagot ko. Halatang nagulat ito sa sinabi ko

"But, it's something that you love" he blurted out. Sa pagkakataong ito ako naman ang nagulat

"Oh he remembers" malakas na hiyaw ng puso ko

"That's a long time ago. Masaya ako sa Workforce. So if you'll excuse me I have more things to do than to talk about this" mabilis na sabi ko sabay tayo

Biglang nagseryoso naman ito ulit. Staring at me with blank and cold stares

"Of course" lalabas na sana ako ng muling magsalita ito "Ms Vanzuel, I didn't know you prefer girls now"

Halos maningkit ang mga mata ko sa sinabi nito

"Well, I guesse People change" mahinang sabi ko sabay layas sa harapan nito

🎈

Gigil na gigil akung pumasok sa Workforce Room. Nagulat pa si Henry sa lakas ng pagsara ko ng pinto.

"Boss? Anyare?" Mejo takot na tanong nito "Anung ginawa ni Mr. M sayo?"

"Hayop yun, pagkamalan ba naman akung Tomboy" galit na sumbong ko dito

"Hindi ba Boss?" Biglang tanong naman nito

"Hoy isa ka pa!" Inis na sikmat ko dito "Teka nga muna pati ikaw? Akala mo Tomboy ako?"

"Well, Yes? Kung si Nelmar Bakla ikaw naman Tomboy"

"Why?" Curious na tanong ko

"Eh boss nanalamin ba kayo?" Nagkamot pa ito ng ulo "Araw araw kasi para kayong namatayan. Gets ko naman na Black is your favorite color pero Araw araw talaga? You always sport a Black Jogging pants, Black Hoodie. Tapos idagdag pa na palagi kayong naka Bull Cap. You always do Dress Down" mahabang paliwanag nito "Saka hindi din kayo nag mamake-up. I never even saw you wearing Dress or anything na may kulay"

Dun ako nahimasmasan ng tuluyan.

"Ahhh, Akala ko naman nag susumigaw na Tomboy ako. So it's because of how I Dress?" Tanong ko ulit

"Well yes. Pero Boss hindi kayo Tomboy?"

"Hell no!" Agad na tanggi ko dito

"Ahhh Boyish lang pala. Okay malinaw na sa akin lahat - Alam mo Boss maganda ka naman eh, kapag tinatanggal mo yang Salamin at yang Bull Cap mo maganda ka" Puri pa nito sa akin na ikinataba ng puso ko

"Dahil jan, invited ka sa lakad namin ni Nelmar mamayang out"

"Saan ang lakad?" Natuwang tanong nito

"Syempre sa Fabulous"

"Ay gusto ko yan" malakas na sabi naman nito.

Fabulous is a Go to Place for Everyone. Ito lang kasi ang nag iisang 24hrs na Resto na pwede nilang tambayan kapag madaling araw or kung napapasubo sila ng Overtime. They offer wide range of Pulutan and Unlimited Beer. Saka maganda ang Ambiance ng Lugar lakas maka sosyal.

"Jan ka na muna ha, nastress ako kaya matutulog muna ako"

"Hindi na kayo mag lalate Lunch Boss?"

"Hindi na gagamitin ko nalang yang Lunch ko para matulog. Nawalan na ako ng ganang kumain. Hayop na Mr. M kasi yan eh" gigil na sabi ko saka umalis

Wounded (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon